CHAPTER 1 : Her Crush

5.6K 253 25
                                    

THE CHUBBY REVENGE

Chapter 1


NICOLE POV'S

"Ahh mataba!!"

"Chubby~"

"Hoy! balyena!"

"Ang taba taba mo."

"Hoy baboy!!"

"E-letchon kita e."

"Baboy! Baboy!"



MAGANDA AKO, ayan ang kataga ko sa sarili ko upang hindi maging nega at ma-apektado sa mga sinasabi ng mga taong nakapaligid sa‘kin.

Oo mataba ako, e anong pake nila? Kaya kong lumaban hanggang nandiyan ang mga kaibigan ko. Saka akala ba nila ikakaganda/ikakagwapo nila ang pang aasar sakin? Hindi naman diba?

Bumuntong hininga ako. Kasalukuyan akong nakatayo at nakatitig sa malaking salamin ng kwarto ko. Pinagmasdan ko ang aking katawan.

"Ang taba ko na talaga." malungkot na sabi ko. Tumingin naman ako sa mukha ko. Okay lang at least maganda ako. Ngumiti ako at binuksan ang radio. Sakto namang pinatugtog ang ON by BTS kaya napasayaw ako.

"Eh Oh! gajyeowa bring the pain oh yeah." kanta ko at kumiding kinding pa. Tuwang-tuwa naman akong tumalon-talon.

"NICOLEEEEEEE!" Agad ko namang pinatay ang kanta ng isang malakas na katok ang gumulat sa'kin habang sumasayaw. Binuksan ko naman 'to.

"Bakit ba? Panira ka ng moment." naiiritang bunggad ko rito. Magkasalubong ang kilay na tiningnan ako ni kuya.

"Ilang beses ko ba sasabihin sayo na h'wag kang sasayaw sa kwarto mo! sisirain mo ba ang bahay? Alam mo namang nasa baba ng kwarto mo ang kwarto ko. Pati kwarto ko lumilindol sa ginagawa mo." gigil na gigil siyang tumingin sa'kin. Tinarayan ko nalang siya. Ganyan naman si kuya, Sa tuwing sumasayaw ako sa kwarto lagi niya akong sinusugod para patigilin. Ano rin pala kung masira 'yung kwarto niya? Edi maganda. Haha.

"Who cares." pagtataray ko at pumasok uli sa kwarto. Nakita ko naman na may maliliit na bitak sa sahig ng kwarto ko. Napalunok naman ako. Ganito na ba talaga ako kabigat? grabe pati semento hindi ako kinaya? Hayss.

"Nicole sweetie anak, bumaba ka na. Kakain na." narinig kong pagtawag sakin ni mama. Nakangiting bumangon ako sa pagkakahiga. Ito ang pinaka-favorate ko. Kainan time na.

Bumaba na ako patungong dinning room. Naabutan ko naman si Papa na nagbabasa ng diyaryo habang si Mama at Yaya Pinky nag-hahain ng pagkain namin sa lamesa. Umupo naman ako at sumandok ng Fried Rice, Hotdog, Bacon, Lempo at isang mansanas.

Susubuin ko na sana ang pagkain ko ng biglang sumingit si Kuya. "Mag diet ka nga." Turan nito sakin. Galit na tinignan ko naman siya. Ayan ang ayaw kong marinig sa lahat. DIET? Never!

"Oo nga anak! tignan mo kulang nalang lagyan kita ng mansanas sa bunganga." dugtong naman ni Mama.

"Mama naman, Akala ko ba baby girl mo'ko! bakit kinakampihan mo si Kuya?" pabebeng wika ko rito. Inirapan lang ako ni kuya at umupo sa tabi ko. Nagsimula naman siyang kumain.

"Paano ka magugustuhan ng crush mong si Jericho kung ganyan ka na kataba anak." saad ni Mama. “Kahit mataba ako magugustuan niya parin ako.” saad ko sa isipan ko. Nagulat ako ng hilain ni Mama ang plato na may lamang Lempo, Bacon, at Hotdog.

The Chubby Revenge ( COMPLETED / EDITED ) Where stories live. Discover now