CHAPTER 4: Plaza

34 6 0
                                    

      Papunta na kami ngayon ni Bestiee sa may plaza. Naglalakad kami habang naka angkla yung mga kamay niya sa balikat ko.

      "Hoy, ano ba? Umalis ka nga dyan. Ang hirap kayang maglakad. Bakit ka ba natatakot? Wala namang kakain sayo dito." irita kong sabi sa kanya. Ang hirap kayang maglakad na may nakasabit noh.

      "Eh kasi natakot ko eh, baka bigla na lang may lumabas na aswang o di kaya manananggal o kapre o-"

      "Magtigil ka nga dyan. Tanda tanda mo na pero nagpapaniwala ka pa rin sa ganyan. Pag ako talaga nainis sayo, iiwanan talaga kita dito" pananakot ko sa kanya. Nakakapikon na kasi ako eh. Sobrang childish. Eh kung alam ko lang na mag babysit lang pala ako, eh di sana pala si Jake na lang sinama ko.

      Umayos din naman siya matapos kung sabihin yun kaya nakapaglakad na kami ng maayos at nakarating na kami sa Plaza.

      "Wow Bestiee, ang ganda nga dito. Tas andami pang boys. Ang saya naman. Tara Bestiee dun tayo oh" sabi niya na parang bata. Tinuro niya yung fountain na pinapalibotan ng mga teen ager tulad namin. Wala na talaga siyang ibang inisip kundi boys. Tss. Ang harot eh noh.

      Wala na din akong magawa kundi ang sumunod na lang sa gusto niya. Nakita ko din kasi doon yung mga kaklase ko nong elementary. Ipaakilala ko na lang din siya.

      Habang naglalakad kami papunta sa fountain ay tinitingnan ko naman yung paligid ng plaza. In fairness ha, an daming pinagbago. Naging mas maganda na ito ngayon kesa last year. Ang dating napakaboring na fountain ay nilagyan na ng background lights. Ang mga puno sa paligid ay nilagyan naman ng Christmas Lights kahit di pa pasko. At dami na ding mga stalls na nagtitinda ng mga kung ano. May tindahan ng mga toys, tindahan ng damit, may souvenir shop din akong nakita tsaka may mga food stalls din.

      "Uy guys si EJ oh" rinig kong sabi ni Karen, isa sa mga kaklase ko noon. "EJ!!!" sigaw niya.

      "Oh hi Karen. Kumusta nah?" tanong ko sa kanya.

      "Okay lang naman. Eh ikaw, kumusta naman ang Maynila?"

      "Okay lang din naman. Traffic as usual. Ahm, hi guys" bati ko sa iba ko pang mga dating klasmeyt. "By the way, si JM nga pala. Bestfriend ko." sabay hila ko kay Bestiee.

One Look At You (on hold)Where stories live. Discover now