Christmas Crush

353 10 8
                                    

Last week,nagwish ako kay Lord na sana magkaroon ako ng crush. Ang dami kasing laging nagkukuwento sa akin about sa kanilang mga crushes,nakikinig kasi talaga ako kaya ako lagi "nila" pinagkukuwentuhan ng kanilang lablyf. Naiinggit na ako haha kaya ayun nagwish ako na sana magkaroon ako ng crush na commoner hindi yung artista.

Namimiss ko na kasi ang feeling na may crush. Namimiss ko ng kiligin. Namimiss ko  na yung feeling na di ka makatulog sa gabi sa kakaisip,sa puso't diwa ko,pati sa panaginip. Oh bakit ba ikaw ang siyang laging laman ng isip ko…. Oooops sorry napakanta ako. (>w<)

Buti pa kayo,kahit di man kayo pinapansin ng crush niyo,atleast may crush kayo. Eh ako dito,pusong bato. So,nga-nga!  Bihira lang kasi ako nagkakacrush kasi allergic ako sa guwapo (except kay minho ♥ ). Feeling ko kasi pag guwapo,maarte at allergic sa panget na tulad ko haha. Kaya bago pa man  ako magkakacrush sa kahit na sinong lalaki,automatic ng nirereject ng aking auto-immune system ang kahit na anong trace ng infatuation sa aking dugo.

Anyway,kanina inutusan akong bumili ng coke. Actually,ang arte-arte ko,pinakahate ko yung inuutusan akong lumabas ng bahay para bumili sa tindahan dahil madaming tao.

But tonight,I did volunteer to buy Coke kasi letchon yung ulam namin at tinatamad silang lahat bumuli ng coke at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay

ako na mismo ang nagpresenta na bumili ng coke!

Nang nakita ko kung sino yung cashier sa convenience store,alam ko na kung bakit. Maliwanag pa sa full moon in Gemini ngayong gabi,kung bakit ako tinulak ni kupido na bumili ng coke. Si cashier pala ang aking early christmas gift! Omg! (^3^)/ <3

Ewan ko ba kung ano nangyari at kung.bakit ako nagkacrush sa kanya basta nung inilagay ko na yung coke sa counter naramdaman kong medyo nagpanic siya. Hala ka te? (Weh? Imagination mo lang iyon te!)

Bigla siyang tumayo (alangan naman te. Costumer service!) at hihihi tinanong ko kung magkano yung 1.5 liter coke at ang tagal niya pang  makasagot. Tas eto pa!! Eto pa! Pinipindot-pindot niya yung calculator eh wala naman siyang icacalculate! Isa lang naman yung binili ko. Tas sinagot na niya tanong ko, 57 pesos daw. Hahha eh ano yung pinipindot niya sa calculator niya? 57 + 0 = 57? Hahaha para lang shunga!

Nagbayad na ako tapos ayun hinihintay na lang namin yung sukli.  Meron pa kasi tagasukli! Hahaha amg arte may cashier inside the cashier! Ang saya ko lang kasi ang tagal nung sukli. Habang hinihintay namin yung 3 pesos na sukli ko inaayos niya yung buhok niya at hindi niya ako tinitignan. haha kung maganda ako siguro ibig sabihin nun ay nahihiya siya at naco-concious sa itsura niya, pero dahil pangit ako,baka natatakot lang siya sa itsura ko.

Ang kinagulat ko lang,tinanong niya na hindi ko na NAMAN ba ibabalot yung coke. Tapos naaala ko siya,haha ilang beses na pala ako bumibili doon na hindi ko pinababalot ang mga pinamimili ko kasi sayang yung plastik. Siguro naalala niya ako. Omg hihi kinilig na ko dun. Ang babaw kong babae haha.

Eto,last. Yung sukli nakalagay sa basket pero kinuha niya pa talaga at kinamay para iabot sa akin at nafeel ko super lambot ng kamay niya!! Yung kamay na never pang nakahugas ng plato! Ang kinis-kinis pa ng mukha niya tapos namumula (hindi yung nakablush na namumula yung namumula na parang mestiso. Nakakainggit!). Mukha siyang mayaman at ngayon ko lang napansin kamukha niya yung younger look ng kuya ni Rayver (ewan ko lang sa spelling) Cruz  na matagal ko ng crush,Wansapanatym pa lang.

Hahay ang pangit ko kanina! Hindi man lang sko nasuklay ng buhok,at di man lang ako nanghilamos ewan ko ba kung bakit,(usually di ako lumalabas g bahay ng walang hilamos at ng di naka tshirt or longsleeves)  para akong baliw huhu pero for the first time lumabas ako ng nakasleeveless,ewan ko rin kung bakit.

Paguwi ko kinuwento ko agad sa aking stepmom yung nangyari at habang sinusulat ko ito,tili ako ng tili. Sabi niya baka anak daw ng may-ari yun . Sabi ng sister ko ang pangit daw kiligin n pangit. Mas lalong pumapangit.

So what do you think frindz? Panahon na ba para magmove on ako? Or i-push ko lang tong feeling na ito,total it makes me happy naman?

Oh well,I'll go for the latter.

Meri Christmas and a happy crush-crush! ♥

I-push niyo yan,wag lang majuntis. At crush-crush lang nan iyan at hindi naman ako nkikipaglndian. Hindi ko nga alam name niya and I might never know his name. Nahihiya na nga ako bumili don,basta.

P.s!

For the first time,I will post my picture here! Ang dami na kasi nagmemessage sa akin,anu daw itsura ko. Oh ayan,naisipan kong magselpie. Yan na yan yung itsura ko kanina habang bumibili,kaso lang wala akong glasses at cap nung lumabas ako.

Ugly Duckling - My diary!  (True Story)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें