Chapter 11

11K 385 27
                                    

Summer Fling: Chapter 11
MsSongsari23

“Don’t give me that face, Bianca. Like you, I was just force into this marriage.”

She glared at Kahel. She never liked this guy. Actually, lahat sa Amorsolo ay ayaw niya lalong lalo na ang kapatid nitong si Amber. But that was before. Naiinis kasi siya sa babaeng iyon dahil habol ng habol kay Dwight habang parang tuta naman na hinahabol ni Clyde. But among the Amorsolo siblings, pinaka-likable na si Amber.

“Then, why not just marry the girl you like?”

“I don’t have one in particular.” Masungit nitong saad.

Bianca grinned and leaned closer to Kahel. They were in a fine dining restaurant – the Monroe’s and even though wala namang makakarinig dahil sapat ang mga distansiya ng bawat lamesa, pinili pa rin niyang ilapit ang sarili sa lalaki.

“But I saw you kissed that girl, Kahel.” Doon niya nakuha ang atensiyon nito. Huminto ito sa pagkain, sumimsim ng tubig at saka siya hinarap.

“Which one?”

She almost rolled her eyes. “I didn’t know that you have this playboy side, Kahel. But to be specific, sige, I’ll describe the girl you were making out with.” Kunwa’y nag-isip siya.

“What now?”

“The girl with a boyish hair cut, about five feet and five inches tall and with a rose tattoo on her left leg.”

Bianca never expected that she’ll get a control over Kahel. Si Kahel na batas sa mga Amorsolo na kahit ang pasaway na kapatid na si Amber ay napapasunod pero ngayon ay tumiklop sa kaniya ng dahil lang sa isang babae. Who would really think…

Isang ngiti ng tagumpay ang ibinigay niya kay Kahel nang matanawan niya itong papalapit with his usual grim face. Gwapo si Kahel pero masyado itong prim and proper para sa kaniya. She wanted the complete opposite because she was somewhat similar to Kahel.

“Samahan mo ako,” sabay angkla niya sa braso nito. Mas komportable na siya ngayon kay Kahel kaysa dati kahit na nga halos sabay na silang lumaki.

“Saan na naman?”

She grinned. Inilabas niya mula sa bag ang dalawang plane ticket. “Dyaran! Sa Paris! I already got you a ticket. Hindi naman tayo magtatagal doon. Three days and two nights only.”

“Ayoko,” inilabas nito ang cellphone. Sinilip naman niya kung ano ang tinitignan nito roon and she saw how full his schedule is. Medyo nakonsensiya siya. “Busy ako this whole week.” At iniharap sa kaniya ang schedule nito. halos ipagduldulan pa nga.

For the past two months, they’ve been hanging out together. Bianca was quite impressed because of Kahel’s patience on her. Madalas siya nitong pagbigyan na lihim niyang ikinatuwa but at the same time ay nagu-guilty rin siya.

“Okay. Let’s cancel the engagement then.” Kaswal niyang saad.

Bumuntong-hininga si Kahel and right there and then, alam na ni Bianca na nanalo na naman siya kaya isang maluwang na ngiti ang pinakawalan niya na unti-unti rin na nawala pagkakita sa isang pamilyar na bulto na nakatingin sa kanila.

“There’s your lover.” Ani Kahel na may halong sarkasmo.

Hinaplos niya ang pisngi ni Kahel. “Alam mo ikaw, ang sarap mo saktan minsan.” Na tinawanan lamang ng binata at pinisil ang ilong niya ng mariin kaya nahampas niya ito sa dibdib na ikinatawa nitong lalo.

Sa malayo, mukha silang naglalambingan lang ni Kahel at iyon ang gusto niyang makita ni Jules. For the past six weeks since she left Jules’ Island, hindi na naging normal ang lahat sa kaniya. Jules was everywhere. He was like her shadow, following her no matter where she goes.

Summer Fling (#thewattys2019) Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz