Chapter 1: Disaster

164 6 33
                                    

Chapter 1: Disaster

"Christmas Party na bukas, Nezuko-chan. Pupunta ka ba o hindi?"

"Kilala mo naman ako, Sasha. Kapag nandoon si Levi, nando'n din ako. Bakit ka pa nagtatanong?"

Nakatambay sila ng kaibigang si Sasha sa cafeteria at ine-enjoy ang natitirang oras ng lunchbreak. Walang nang masyadong tao at hindi na nila napapansin kung sino ang mga natitirang mga kumakain doon dahil abala ang dalawa sa pag-uusap.

"Sigurado ka bang ayaw mong mag-skip ng christmas party? Nanaginip kasi ako kagabi eh. Papagalitan ka raw ni Sir Levi sa party. Huwag na kaya tayo pumunta, Nez?"

"Hindi pwede, Sasha!" Naibalibag ni Nezuko ang kamao sa lamesa. Napaigtad naman ang mga taong naroon dahil sa biglaang ingay.

"A-Ang ibig kong sabihin," her voice is much calmer now. "Kailangang ako ang kumilos para magkatuluyan kami ni Sir. Sa christmas party, balak kong yayain siyang kumain sa labas. 'Yung kaming dalawa lang. T-Tapos, yayayain ko siya sa apartment ko." kinilig si Nezuko sa naisip. Ah, she would love to share her bed with him.

"Gaga. Mangarap ka. Imposible 'yang pinapangarap mo. Maniniwala siguro akong may pag-asa kayong dalawa eh kung makikita kong naghahalikan kayo sa totoong buhay. " Sasha ate an apple before speaking with her mouth full. "Kaya huwag mo nang pangarapin si Kapitan Levi dahil walang mangyayari sa'yo."

Alam naman ni Nezuko na walang kwenta ang pangaraping kahit konti ay magustuhan siya ni Levi. Ayon kasi sa mga naaalala niya at sa mga isinulat niya sa kanyang diary, puro na lang kapalpakan ang dala niya sa kanyang iniirog. She heaved a sigh. 

Nang makabalik na sila ni Sasha sa kani-kanilang cubicle, nag-umpisa na silang magtrabaho. Kailangan niyang mag-sipag para ma-impress ang team leader nila. Kahit iyon man lang. 

She's good at talking. Sa loob ng tatlong taon na pagtatrabaho niya sa kumpanya ay hindi siya naaalis sa listahan ng excellent employees chart nila. At sa tingin niya ay isa iyon sa mga dahilan kung bakit hindi pa siya tanggal sa trabaho. 

She stood up after a talk with a customer. Heading towards the CR while looking at the floor, she accidentally bumped into someone's shoulder. Napasinghap si Nezuko. 

"Ayan na naman sila Nezuko at Sir PMS. Lagot."

"Lagi talagang nagkakabanggaan ang dalawang 'yan."

"Napakamalas naman ni Nezuko. Nakakaawa siya."

"Sucks to be her. Papagalitan na naman siya mamaya. "

"Tatanga-tanga kasi."

Sa mga usapan sa paligid, hindi na niya kailangang i-angat ang titig sa kung sinumang nakabangga niya dahil alam na ni Nezuko kung sino, yon.

His dark, tantalizing pools captured hers. She looked up and all she can see was his handsome, emotionless face. Napalunok siya. Familiar emotions once again filled her heart.

Dear diary,

I bumped into him. For the nth time, I bumped into him. As usual, he scolded me. Pero bakit ganun? Bakit niya ako laging pinapagalitan sa labas ng opisina? Concern ba siya na baka mapahiya ako? May karapatan siyang magalit kasi natapon ko ang kape niya. Kahit mapahiya ako eh okay lang naman kasi kasalanan ko. 

Hindi ako makapagsalita, diary. Hindi ko rin siya matingnan ng direkta sa mata. Bumibilis ang tibok ng puso ko. Kinakabahan ako kapag magkalapit kaming dalawa. 

Pero sana last na 'yung disaster kanina. Ayoko nang bigyan siya ng sakit sa ulo. Pero kung 'yung mga kapalpakan ko ang paraan para mapansin niya ako, siguro'y walang masama na magkamali paminsan-minsan. Sana karmahin pa ako para lagi ko siyang makasama. 

Nezuko remembered how he looked at her head earlier with a worried look. Sa taas ba naman nitong mahigit anim na talampakan, eh, mauuntog at mauuntog siya sa braso o dibdib nito.

She bumped her forehead on his shoulder earlier. Sa sobrang lakas ng impact ay muntik na siyang mawalan ng balanse. Buti na lamang at hinawakan siya kaagad ni Levi sa braso para hindi siya tuluyang matumba pero ang kape naman nito ang tumapon dahil inagapan siya ng binata bago pa siya tuluyang matumba.

Alam naman niyang reflex lang iyon ng binata kagaya ng ginagawa nito sa tuwing lagi silang nagkakabanggaan pero may isang parte sa isip niya na sana'y concern ito—kagaya ng mga titig nito sa kanya kanina. 

Under the mistletoe (SHORT STORY FANFICTION)Where stories live. Discover now