"Yung ang Ganda mo na nga may mga magaganda ka pang kaibigan." - Girl1.

"Nag sama-sama yung mga magaganda!" - Boy2.

"Buti na lang at lumipat ako rito." - Boy3.

"Sana hindi lang sila puro ganda." - Girl3.


Napabuntong hininga ako dahil sa mga narinig ko, expected ko naman na magiging ganto ang reaksyon ng mga estudyante dahil parang halos lahat ng biyaya na ibinigay ni Papa God nasalo nila.

Talented, Beauty, Brain nasa kanila. Baka nga naligaw lang ako ng landas, hindi ata dapat ako kasama sakanila eh.


"Tara na, baka mangyari ulit ang nangyari nuon pag nag stay pa tayo dito sa labas." sabi ni Allia at ngumiti. Halatang pilit ang ngiting iyon at naiintindihan namin 'yon, sumunod kami sakaniya at pumunta sa room kung saan kami naka assign. Nangunang nag lakad sila Allia at nasa likod lang ako, pagbukas ng pinto, ramdam ko ang mga matang nakatingin sakanila.


"Good morning!" sabi ni Allia habang papasok ito sa luob.


Hindi pa si Allia nakakaupo ay agad na siyang pinalibutan ng mga estudyante. At kami? Deretso lang kami sa likod para umupo dahil dun na lang ang may bakanteng upuan. Rinig namin ang mga hiyawan at harutan sa harap dahil kay Allia.


"Famous." sabi ni Iris habang nakangiti't nakatingin sa harapan.


"E-excuse me, pwede ko bang malaman name mo?" tanong nung isang lalake kay Samantha.


"Hi!" sabi nung isa pang lalake kay Iris.


Yung tatlo ay busy sa pakikipag-usap at ako ay nakatingin lang sakanila. Nakaramdam ako nang pagkailang dahil nasa tabi lang ako ng bintana at walang nakakapansin sa'kin. Inilibot ko ang aking paningin at napatigil ito sa isang lalakeng nakatingin sa direksyon namin, Kunot nuo ko siyang tinignan at balak pa ngang makipag eye contest sakaniya pero may narinig akonf kumatok sa lamesa ko.


"Hello?? Emie? Are you there?" rinig kong sabi ni Allia. Takang nakatingin ako sakaniya. "Bat kunot yang nuo mo? sino naman tinitignan mo?" tanong ni Allia habang seryosong nakatingin sa'kin.


"Wala, bakit ba?" tanong ko sabay tawa.


"Ngiti naman diyan!" sabi niya habang pinipisil ang pisngi ko.


"Itigil mo nga yan." sabi ko't sinamaan siya ng tingin. Tumigil siya at ngumiti.


"Famous ka ghorl?" sabi ko sabay ngisi sakaniya.


"Hindi noh." sagot nito habang umiiling .


"Sus, Kilala ka talaga nila." sabi ko at pinanlakihan siya ng mata.


"Itong section lang." sagot niya.


Tumango ako at ngumiti. Habang patagal nang patagal mas lalo akong naboboringan dahil puro pagpapakilala lang naman. Nang mag break na kami nag-aya si Allia na ilibot kami rito sa school dahil hindi kami natuloy kahapon.

Damn, This Love Ain't Simple! (on-going)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ