After ko magpaaalam kay ate che, lumabas na ako kaagad di na ako nagbihis, kase ayoko paghintayin si justin doon. Pagdating ko doon, nasa labas na si justin at nakasandal sa kotse nya. O my gosh! Ang cool nya nung nakasandal sya doon, sakto pang nasa nakalagay sa bulsa nya yung dalawang kamay nya, at yung muka nya seryoso lang. Napakagwapo!
Ang unfair ng mundo noh? Yung iba cute lang yung iba naman pogi lang? Tapos ito, cute na gwapo pa? Earth, earth ,earth why are you so unfair? Napansin kong nakita nya na akong lumabas.
"Tara na.." sabi nya at ngumiti saakin, kingina naman ngumiti pa!
Doon ko lang napansin na expensive na kotse itong gamit nya, Ford Mustang ang sasakyan nya! Isa to sa pinakamahal na car sa pilipinas ah? Kung di ako nagkakamali milyon ang halaga nito, mga 3 million pataas. Char, di ko talaga alam.
Jusko lord, sasakay ako sa ganito kamahal na kotse? Napalunok ako.
Nakita kong nakasakay na si justin sa tabi ni driver nya, at obviously doon ako backseat. Kaya ko ba to? Dahan dahan akong lumakad papunta doon sa kotse. Di parin ako makapaniwala nag kasambahay lang ako tapos makakasakay na ako sa ganitong kotse? Kakaiba talaga ang mundo.
"Di mo ba mabuksan? Isigaw mo lang open sesame bubukas yan.." Sabi ni justin. Eh? Ginawa akong bata? Bakit ganyan kayo ha? Pero sigeee pag bigyan yan! Pag ito di bumukas dapat ikiss moko! Chos!
Lumayo ako ng kaunti para bumwelo. At itinapat ko yung kamay ko doon sa kotse nya. "Open.. sesame!"
Nakita ko namang tumawa si justin. "Grabe, ginawa mo talaga," sabi ni justin habang tumatawa.
Tama si justin mga 40 minutes nga ang tinagal ng byahe actually, minimun yon kase hindi gaanong traffic. Nang makarating kami doon ay, napanganga ako, ang ganda! Halatang halata na noon pa man napatayo ang lugar na ito, halatang gawa sa mga sinaunang antique ang bawal sulok nito, na ngayon ay madalang na lang.
Nang makababa si justin ay lumapit sya saakin.
"This museum was erected in early 1970's which is owned by the generation of our forefathers." Panimula ni justin habang pareho kaming nakatingin sa harap ng museum. Kitang-kita na kahit si justin ay humahanga rin sa museum na naipatayo ng mga ninuno nya.
"Come in.." sabi ni justin saakin at sabay na kaming pumasok sa loob.
Tulala lang ako habang papasok sa loob, mas maganda dito! Grabe halos lahat ng mga bagay na andito ay kahanga hanga! Halata rin na alagang alaga nila ang museum na ito. Haayyy feeling ko tuloy nasa unang panahon ako, grabe lakas maka 1970's ng ambience.
YOU ARE READING
He Exists
FanfictionEversince Joy ada De guzman habitually reading wattpad books, it was her happiness and tranquility as well. She believes that happiness is only in the books, not in reality. Suddenly a tight predicament come into her life that she have to move in ma...
