"Do you want to have babies now?" instead of answering me, he asked.

"I want to give you a baby." Diretso kong sagot. "As many as you want."

"Do you want to give birth? Masisira ang katawan mo."

"What are you talking about?"

"Forget that. Let's just adopt a baby girl, wife." Sabay bangon niya at naupo paharap sa akin. Hinila na rin niya ako paupo. "Ayokong mahirapan ka. I don't want you to get hurt or put your life at risk just because you wanted to give me a child. We can just adopt."

Gusto kong mangatwiran na bakit kailangan pang mag-adopt kung maaari naman kaming magkaroon ng sarili naming anak. Gusto ko rin sanang magbiro pero dahil sa kaseryosohang nakikita ko sa mga mata ni Jules ay tila robot akong tumango kasabay ng isang ngiti.

He pulled me in for a hug and kissed my temple.

When we got back to the Philippines, ipinaalam namin sa parents ko ang desisyon naming iyon ni Jules. Walang pagtutol na namutawi sa kanilang mga bibig. Even my siblings remain their mouth shut but I can see in their eyes that they're questioning our decisions.

"Hi! Are you alright?" nasa balkonahe ako at pinapanood ang mga lalaki na nag-iinuman sa gilid ng pool nang lapitan ako ni Rin at Amber na parehong kambal ang ipinagbubuntis.

"Can I ask you a question?" si Amber na nginitian ko lang. Hindi naman magpapapigil ang isang 'to kahit humindi ako.

"Shoot." Then I sipped on my wine.

"Why did you choose to adopt? Baog ka ba o si Jules?"

"Amber!" sansala rito ni Rin.

Ngumiti ako at nanatiling nakamasid sa mga lalaki ng pamilya na nagkakatuwaan na. Pinagtutulungan yata nila si Kuya Axel na akmang aalis na pero hinatak muli ng kambal.

"Jules suggested that idea and I don't see any wrong with it. Besides, that way, mayroon kaming isang bata na mabibigyan ng buong pamilya."

"Don't you want to get pregnant? I mean, yes, ang pangit tignan kasi mukha kaming balyena kapag buntis at mainitin ang ulo dahil ang hirap naman talaga na may dala kang baby sa loob mo but the satisfaction after giving birth – after seeing your baby's face is understatement."

Natawa kami ni Rin kay Amber. Kung si Rin ay pangiti-ngiti lang at pairap-irap kay Dwight, si Amber naman ay tila sirang plaka na sa tuwing makikita si Clyde ay galit na galit.

"Hindi naman kayo nagko-contraceptives?" si Rin na naupo na sa gilid ko. "Three years na rin kayo ni Jules since the beginning, right?"

Umiling ako. "Siguro, hindi palang talaga ako mabuntis. Maybe because I'm getting older?" natawa ako. Nasa early thirties palang naman ako. I just wanted to reason out. Pero maaari rin naman na hindi pa talaga panahon para magdalang-tao ako.

"Nakapagpa-check na ba kayo? Jules have history on drug addiction and ED, right? It might be the cause. You should consult a doctor. There's nothing to be ashamed of for that. Maybe you just need some medicine to help the both of you conceive. Maaari din naman na sex position lang pala ang kailangan."

Hindi ako kumibo. Tumawa lang ako at ipinagpatuloy ang panonood kila Jules.

Sa totoo lang ay gusto kong magpa-check kami ni Jules pero ayoko namang masaktan ang damdamin ng asawa ko kaya maghihintay na lamang ako kung kailan kami makakabuo. Besides, the adoption process is almost finished. Kaunting panahon na lamang at maiuuwi na namin ni Jules si baby Alleia – our two months old cute baby girl.

Nang matapos ang adoption process ay kaagad naming iniuwi si baby. Napuno ng tuksuhan ang buong bahay lalo at ngayon lamang nakita ng iba ang napili naming baby.

Summer Fling (#thewattys2019) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon