Chapter 50

1.6K 50 11
                                    

Chapter 50

NASUKAHAN NI WAVE SI SIR SILVER AFTER THAT KISS. Wala tuloy akong nagawa kundi asikasuhin si Wave dahil clearly, ayaw niya na si Tanya iyong mag-alaga sa kanya kahit lasing siya. He keeps on saying my name kaya wala na akong nagawa. Naawa nga ako kay Tanya dahil alam ko na sinusubukan niya lang naman kunin ang loob noong tao but Wave doesn't want that anymore.

He's acting like he doesn't want Tanya anymore.

And it really sucks because Tanya still wants him.

She's inlove with him.

Ngayon, parang gusto ko na lang sumuko sa pagiging kupido nilang dalawa dahil ayaw noong isa. Ang hirap nila paglapitin tapos ginugulo pa ni Wave iyong sistema ko.

Buong gabi ko inalagaan si Wave. Sa tuwing sinusubukan ko umalis, hahawakan niya ang kamay ko. He doesn't want me to let go so I stayed by his side until he fell asleep. Nagising ako na nakayakap sa kanya kaya unti-unti akong umalis dahil tulog pa ito hanggang sa hinawakan na naman niya muli ang kamay ko.

"Where do you think you are going, Kareene?" tanong niya sa paos na boses. Napatitig ako sa kanya at napakurap na ng ilang beses. Ito ang unang beses na nagkatabi kami sa kama na crush ko siya. Dati kasi wala. Wala naman talaga akong pakialam kung magkatabi kami noon kasi walang malisya pero ngayon, pakiramdam ko kahit simpleng paghawak nito sa akin ay may malisya na at mali 'yon.

Sobrang mali.

"M-Magluluto ng breakfast?" Agad akong tumayo nang bitiwan na niya ang kamay ko.

Kumaripas ako sa pagpunta ko sa kusina bago tuluyan napahawak sa mukha. Ang weird weird ng pakiramdam ng mukha ko. Pakiramdam ko may naramdaman akong kung anong mainit na lumapat habang tulog ako. Syempre hindi lamok 'yon kasi kung lamok 'yon, eh di sana may kagat na ito ngayon pero wala.

Argh! This is so weird!

Ako iyong hindi lasing pero ako pa iyong walang matandaan sa mga nangyari habang tulog ako.

I made him a breakfast para sa hang-over niya dahil alam ko na kahit hindi niya sabihin, sumasakit iyong ulo niya. Hindi masyadong umiinom si Wave simula noong magtrabaho ako sa kanya kaya iyong pag-inom niya ng alak kahit hindi siya sanay ay dapat niya nang itigil lalo na kapag tungkol lang naman sa akin.

At saka, he's a kissing monster when he's drunk! He almost kissed me yesterday kung hindi lang siya napunta kay Silver kagabi! Sigurado akong nashookt lahat ng mga tao dahil sa ginawa niya kahapon. Buti na nga lang hindi ako kasama roon kasi I was shipping the two of them since I saw Sir Silver inside our company. Iyon ang araw na napagkamalan ko na manyak si Sir Silver dahil akala ko namboboso siya roon sa rest room ng mga babae. Hanggang ngayon ay nahihiya pa nga rin ako sa mga pinag-gagawa ko sa tuwing naaalala ko 'yon.

Kakatapos ko lang maghain nang makita ko siya na lumabas at pumunta rito sa hapag-kainan. Malaki kasi iyong suit na kinuha niya, sapat na para magkaroon ng isang kwarto.

Pinaghandaan ko siya ng pagkain at saka umupo sa tabi niya para pagmasdan siya. I was worried about him pagkatapos niya inumin iyong alak na dapat para sa akin naman talaga. Pero ngayong okay na siya, nabawasan na iyong pag-aalala ko. I just wished na naalala niya lahat ng mga ginawa niya kagabi para he could still act normal after kissing Silver yesterday.

"Naalala mo naman siguro ang ginawa mo kahapon?"

Napatigil siya sa pagsubo at saka ako tinignan. Tinignan ko siya pabalik na may makadudang tingin na. Pakiramdam ko hindi niya naaalala kase kung naalala niya, malamang badtrip na to ngayong umaga but it seems that he's on a good mood.

The President (Presidential Series I) -- DREAME --Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon