PROLOGUE

1.8K 32 5
                                    


Bleeding Love



"Cahel, anak, ikaw na ang bahala sa pagpapatayo ng Mansiyon natin sa Broquin," rinig kong sabi ni Mama.




"Yes, Ma, ako na ang bahala roon," sagot naman ni Kuya kay Mama.




"Sino ba ang iyong Engineer na nakuha mo?"



"Basta, Ma, trust me! Magaling na Engineer iyon. He is from GLS Construction Engineering Corporation."




"Really? I heard a lot of news about GLS. Sila raw ang nangunguna sa mundo ng mga Engineers!" ani Mama, tila isang bata na bilib na bilib.



"Exactly, Ma," Kuya answered.




"I hope I will meet that Engineer soon," Mama said.



"Pupunta siya ngayon dito, Ma. We will discuss about the Mansion. Mag pa-pa-appointment pa sana ako but luckily he said na rito na lang kami sa bahay mag-usap," tuwang-tuwa na sabi ng aking kapatid.




Sa huli ay hindi ko na lang sila pinansin at itinuon na ang aking atensyon sa pinapanuod ko. Hindi ko na binalak pang makinig sa kanila.




I'm tired and I need a rest. Kaya nga hindi muna ako pumasok sa opisina dahil sa napakarami kong ginawa kahapon. Kami na kasi ni Kuya ang inaasahan ni Mama sa aming kompanya ngayon. Lalo na't gusto rin namin ni Kuya na makapag-pahinga si Mama. Nang ma-bored na ako sa aking pinapanuod ay humiga lang ako rito sa sofa at sinunod na itinuon ang aking atensyon sa aking cellphone.



I'm busy looking on my pictures when I received a message from Tala.


Tala

Aira! Ang guwapo niya pa rin tulad ng dati!




Sino naman ang kaniyang binabanggit ngayon? Isa ba sa mga ex-boyfriend niya noong nag-aaral pa lang kami?



Me

Who?



Tumunog agad ang aking cellphone, mensahe na dumating na ang reply ng aking chismosa na kaibigan kaso tinawag naman ako ni Kuya para sa kanya mapunta ang atensyon ko.



"Aira! Favor, please," aniya saka lumingon sa akin nang tumingin ako sa kung nasaan siya. Nakaupo siya ngayon sa dining area.




"You know I'm tired, Kuya!" agad kong reklamo.





"Aira! Dadating ngayon ang Engineer!" sigaw niya sa akin, tila hindi ko siya naririnig para sumigaw siya.




Bumalik na kasi muli si Mama sa kaniyang silid para magpalit ng damit. Kung nandito lang si Mama ay kanina pa siya nito sinuway dahil sa lakas ng boses ni Kuya.




"Oh tapos?" As if may maitutulong ako sa pag-uusap nila.




"Maghanda ka na sana ng meryenda, please," aniya sa malambing na tono ngayon.




"Bakit hindi ka na lang kasi bumili kanina! Mamayang hapon pa naman ngayon babalik si Manang Delma."



"Kaya nga ikaw muna, please."



"Wala pa naman 'yong hinihintay mo, Kuya. Simulan mo na kayang ihanda ang meryenda n'yo," naka nguso kong saad.



"Nandiyan na siya... Nasa harap na siya ng bahay," sagot sa akin ni Kuya habang ang paningin niya ay nasa kaniyang cellphone.




Bleeding Love (Engineer Series #4)Where stories live. Discover now