Prologue

9 1 0
                                        

Madilim ang kalangitan at ang ihip ng hangin ay tila bumabayo sa aking katawan. Isa itong hudyat ng matinding pagluha ng kalangitan, ngunit kaysa tumayo at lisanin ang lugar na aking kinalalagyan, nanatili akong nakahiga sa isang damuhan, sa ilalim ng mataas at malapad na puno. Napatingin ako sa libro na aking hawak, mukhang antigo at walang kadise-disenyo. Binuksan ko ang librong kay liit at buong kaluluwa ko'y nakaramdam ng pinaghalu-halong emosyon, nang makita ko sa saktong pahina ang larawan ko kasama ang isang magandang dalaga. Sino nga ba siya? Ano ang mayroon kami? Ano ang nangyari? Bumibigat ang aking ulo, sumasakit kaiisip sa mga paulit-ulit na tanong hanggang sa hindi ko na namalayan na unti-unti na palang pumipikit ang aking mga mata, nakakarinig ako ng isang boses, binabanggit niya ang aking pangalan; nakahaplos ang kanyang mga palad sa aking mukha, nananaginip ba ako? Isang malaking tanong sa aking isipan; "Ano ba ang nangyari?"... Tuluyan ng nagging madilim ang nakikita ng aking mga mata, at ang malay ko'y panandalian ng nagpahinga...

Note:MetanoiaStories to obsess over. Discover now