CHAPTER 8

1.4K 37 0
                                    

KANINA nya pa ako kinukulit at humihingi ng tawad pero hindi ko sya pinapansin


Nandito na kami sa condo nya at hindi ko pa rin sya pinapansin derederetso lamg akong nag lakad sa sofa at umupo binuksan ko din yung tv at nilakasan ko yung volume at nagkukunwaring hindi ko sya narirrinig


"sorry na kasi"

"hindi na mauulit"

"hoy!!pansinin mo naman ako"

"sige ka!!hindi na kita lab"


Napatingin ako sa kanya sa sinabi nyang yun, nakanguso pa sya ng sabihin nya yun. Cute

"bakit? Love mo ko"nakasimangot kong saad sakanya tumango naman sya bilang sagot, palihim akong napangiti dahil sa pagtango nya meron din parang kumikiliti sa tiyan ko 'takte nakakabakla'


"love kita kasi friend kita" nakanguso nyang saad nawala naman ang ngiti sa mukha ko at medyo kumirot ang puso ko "ako hindi mo ba ako love?" parang aso nyang saad nagpupuppy eyes pa ang paasa putsa ang cute!!!

"hindi"

Nawala naman ang parang aso nyang reaction at tumingin sa akin na para bang malapitan na siyang maiyak

Bakit kahit anong reaction ang gawin mo ang cute mo pa din??

"hindi na din kita love!" and with that pumasok na siya sa kwarto nya sumunod naman ako sa kanya at kumatok

"hoy!"

"hey!"

"bukasan mo tong pinto"

"ayaw ko hindi mo naman ako lab!" dinig kong saad nya


"bubuksan mo tong pinto o aalis ako dito sa condo mo" pagkasabi ko nun ay unti unting bumukas ang pinto at sumilip sya

"kailangan mo?" nagtatampo nyang saad

"ikaw"

"di mo naman ako lab"

"lab kita"

"edi wow! Kakasabi mo lang hindi mo ko love"

"joke lang yun"

"mukha mo joke"

"sorry na!"

"sinisigawan moko!?" mataray nyang saad umiling naman ako bilang sagot at pinipigilang ngumiti

Hahahahahaha!!hindi nya matitiis ang charms ko!!!

"bati na tayo?"

"walang tayo" saad nya at iniwang bukas ang pinto naupo sya sa kama nya sumunod naman ako sa kanya at nag indian seat sa harap nya

"badtrip toh oh!! Seryoso kasi!, bati na ba ikaw at ako?"

Tumango naman sya 

"dapat ako ang galit dito ah!!, pinahiya moko kanina" pagiiba ko ng usapan, inuunahan ako ng babaeng toh!!

"sinisigawan moko!?" saad nya umiling na lang ako bilang sagot, bakit taob ako dito sa babaeng toh!? Kaasar!!! Nagmumukha akong under nito ahhh!!


"pagkaalis mo dun sinabi ko sa kanila na nagbibiro lang ako at wag silang magisisp ng kung ano-ano" nakangiti nyang saad

"oo na lang"

"gutom ka na?"

"oo"

"ikaw na lang kumain tinatamad akong magluto" saad nya at sinipa ako paalis ng kama

"grabe ka!"

"bakit?"

"sinipa mo ko!"

"hindi naman malakas yun ahh!! Ang OA neto!! Bakla ka talaga"

"hindi nga ako bakla"

"oo na lang bakla"

"hindi nga kasi ako bakla!! Halikan kita jan eh!!"

"gawa"

"gusto mo din naman"

"okay lang hindi naman ikaw first kiss ko!" saad nya bigla na lang nag init ulo ko dahil sa sinabi nya. Hindi ako ang first kiss nya sino ang lapastangan ang umangkin sa mga labi nya!!!

"ang daya!!! Sinong gago ang umangkin sa mga labi mo!? Ako first kiss kita tapos ikaw may na una na!?" pagkatapos kung sabihin yun bigla na lang siyang humagalpak ng tawa


"hahahahaha!!! Hindi nga first kiss moko?" hindi makapaniwalang saad nya

"oo nga kulit" naasar kong saad

"wehh!!! Hindi ako pinanganak kahapon"

"hindi lang talaga ako mahilig sa babae dati kaya ganun" nakasimangot kong saad

"ah!! Kasi ang hanap mo iba?" nakangisi nyang saad

"anong iba?"

"lalaki" at pagkasabi nya nun lumabas na sya ng kwarto nya habang tumatawa 'tsk...baliw'

Nang lumabas ako ng kwarto nya ay nadatnan ko siya sa kusina na naghahanda ng pagkain bahagya pa siyang kumakanta ng kung ano ano bakas sa boses nya ang saya, dahan dahan akong kumapit sa kanya at pinisil ang magkabila nyang tagiliran



NAGLULUTO AKO dito sa kusina, ewan ko ba!? Kanina wala ako sa mood kumain tapos nang makapagusap na kami kanina bigla na lang ako naging masaya siguro dahil bati na kami o dahil ako ang first kiss nya, nagluluto ako ng maramdaman ko na may pumisil sa tagiliran ko napasigaw naman ako sa sakit, bwist yung sugat ko!!!


"ahhh!!!!!"


"bakit may masakit ba sayo?" tanong nya, bakit kasi sinaksak pa ako nang gagong lalaking yun!! Hindi na masyado masakit yung sugat ko kasi hindi naman masyadong malalim yung pagkakabaon nung tarantadong lalaking yun pero masakit pa din! Gumagaling na nga tapos pipisilin mo pa!!


Nagulat na lang ako ng bahagya nyang itaas ang damit ko pang itaas at nakita nya ang benda doon

"anong nangyare bakit ka may benda?" nagaalala nyang tanong

"wala"

"anong wala!? Ehh tignan mo nga oh!"

"pagaling na kasi yan tapos pipisilin mo pa!" naiinis kong saad sa kanya tatlong tahi din yan! Buti na lang talaga at medyo mababaw lang at hindi napuruhan

"ano ba kasi ang nagyare dyan?" nagaalala nyang tanong at hinarap ang mukha ko sa kanya ewan ko ba may aircon naman dito sa may sala pero parang ang init ng mukha ko

Pero anong sasabihin ko sa kanya!?

Napabuntong hininga na lamang ako at inalis ang kamay nyang nakahawak sa baba ko at hinarap ulit ang pagluluto


"yung kaibigan ko nagluluto kami tapos hawak nya yung kutsilyo eh! Nadulas ako kaya ang ending bumaon yung kutsilyo ko sa tagiliran" pagdadagilan ko sa kanya, mukha namang bumenta yung palusot ko at naniwala naman sya


"tsk..magingat ka nga sa susunod ayaw kong masaktan ka ulit ng dahil sa katangahan mo" saad nya at umupo sa may counter table sa may gilid ko at nagpangalumbaba at nagisip ng malalim gusto ko pa sana syang sagutin dahil sa sinabi nyang katangahan pero hindi ko na lang tinuloy ng maalala ko na nakita nya ako nung araw na yun! Nagdududa kaya sya

Pag nalaman kaya nya ganto pa rin ba kami?.....masaya at magkasama?


My secretary is my bodyguard [COMPLETED]Where stories live. Discover now