Chapter 19

9.3K 335 23
                                    

A/N: I know, ang tagal ng update. Nawala yung drive ko sa pagsusulat. Until now, hindi pa ako makapagsulat ng diretso kaya tiis pa tayo. As much as I wanted to finish this and my other ongoing stories, I just can't. Kayaaaaa, thank you sa matyagang paghihintay! Merry Christmas and God bless, everyone!

* * * * *

Summer Fling 19

Bianca has no idea that the dinner with her parents that Jules was talking about would be this grand. There are few reporters in the ballroom of the Monroe’s Hotel, equip with their cameras and microphones like they’re all waiting for some celebrity who turned out to be them.

Well, not exactly a celebrity.

Paano nga ba niya nakalimutan na isang Jules Timothy Vijandre, anak ng dating senador at ngayo’y isang business magnate at mailap na bachelor ng bansa ang kaniyang napangasawa?

Well, Jules was not a bachelor anymore.

There are so many issues behind Jules’ name and Bianca was somewhat aware of the few. Hindi niya alintana alin man sa mga iyon dahil ang Jules na nakilala niya ang importante para sa kaniya.

Pero ibahin natin ang media. They wanted to know the deepest secret behind Jules’ bad boy image, dark past and how he became successful.

Bianca wasn’t aware of the fact that Jules runs a lot of business not only in the Philippines but also in the United States. Ang tanging alam lamang ni Bianca ay maraming investment si Jules at siyang nagpapatakbo ng Theon’s – a clothing line for kids, especially for boys.

Sa sobrang ilap ni Jules sa media, mas lalo itong pinanggigigilan na makuhanan ng impormasyon. Kahit kasi sa mga social gatherings ay hindi sumisipot si Jules at mabibilang lamang sa daliri sa isang kamay ang pagkakataong um-attend ito sa ganoong klaseng pagtitipon. Karaniwan na ay ang sekretarya nito ang uma-attend para rito.

Lahat ay uhaw sa impormasyon tungkol kay Jules and Bianca knew that Jules hated the limelight where she was used to. Iyon ang nakagisnan niyang buhay – sa ilalim ng limelight, sa harap ng camera samantalang kabaligtaran ang kay Jules.

“There are lots of reporters here. Let’s go this way.” Aniyang hinatak ang braso ni Jules dahil kabisado na niya ang Monroe Hotel lalo’t doon sila madalas ng mga magulang niya at mga kapatid kumakain bukod pa sa isa sa kaibigang matalik nila Dwight at Clyde ang tagapagmana ng Monroe’s – si Terence na asawa ng kapatid ni Jules na si Rei.

“That’s alright.” ani Jules at iginiya na siya palapit sa mga naroong reporters.

“Ano ba’ng mayroon?” hindi niya napigilang itanong habang naglalakad silang magkasabay.

Jules’ hand was on the small of her back. Tinangka niya iyong alisin pero isang tingin lamang ang ibinigay sa kaniya ni Jules na tila nagsasabing isang kalokohan ang nais niyang mangyari.

No one knows about their relationship.
Kung si Jules ay mailap sa media, ganoon rin si Bianca. Even though she was a model of their company before, Bianca made sure that her privacy wouldn’t be invaded. Lahat sila ay ganoon na mula pa umpisa at maging ang kapatid na si Eunice na nagsisimula ng gumawa ng pangalan sa industriya ng fashion designing ay nananatili pa rin na pribado ang buhay.

Muling pinasadahan ni Bianca ng tingin ang mga madadaanan nilang reporters. Sigurado siyang hindi palalagpasin ng mga ito ang pagkakataon.
At hindi nga siya nagkamali dahil ilang saglit lamang ay nagkislapan na ang camera ng mga ito; sunod-dunod at wala halos patid. And of course, they wouldn’t miss the change to ask question on Jules especially now that he doesn’t have any bodyguards with him.

“Mr. Vijandre, it’s nice seeing you here! Maaari mo ba kaming bigyan ng kahit limang minuto lamang?” one of the reporters asked.

“Oh! And this is Ms. Bianca Telpace, the daughter of the famous designer Elijah Telpace. How was your mother, Ms. Bianca?” isang columnist naman ang nagtanong sa kaniya na sinagot lamang niya ng isang ngiti.

“So, Mr. Vijandre, are you two dating?” paglalakas loob naman ng isa pa.

“We’ve never seen you with someone else, Mr. Vijandre so as you Ms. Telpace. Could it be that you two are secretly dating?”

Again, Binaca remained silent.

Kung sasagot kasi siya ay hahaba pa ang mga tanong ng mga ito. Besides, she has no idea if Jules would be fine if they’re going to publicize their relationship. Wala pa silang napag-uusapan tungkol sa ganoong bagay. Maging ang kasal nila ay piling-pili pa lamang ang nakakaalam.

“We’re not dating. We’re only here to dine.” Tipid na sagot ni Jules.

Parang bigla’y gusto niyang sikmuraan ang asawa sa sagot nitong iyon. How could he be so casual talking about them? And they’re not dating?!

Fine! They’re not and they did not!

Isang matalim na sulyap ang iginawad niya kay Jules. Alam niyang nakita nito iyon but the jerk of her husband chooses to ignore it. Lalo lamang tuloy nadagdagan ang inis ni Bianca para kay Jules.

“Are you, two friends or close to each other? We’ve seen your photos captured by Ms. Bianca’s brother – Dwight Telpace and it was stunning!” tukoy nito sa larawan nila ni Jules noong tumakas sila sa kaniyang engagement.

Muli, si Jules ang sumagot sa tanong na iyon.
“We’re not really friends but we’re really close.”
“Then,” baling ng isang reporter kay Bianca. “Are you dating someone, Ms. Telpace?”

She smiled and gave a simple answer. “No.” How can I if I am married to the man beside me? Gusto niyang idugtong pero mas pinili niyang sarilinin na lamang iyon.

“What was the reason of you and Kahel Amorsolo’s broken engagement, Ms. Telpace? After the broken engagement, we haven’t heard about the two of you.”

“Something came up besides, we’re not really in-love with each other but I can say that we’re really close. Kahel is such a good man so I’m hoping for the best for him.” Tanging sagot lamang niya na dinugtungan ng isang tipid na ngiti.

She really meant what she said. Kahel is such a good catch despite his cold demeanor.

Dahil sa sunod-sunod na tanong sa kaniya ng mga reporter at kolumnista ay ay hindi na niya napansin ang pagkainis ni Jules.

Maging siya ay hindi na malaman ang gagawin dahil dinagsa na sila ng mga ito. Puro Ms. Telpace na lamang ang naiintindihan niya sa mga sinasabi ng mga ito kaya laking pasasalamat niya nang dumating ang hotel security para i-escort sila ipinareserbang lamesa ni Jules.

Pero bago sila tuluyang makalayo ay muling bumaling si Jules sa mga ito. Nagtatakang nilingon niya si Jules at gusto niyang matawa sa itsura nito. He looks pissed – really pissed at the moment for a reason she doesn’t know.

“By the way,” ani Jules na muling kumuha ng atensiyon ng mga naroon. “It’s not Ms. Telpace but Mrs. Vijandre.” Sabay taas ni Jules sa kamay naming may manipis na gold wedding ring na may maliliit na brilyantitos na nakapaligid.

“Let’s go.” Baling sa kaniya ni Jules kay Bianca, leaving all the reporters and columnist in awe that Bianca thought, no one has ever captured a single photo of them when Jules announces their marital status.

“What’s with the revelation?” bulong niya kay Jules pero sa halip na sagutin siya ay hinatak lamang siya nito sa isang pasilyo kung saan walang masyadong tao.

Who knows what will happen next?

Summer Fling (#thewattys2019) Where stories live. Discover now