CHAPTER 6: Mr. Who-You-Are

33 3 0
                                    

Habang papalapit sina Hiro at yung kasama niya. Naconfirm ang hinala ko. Siya nga yung nakita ko kagabi sa may Plaza.

At siya di yung....

Yung lalaking walang hiya na bumangga sakin sa may Bus Station. Putcha! Ang tadhana nga naman! At dito pa talaga kami pinagtagpo? Hayys, ano ba yan, baka sirain lang niya araw ko eh! O baka naman buong bakasyon sisirain niya?! Oh my God, can't believe this?!


Pero bakit nga ba ako nag-iisip ng ganito?! Hayst ano ba yan EJ... Pwede ko naman siyang iwasan di ba? O kaya kung di ko man siya maiwasan, pwede ko naman siyang wag na lang pansinin eh! Di ba? Total hindi naman kami close. At wala akong balak makipag close sa kanya. Period.

Hanggang sa malapit na talaga sila, tinitigan ko lang ng mataman ang lalaki. Baka kasi nagkamali lang ako. Baka kamukha lang o di kayay nagha-hallucinate lang ako.

I'm hoping na sana hindi nga siya yun. Kasi...kasi ano eh... I find him cute. Wooh! Crap! I don't like him dahil sa nangyari samin. Yeah. But I can't deny na he's so atractive. And I can't resist not to notice his eyes. Oh yeah, mata ang una kong napapansin. Beautiful eyes are a 'turn-on' for me. Especially, his.

Napakaganda ng mga mata niya. His chinito eyes are so adorable. Tamang tama lang ito para sa hugis ng kanyang mukha. At mapupungay din ito. At ang kanyang ilong na tila ba kay perpekto. And his lips... Oh his hot lips.

"Miss! May dumi ba ako sa mukha? Oh crap! Nakatunganga pala ako. Putcha! Nakakahiya tuloy. Nakatingin na pala silang lahat sakin.

"Hoy Bestiee! Crush mo no?" Sabad ni JM nang di pa rin ako umiik.

"Hindi ah! Bakit naman ako magkakagusto jan? At isa pa, yang walang modong lalaki na yan lang naman, ang dahilan kung bakit tayo muntikang maiwan ng bus natin noh." Mahaba-haba kong litaniya.

"Ah, oo nga! Ikaw nga yun! Sabi ng walang hiya habang tumatango-tango. "Ikaw yung paharang-harang sa daan, kaya kita nabunggo." Hay, nakakainis. Ako pa talaga sinisi!

"Anong paharang harang ka jan!!! FYI, Mister Who-You-Are!!! Hindi ako nakaharang noh!? Sadyang tanga ka lang talaga kaya nabangga mo ako!?" Pagtataray ko sa kanya sabay irap. Pilit kong sinasalubong ang mga titig niya. Oh crap! Ang ganda talaga ng mga mata niya. Oh God! Help me please!?

"Uy miss ang dali mo namang makalimot. Di ba sinabi ko na sayo yung pangalan ko." saad niya na nakatitig lang din sa akin. Crap! Wala ata siyang balak kumurap eh.

Pero sabi niya nasabi na niya pangalan niya sakin. Wala naman akong matandaan ah. Ah wait...parang nasabi nga niya.

"Miss, Brylle nga pala pangalan ko."

One Look At You (on hold)Where stories live. Discover now