CHAPTER 2: Bus Station

38 8 0
                                    

      Today is the day, kaya 4 AM pa lang ay gising na ako. Kinapa ko ang mahiwaga kong cellphone na ipinatong ko kagabi sa may study table. Pagkaopen ko nito ay bumungad sakin ang sandamakmak na text ng best friend kong lukaret, na ang nilalaman lang naman any puro paalala, na baka daw malate, na wala nang bus na masakyan at saka kung anu-ano pang mga kaik-ikan.

      Pagkatapos kong basahin lahat ng mga walang kwentang message ay pumanhik na ako papuntang CR.

      "Toink! Toink! Toink!" nasa may pinto na ako ng banyo nang biglang tumunog na naman ang mahiwaga kong cellphone. "Toink! Toink! Toink!" Hindi ko na sana sasagutin kaso parang wala din naman itong planong huminto. Kaya ito ako no choice.

      "Hello?" bungad ko nang walang emosyon. Antok pa kasi ako kaya medyo wala pa akong gana makipag daldalan.

      "Oh Bestiee, ba't ganyan yung boses mo? Di ka ba excited?" si Bestiee na medyo nagtataka.

      "Eh kasi naman ee, ang aga-aga tumatawag ka! Antok pa kaya ako, tsaka di pa kaya ako nakapag mumog o hilamos man lang." inis kong sagot.

      "Ikaw naman kasi, di ka nagrereply, akala ko tuloy tulog ka pa. Chinicheck ko lang naman kong ready ka na. Mabuti na yong sigurado noh!" kita mo tong lukaret na to, nanisi pa.

      "Oh sya, sige na at maliligo na ako para naman masiyahan ka na. Siguraduhin mo na lang na kumpleto yang mga gamit mo ha. Tsaka wag masyadong damihan ha baka di tayo pasakayin sa bus niyan."

      "Ha? Paano-" magsasalita pa sana siya pero ibinababa ko na ang cp. Gusto ko na din kasi maligo para mapreskohan naman tong mind ko.

      "Tok! Tok! Tok!" Kakatapos ko lang patuyuin ang buhok ko nang kumatok si mama. "Oh EJ, bilisan mo na dyan at nang makapag almusal ka na." si mama sabay pihit ng door knob at pumasok.

      "Oo na po, parang excited na kayong paalisin ako ah!" sabi ko na medyo nagtatampo.

      "Asus, ikaw talagang bata ka. Tanda-tanda mo na para sa ganyan noh. Oo nga pala anak," may dinukot muna siya sa kanyang bulsa bago nagpatuloy. "Heto nga pala yung allowance mo, pasensya ka na kung maliit lang to ha. Hindi pa kasi nagpapadala papa mo. Pero bayaan mo, papadala ko na lang pag dumating na yung pera. Okay?"

One Look At You (on hold)Onde histórias criam vida. Descubra agora