CHAPTER 2 : Ex is coming

3.8K 184 2
                                    

THE CHUBBY REVANGE
Chapter 2


NICOLE

"Nilalamig ka na." Agad niyang hinubad ang jacket na suot niya at isinakbit sa balikat ako.

"S-salamat." nahihiyang pagsasalamat ko.

"Gusto mo bang tawagin ko kuya Frayan mo?" Nagaalalang tanong niya.

"Ahh h'wag! Sigurado akong papagalitan lang ako noon." wika ko sa kaniya. Hindi ko pala nasabi na bestfriend ni kuya Frayan si Jericho, Kaya siya kilala ni mama. Saka Childhood crush ko kasi siya. Hindi niya nga lang alam. Umiiwas kasi ako sa tuwing bumibisita sila sa bahay. Ganun ako katanga nung bata ako takot sa ibang tao. Haha

"Salamat pala ah." nahihiyang pagpapasalamat ko ulit. Ngumiti naman siya sakin at ging tap ang braso ko.

"Walang anuman. Dapat kasi sa sunod lumalaban karin para matakot sila. Kasi kung hahayaan mo lang. Ipagpapatuloy nila ang ginagawa nila sayo." wika niya yumuko naman ang ulo ko.

"Sinubukan ko. Kaso..." Naalala ko ang ginawa sakin ng mga dating classmate ko nakaraang taon.

"Kaso?" curious na tanong niya.

"Kaso, Binaligtad nila ang kwento. Gumati ako pero sinabi nila na ako ang nauna." bumuntong hininga siya. Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin.

"H'wag kang mag alala. Darating ang araw na magugustuhan karin nila." wika niya at kumalas narin sa pagkakayakap sakin. Pinisil naman niya ang pisngi ko saka ngumiti. Nanatiling namilog ang mata ko sa ginawa niya. Feeling ko kahit anong oras sasabog ako sa kilig.

"Oh siya! Aalis na ako bye."  Pagpapaalam niya. Nakangiting nag wave ako. Pinagmasdan ko siyang umalis hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Nakangiting naglalakad ako pabalik sa room. May mga nangungutiya sakin ngunit hindi ko sila initindi. Nanatiling nakanguhit sa labi ko ang isang napakalaking ngiti.

"NICOLEEE." Nagulat ako ng biglang may yumakap sakin. Nakita ko naman siyang maiiyak-iyak na nakatingin sakin.

"Ayos ka lang ba? Kanina pa kita hinahanap! Anong ginawa nila sayo ba't puro pintura ka? Sinaktan ka ba nila?" She asked.

Siya si Aingel Sarmiento. Isa sa mga beshie ko. Hindi nga lang sila close nila Alyssa at Queen. Aingel is just a normal student here in Galila University[GU] at siya ay kaklase ko. Hindi ko rin pala siya nakita kanina noong binuhusan nila ako ng pintura. Ngumiti lang ako sa kaniya.

"Okay lang ako, Okay na okay~" Nakangiting wika ko at nagikot-ikot pa. Ang saya ko ngayon. Niyakap ko 'yung jacket ni Jericho at inamoy-amoy. Grabe! Ang bango.

"OMG!! Tinulak ka ba nila sa pader? kaya ka nagka ganyan? Kaya ka naging siraulo?" sumimangot naman ako at tumingin sa kaniya.

"Sira! Makasiraulo ka naman." nakapout na wika ko rito. Pinakita ko sa kaniya 'yung jacket. Kunot-noong tiningnan niya ito.

"Alam kong jacket 'yan! Kaya hindi mo na kailangang ipakita sakin." naiiritang wika niya. Niyakap ko 'to uli.

"Alam mo ba kung kanino 'to galing?" nakangiting tanong ko.

"Kanino aber?" ang taray naman nito sissy ko.

"Kay Jericho!" kinikilig na wika ko.

"TALAGA?"

"OO"

"Kyaaaahhh." Nagtinalon talon kami sa kilig. Nagsayaw sayaw pa kami at para na kaming mga temang.

"Hoy! h'wag ka ngang tumalon! lumilindol." naiinis na wika ng babaeng dumaan. Teka? Kilala ko 'yon. Nilingon ko naman silang tatlo.

"Hoy!! Kayong tatlo!" inis na sigaw ko rito. Mataray na humarap sakin ang sina Michaella, Flyn, at Chai.  Sila ang kilalang Modelist dito sa GU. Nagkakandarapa ang mga lalaki sa kanila. Pero kung ako ang tatanungin? Mas maganda ang mga beshie ko. Isama mo pa si Aingel. Simple pero hot.
Also kilala sila kung tawaging Pretty but evil girls. Mga suplada 'yang mga pangit na 'yan e.

The Chubby Revenge ( COMPLETED / EDITED ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon