Checkmate 1

615 3 1
                                    





THIRD PERSONS POINT OF VIEW




"Check... Checkmate"




"Sabihin mo, bakit hindi ka sumuko ng mas maaga?" nagtitimping tanong ng binatilyo. Nanginig naman sa takot ang lalaki at halos hindi ito makapagsalita. Nakayuko lamang ito at pilit iniiwasan ang napakalamig na tingin ng binatilyo.




Ilang minuto ang lumipas, natulala nalamang ito ng may maramdamang umaagos na likido sa tainga niya. Unti-unti siyang nabingi at ng hawakan niya ito, laking gulat niya ng masaganang dugo niya ang umaagos rito.




"Aaaaahhhhhhh!"




Napahiga nalamang siya sa sobrang sakit habang pinipigilan ang pag-agos ng dugo mula sa kaliwang tainga niya. Sa sobrang bilis ng pangyayari, hindi niya namalayan ang napakabilis na paggalaw ng binatilyo at kung anong ginawa nito.




"Ayoko ng paulit-ulit. Kanina pa dapat natapos ang laban nating ito. Pinahaba mo lang ng dalawamput dalawang tira." madilim na sabi ng binatilyo at naupo ulit sa lapag kaharap ang maliit na mesa na kung saan nakalagay ang board na kanilang pinaglalaruan.




Wala man lang sakaniya ang ginawang pagpunit sa tainga ng lalaki at natuwa pa nga ito sa nasasaksihang paghihirap nito.




"Tinatanong kita kung bakit hindi kapa sumuko kanina?...

Dahil ba umasa kana sana magkamali ako ng tira?"




Kahit na nanginginig parin sa takot at sakit, tumayo ang lalaki at kumaripas ng takbo palabas ng silid na umaasang makalayo sa demonyong kaharap.




Pero bago pa siya tuluyang makalayo, binawian na siya ng buhay ng binatilyo gamit ng sariling kamay.




"Basura." Bulong nito.




Bumagsak ang katawan ng lalaki sa sahig habang mulat na mulat ang mata at patuloy na umagos ang sariwang dugo.




"Ibigay mo sakin ang Rule Book" pagtawag ng binatilyo sa atensiyon ng kaniyang alagad na seryosong nakatayo hindi kalayuan sakaniya.




Tumalima naman kaagad ito at ibinigay ang libro na naglalaman ng iba't ibang klase ng laro.




"Sunod na Natioanal Champion ang isang larong tinatawag na 'Goh'. Mukhang simple lang ang larong ito sa unang tingin, pero medyo komplikado itong laruin. Kung para sa 'Shungi', mukhang mas matatagalan kayo sa isang 'yan." paliwanag nito sakaniya habang patuloy siya sa pagbabasa.



•••



"M-maawa na k-kayo.. Pakawalan niyo nako.. A-anong gagawin niyo s-saakin?"




"T-tulonggg! T-tulungan niyo akoo!"




Sigaw ng panibagong bihag na lalaki habang nagpupumiglas sa pagkakahawak ng mga alagad ng binatilyo.



"Katahimikan! Magpakita ka ng paggalang sa hari!" pagbabanta ng isang alagad at padaskol na binitawan ang lalaki.




Nanlalaking mata lang ang nagawa ng lalaki ng makita ang mga nagkalat na katawan sa sahig at halos maging kakulay na ng dugo ang sahig.



"Mamili ka... Maupo ka sa harap ko at makipaglaro saakin

o

matulad ka sa lalaking nakikita mo"



Pero katulad ng naunang laban. Wala paring nakatalo sa binatilyo at patuloy lang din sa pagdami ang namamatay. May ibang nagbalak na tumakas, umayaw at nagdahilan pero lahat ng ito'y naging tulad lang sa mga nauna ang kinahantungan.




"5.5 points. Panalo ang hari."




"Namamangha po ako sa bilis niyong matutunan ang mga larong katulad nito. Hindi ko inasahan na mas mabilis ng kalahating oras niyo pa ito natutunan kumpara sa Shungi." mahinahong sabi ng kaniyang alagad na puno ng pagkamangha.




"Nahuli ko na kasi ang takbo ng mga larong ito...
Chess, Goh, Shungi. Iba iba ang patakaran nila pero lahat ng larong iyon ay may iisang ritmo sa paggalaw ng mga piraso sa ibabaw ng tabla. Mahalagang matutunan mo kung papaano mo sisirain ang ritmo ng iyong katunggali." lintaya ng binatilyo habang nakatitig sa mga pirasong nasa harap niya.




"Ilan pa ang natitirang laro?" Tanong niya ulit sa alagad na nasa tabi.




"Ayon sa listahan ng Professional Game dito, may isa pang natitira. Isang Board Game na 'Gungi' kung tawagin." sagot nito na nakakuha sa atensiyon ng binatilyo.




Gungi?




"Nagmula itong larong ito mismo sa Silangang Gorteau kaya ayon dito lahat ng mamamayan ay marunong maglaro nito.

Ang pagbitag sa hari ang pangunahing layunin ng larong tulad ng Chess at Shungi, pero ang kaibahan nito, pwede kang magpatong ng hanggang tatlong piraso sa iisang pwesto. Sa simula ng laro, maaari mong iposisyon kahit saang teritoryo mo ang mga ito. May kakaiba ring pakiramdam sa laro ang pagkakaroon ng tatlong dimensyonal na aspeto nito na wala sa ibang Board games."




Patuloy lang sa pakikinig ang binatilyo at tutok na tutok sa mesa. Nakakaramdam siya ng kakaibang saya dahil sa panibagong laro at makakalaro. Kahit hindi niya pa alam kung paano laruin ang sinasabing laro ay nababatid niya na ang panibagong pagkapanalo at ang hatid nitong kasiyahan sakaniya.




Nasasabik na siya sa panibagong kasiyahang mararanasan kapag nasimulan niya na ang paglalaro.




"Sa nakaraang labing limang taon, marami ang dinaos na mga kompetisyon sa buong mundo at kahit minsan hindi pa natatalo ang Silangang Gorteau. Pangatlo nilang kinatawan ang kasalukuyang kampiyon. May limang new record na walang patid na pagkapanalo."




"Hmm, kapag natalo ko na siya. Ako na ang magiging pinaka magaling sa Gungi sa buong mundo. Isang nababagay na pinale sa larangang ito." Nangingiting sagot ng binatilyo habang malalim parin ang iniisip.




Kung ganoo'y mukhang may tinatago ngang galing ang susunod kong makakalaro kung pagbabasehan ang kaniyang pagkapanalo.




Pero makakaya niya kaya?




"Simulan na natin. Papasukin mo na siya" diklara ng binatilyo na kaagad naman nitong sinunod.




Bumukas ang pintuan malayo sa harap niya. Doon ay unti-unting pumasok ang bisita.
Mula sa mabagal nitong paglalakad ay sabay na maririnig ang bawat tunog ng kahoy na tumatama sa kahoy na sahig.





Napawi ang ngiti sakaniyang labi ng makita ang makakatunggali.




Isang batang babae...




Walang kabuhay-buhay.




Ang mga mata nitong nababalot ng kainosentehan at parang walang alam sa buhay.




Rinig mo ang bawat tunog ng hawak nitong tungkod na siyang nakadagdag sa kakaibang nararamdaman ng binatilyo.




Ang hawak nitong tungkod ang siyang ginagamit na mata upang makalakad ng matuwid papunta sa kinaroroonan ko.




Ano ito?




I-isang b-bulag?

Check and MateWhere stories live. Discover now