The Beginning

1K 32 13
                                    


"This way ma'am..." a flight attendant led the way to the exit. I curtly smiled at her bago ko inalis ang mga earphones na nakalagay sa aking tainga. 

The scorching heat of sun pained my skin but the wind blow was undeniably refreshing. I put on my sunglasses and I did some neck stretching pagkababa ko ng eroplano. Hindi ko maikakaila ang pagod at pangangawit ko sa naging flight kanina.

Kung hindi ako nagkakamali, almost 17 hours ang naging flight minus the time when we had a layover in Singapore. I swear to God, matutulog talaga ako ng diretso pagkarating sa bahay!

I went straight to the baggage reclaim area to get my bags at kaagad din akong nag dial kay Sean, pinsan ko na inatasang sumundo sa akin ngayon. Daddy said my two cousins will be here to fetch me in the airport.

Ilang taon din akong hindi umuwi sa Pinas. The last time I was here, I was just 7 years old. I guess. Madalas kasi si Daddy lang naman ang umuuwi ng Pinas para sa business namin dito at hindi rin naman siya nagtatagal. Hindi kami nabigyan ng pagkakataon na bumalik at bumisita dito dahil madalas sa ibang bansa kami nagbabakasyon. Mostly in Europe. Kung hindi naman, ang mga kamag anak namin ang pumupunta at bumibisita sa amin sa States.

We have a house here at mayroon din iyong housekeeper. Dad said they'll come home before Christmas. While ako naman, it's just summer at nandito na ako. Napagdesisyonan kasi na dito na ako magc-college. I need to be here before the enrollment starts and gusto rin daw akong makasama muna ng mga pinsan ko for a getaway.

Naglalakad ako palabas habang patuloy na dinadial ang pinsan kong out of reach ang cellphone! 

Kunot noo kong dina-dial ang numero ni Sean ngunit out of coverage talaga 'yon. Kung alam ko lang talaga na sasama si Lianna ay pati ang numero niya kinuha ko na!

"Cous! Serene!" 

Napalingon ako at unti-unting binaba ang sunglasses ko para makita ng maayos ang dalawa kong pinsan na medyo nasa malayo pa na kumakaway sa akin.

Si Lianna ay napapailing habang si Sean ay todo ang sigaw ng pangalan ko na may hawak pang papel na may nakasulat na 'Serene Connelly Claveria'. Kumakaway kaway pa siya kaya halos lahat ng mga taong lumalabas sa Arrivals ay napapalingon sa kaniya.

"Kuya, ano ba! Mahiya ka naman!" mariing sabi ni Lianna sabay palo sa braso ng kaniyang kapatid.

Hindi ko napigilang matawa dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagbabago. I missed them! Two years ko na yata silang hindi nakikita dahil 'yon din yung last na pagpunta nila sa States para bumisita. I've heard that naging busy ang dalawa lalo na si Sean dahil player siya ng basketball at madalas ang training nila kahit pa bakasyon o Christmas break.

"Serene! I missed you!" tumitiling sambit ni Lianna at nagmadaling lumapit sa akin, tinutulak ang kapatid niyang aakma na sana ng yakap sa akin.

I laughed when Sean cursed because he almost lost his balance. Niyakap ko ng mahigpit si Lianna. "I missed you too, Lianna!"

"Kung makatulak naman 'to! Why can't you wait for your turn?" Sean said, irritated.

Binaba niya ang papel na hawak niya. Pagkabitiw sa yakap ni Lianna ay kaagad niyang binigay ang papel sa kapatid at siya naman ang yumakap sa akin.

"I missed you, Sean! Hindi na kayo nakabisita sa States, ah? Balita ko ikaw daw ang naging sobrang busy dahil sa paglalaro." natatawa kong sabi at may konting pagtatampo sa boses bago bumitiw sa kaniyang yakap.

He pouted and scratched his head. "We needed to train, Serene. Gusto kong pumasok as varsity sa Univ." nagkibit balikat siya. "It's all worth it though. Nakapasok ako." sabi niya saka siya kumindat sa akin.

Still You Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum