Chapter 3

15K 384 24
                                    

Summer Fling: Chapter 3
MsSongsari23


"Should we start, then?" he teased that earned a slap from Bianca.


The woman was so feisty he couldn't help but touch her. He can see in her eyes that a little tease would do and she'll give in to him...or so he thought.


"Y-you!" duro nito sa kaniya habang palipat-lipat ang tingin sa kaniyang mukha at sa kamay niyang kanina'y nasa loob ng underwear nito.


He smirked at her. Hinapit niya ito dahilan para maglapit ang mukha nila. At dahil may katangkaran si Bianca ay halos magdikit na ang kanilang mga mukha. Sa tantiya niya ay nasa five-eight ang taas ng dalaga.


"I thought we have to do something about your v –"


"Stop!" nanlalaki ang mga matang awat nito sa kaniya na tinakpan pa ang bibig niya gamit ang palad na dinilaan niya kaya lalong nanlaki ang mata nito. "Yuck! Hindi pa ako naghuhugas ng kamay mula kagabi tapos dinilaan mo ang palad ko?" anitong ipinahid sa damit niya ang palad.


He chuckled and kissed the tip of Bianca's nose before he let her go.


"Go and change into that." Aniyang ang tinutukoy ay ang damit na laman ng paper bag. It was a pair of bikini, a sun dress and a pair of flat sandals.


Nang hindi gumalaw ang dalaga ay kinunutan niya ito ng noo. "What?"


"Kadiri ka talaga." Anitong inirapan pa siya bago binitbit ang paper bag at tinungo ang banyo ng may halong pagdadabog.


"I cleaned you up last night, Bianca." Pahabol niyang sabi. Napailing na lamang siya nang hindi siya nito pansinin.


Parang alam na niya kung bakit wala pa itong kasintahan sa kabila ng edad nitong lagpas na sa kalendaryo. She's childish... yet hot. At iyon ang bagay na marahil ay hindi nakita ng iba rito o sadyang hindi nito ipinakita?


Naiiling na ipinasya niyang lumabas na ng hotel suite na inookupa nila nang hindi nagsasabi sa dalaga. Well, wala naman siyang balak lumayo. He'll make sure she'll easily see him when she went out.


PADABOG na isinara ni Bianca ang pinto ng banyo para pagtakpan ang kabang nararamdaman. No one ever touches her they way Jules did! And to think that they only met last night!


Gusto niyang sabihin na bastos ang binata pero matatawag mo bang bastos ang isang lalaki kung sa umpisa pa lamang ng pagkikita ninyo ay binigyan mo na ito ng permiso para gawin sa iyo ang ganoong bagay?


Maybe, yes. Ngunit sa estado ng isang Jules Vijandre, alam na agad niya na babae ang lumalapit rito. Na very much willing magpabastos ang isang babae sa isang kagaya nito. Hindi nga ba at halos ipamigay na niya ang sarili rito?


"Aah! Nababaliw ka na, B!" sabunot niya sa sarili. "Kapag nalaman nila Mommy at Daddy itong kabaliwan ko, malamang ay ibitin na nila ako ng patiwarik. Not to mention my brothers." Dagdag niya habang sinasabon ang sarili.

Summer Fling (#thewattys2019) Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora