CHAPTER 16

14.5K 505 47
                                    


Nagising ako ng wala na sa tabi ko si Rafael. Pinagmasdan ko ang paligid ko. Nasa loob ako ng kwarto ni Rafael, dito pala ako natulog kagabi dahil ako ang nag-alaga sa kaniya dahil may sa'kit siya. Binuksan ko ang cellphone ko upang tingnan ang oras at nakita kong alas-onse ng umaga.  Suno-sunod rin ang natanggap kong text kay Marcus ngunit hindi ko iyon binasa. Ayokong masira ang araw ko dahil lang sa mga text niya. Bumangon ako upang bumalik ng kwarto ko. Pagkatapos naligo muna ako at nang matapos kong maligo naisipan kong hanapin si Rafael sa loob ng mansiyon. Pinuntahan ko siya sa kusin at nakita ko siya doon na nagluluto ng pagkain.

Ngumiti siya ng makita niya ako. "Good morning Hanna."

"Good morning, kumusta na ang pakitamdam mo?"

"Okay na ako magaling ang nurse ko." Sabay kindat niya sa'kin.

Siyempre dahil mistisa ako namula naman ang pisngi ko. "Wala ka lang talagang choice kaya ganoon, mabuti naman at magaling ka na."

"Yes, at dahil okay na ako tutuparin ko na ang sinabi ko sa'yo ililibre kita ngayon."

"Talaga?"

Tumango siya sa'kin. "Pero kumain muna tayo bago umalis."

Hinintay kong maluto ang pagkain at pagkatapos sabay kaming kumain dalawa. Pakiramdam ko nga ako yung nagkasakit kagabi dahil kung asikasuhin niya ako sobra-sobra kulang na lang subuan niya ako sa pagkain.

"Ang sweet mo pala kapag galing ka sa sakit."

"Sa'yo lang naman ako sweet,"sabi niya.

Nililigpit namin ang pinagkainan namin.

"Dapat ba akong kiligin?"

Tumawa siya. "Hindi ko alam na maganda ka pala Hanna."

Sumimangot ako sa kaniya. Ang tagal na naming magkasama sa iisang bahay ngayon lang niya nalaman na maganda ako. Hindi ba obvious ang ganda ko para hindi niya agad mapansin. Nanahimik ako. Nawalan tuloy ako ng ganang makipag-usap sa kaniya. Napansin naman iyon ni Rafael.

"Wag ka ng magtampo, nagbibiro lang naman ako. Ikaw ang pinaka-magandang babae na nakilala ko."

"Talaga?" Lumalabi kong sabi.

Hinaplos niya ang mukha ko habang nakatitig siya sa'kin. "Kung pwede nga lang na maging akin."

Ito naman ang puso kong nagwawala naman dahil sa sinabi ni Rafael. Feeling ko talaga may sakit na ako sa puso, hindi na kasi siya normal. Nakatitig lang ako sa kaniya.

"Rafael..."

Pagkatapos dahan-dahan niya akong hinalikan sa pisngi. Oo nga pala once na tinawag ko siyang Rafael hahalikan niya ako sa pisngi. Ngunit hindi pa rin niya inaalis ang labi niya sa pisngi ko. Nakakaramdam na ako ng kuryente na dumadaloy sa katawan ko. Pinikit ko ang mga mata ko. Masuyo niyang hinalikan muli ang pisngi ko paakyat sa noo ko at sa ilong ko pagkatapos huminto siya doon parang naghihintay siya ng signal sa'kin kung dapat ba niya akong halikan sa labi.

Gusto kong sabihin na "Kiss me, okay lang sa'kin."

"Hanna... When i count 1,2,3 lumayo ka sa'kin. dahil kapag tumagal pa itong sitwasyon natin ngayon baka hindi ko na mapigilang ang sarili ko."

Tumango ako habang magkadikit ang mukha namin at naamoy namin ang mga hininga naming dalawa.

"One...two...three..."

Lumayo ako sa kaniya at pagkatapos tumalikod sa kaniya kinuha ko ang mga pinggang at dumiretso sa lababo upang hugasan. Napakagat ako sa labi parang nanghihinyang ako dahil naudlot ang dapat halik ni Rafael.

Senyorita Malditah (THE LAST SANTIAGO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon