kabanata 14

4 2 0
                                    




Kabanata 14




Hindi ko alam kung paano agad ako nakapunta sa America parang ang bilis ng pangyayare buong byahe buong araw siya lang ang iniisip ko





Bumalik lahat ng sakit hindi parin ako makapaniwala sa mga narinig ko sana hindi ko nalang yun narinig sana wala nalang siyang sakit





Pag baba ko eroplano dumeretso agad ako sa hospital kung saan siya na confine pag punta ko doon ay nagulat yung tatay niya





Sinabi ko na agad na alam ko na ang lahat sabi niya na pasensiya na daw dahil hindi daw nila sinabi sa akin dahil ayun daw kase yung sabi ni joy na huwag na wag sabihin sa akin





Pag pasok ko sa kwarto tinignan ko agad siya mahimbing siyang natutulog bigla nalang ako naiyak ang daming aparatong naka kabit sa katawan niya para mabuhay siya






Ang laki ng pinayat niya ang laki ng pinag bago niya hindi na siya si Estella na nakasama ko ng seven years





Dama ko yung sakit na dinadala niya mas mahirap  pala yung pinag dadaanan niya kumpara sa akin





Sana ako nalang sana ako nalang at hindi nalang siya sana sinabi niya nung una palang para maalagaan ko manlang siya para mabantayan ko manlang siya





Umupo agad ako sa tabi niya at hinawakan yung kamay niya





Ang daming bakit na pumapasok sa isip ko ang daming tanong






Bakit sa dinami dami ng babae sa mundo bakit siya pa ang dapat makaranas ng ganito





Pitong bilyong tao sa mundo bakit kami pa ang naghihirap ng ganito wala naman kaming ginawang masama nag mamahal lang naman kami





Hindi ko kayang nahihirapan siyang mag isa hindi ko kayang makita siyang nag kakaganito





Ilan pa bang pagsubok ang kailangan naming lagpasan para matapos na ito





Naiinis ako sa sarili ko ang TANGA ko kung alam ko lang ito yung dahilan sana pala hindi ako tumigil sa pag hahanap sakanya sana pala pinigilan ko siya nung mga araw na iyon





Sana pala hindi ako basta basta sumuko.





Bigla naman siyang nagising at lalo akong naiiyak dahil nakita ko yung mata niyang hirap na hirap





Sinabi niya sorry mahal sorry dahil hindi niya daw agad sinabi sa akin





Iyak lang ako ng iyak hindi ko alam kung anong sasabihin ko grabe ang sakit sakit na makita siyang ganito





Sana hindi nalang ito totoo sana nasa isang masamg panaginip lang ako please paki gising naman ako ayoko na





Ayoko ng nakikita siyang nahihirapan





Pabagalin muna natin ang ikot ng mundo
Ako'y sasayaw sa himig mo atin ang gabi na 'to
Pahintuin mga kamay ng oras sa relo
Takasan natin ang gulo, lilipad papalayo.

-Emman-

Sa Susunod Na Habang BuhayOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz