Chapter 2

4.8K 136 10
                                    

Chapter 2

"SIR, KAKATAWAG LANG PO NI SIR DREW. Para sabihin na sa susunod na pong linggo ang party. Nakahanda na rin po ang suit na susuotin niyo for the said occasion," mahabang litanya ko sa boss ko. Hindi na naman umimik sa akin si Sir Wave at isang tipid na tango ang isinagot sa akin. Kahit kailan talaga si sir, walang emosyon kapag ako ang kausap o kaya ibang tao. Pero kapag nandyan naman si Sir Drew, kulang na lang lumuwa nang rainbows ang bibig niya.

Muli kong tinignan si Sir Wave. Bothered pa rin ba siya? Hindi naman manlalaki si Sir Drew habang nasa ibang bansa diba? Nasa ibang bansa pa rin kasi ito ngayon dahil sa meetings. Si Sir Drew kasi ang numero unong representative ni Sir Wave kapag may mga meeting ito na hindi niya pupwede puntahan kagaya na lang ng mga meeting sa ibang bansa. Kaya mukhang matatagalan din bago ito umuwi.

"Free your schedule on that day because Mom wanted to see you," malamig na turan niya sa akin.

"Pero sir, wala po akong susuotin," giit ko at saka siya saglit na sinulyapan bago ilipat ang tingin sa ibang direksyon. Alangan naman na magoffice attire ako sa birthday ni Sir Drew diba?

Napahinga nang malalim ang magaling kong boss. At katulad ng dati ay hindi pa rin ito nag-abala na tignan ako. Itong si sir, insecure ata sa kagandahan ko eh kaya ayaw akong tignan. Charot!

Maya-maya ay tumayo ito at saka kinuha ang suit na nakasabit sa kanyang swivel chair. "Fix yourself. Pupunta tayo sa mall."

Nagtataka akong tumingin sa kanya, "We'll get you a proper dress because Mom is looking forward to see you," seryosong wika nito sa akin.

Pagkasabing-pagkasabi no'n ni Sir Wave ay lumabas na kaagad ako ng office ni sir at tinapos ang natitirang gawain. Inayos ko na rin ang sarili ko bago pa siya lumabas ng office. Ayaw kasi ni sir na mabagal kumilos, baka sabunutan ako bigla. Takot ko na lang!

"Carla, hindi ako makakasabay sa'yo mamaya," sabi ko sa kaibigan ko na ngayon ay nagsisimula na rin mag-ayos ng gamit dahil malapit na matapos ang office hours. Nakaugalian na naming dalawa ang umuwi ng sabay pagkatapos ng trabaho dahil ayaw niya na umuuwi ako mag-isa sa apartment ko. Delikado raw kasi.

"Saan ka naman pupunta?"

"Sasamahan ko lang si sir sa mall," mabilis na sagot ko sa kanya. Pinaningkitan niya ako ng mata na parang may mali sa sinabi ko.

"May date kayo ni sir? Naku! ipinapaalala ko lang sa'yo Reene ah? Ibang-iba si S--"Kumunot nang tuluyan ang noo ko at pinutol ang sinasabi niya. "Tumigil ka nga Carla. Kung anu-ano na naman ang pinag-iisip mo."

Ano ba ang pinagsasabi nitong si Carla? Bakit tila ata kulang ang gamot na iniinom niya at kung ano-ano na naman ang pinag-iisip? Paano kami magdi-date ng mas babae pa sa'kin? Tsk. At saka malabong type ako ni Sir Wave dahil si Sir Drew naman talaga ang type niya. Kulang na nga lang maging hugis puso ang mga mata ni sir kapag nakikita niya na lumalapit si Sir Drew sa kanya eh.

May sasabihin pa dapat si Carla pero bigla iyon naputol dahil tuluyan ng lumabas si Sir Wave sa office niya.

"Let's go." nagmamadaling sabi ni Sir Wave. Kinuha ko agad ang bag ko at mabilis na sumunod sa kanya.

Grand Metropolis Mall...

"Sir! Daan muna tayo roon oh!" Mabilis kong itinuro ang isang cosmetics shop na nakita ko. Tinignan lang ako ni sir na parang bored na bored parin sa buhay niya. Nauna na nga lang ako na pumasok sa kanya sa loob ng shop at naghanap nang babagay na lipstick para sa akin. Paubos na kasi iyong ginagamit ko.

"Sir?" tawag ko nang mapansin ko na nakatingin siya sa lipstick na hawak-hawak ko. Teka... Bakit niya tinitignan? Kumunot ang noo ko ng bahagya at sa huli ay lihim na napatawa sa aking isipan. Si sir talaga! Siguro nahihiya siyang kumuha ng lipstick kasi nga naman nasa public place siya! Di bale! Ako na lang!

The President (Presidential Series I) -- DREAME --Where stories live. Discover now