CHAPTER 2

20.1K 361 4
                                    

Enjoy Reading...


"GOOD MORNING SIR." Bati ng mga empleyado samin. Isang mabining ngiti ang sinukli ko sa mga ito habang nakahawak sa isang braso ng asawa kong walang makikitang reaksiyon.

Diretso lang ang lakad nito na parang walang nakikita sa paligid. Tahimik naming nilakad ang daan patungong elevator.


Nakakabinging katahimikan ang namutawi sa loob ng silid. Bahagya Kong tiningala ito at parang walang kasama itong nasa isang direksyon at blanko ang tingin.



Napanguso ako.



Agad itong pumwesto sa swivel chair nang makapasok sa office nito. Umupo lang ako sa kalapit nitong sofa at nagmamasid lang sa paligid.



Ang boring nga naman talaga ng office niya. Seryoso? Nakakaya niyang magtagal dito ng buong araw? Sabagay, ganyan talaga kapag butihing asawa. Nagsisikap para sa pamilya.

I smiled upon imagining us having our own family. Isang anak lang talaga na magpapatibay sa pagsasama naming dalawa sapat na sakin.



Nang magsawa ako sa pagtingin sa paligid ay si Thaddius naman ang pinagtuonan ko.


Nakasandal ang siko nitong ang kamay ay nakahawak sa sentido at panay ang pirma at basa sa kung ano mang kontrata o papeles sa mesa nito. Minsan ay bumaba ang hawak nito sa labi nito na panay ang haplos rito at parang nag-iisip.

What a sight to capture. I can stay like this the whole time just by watching him. I smiled dreamily while staring at him. Nagsalubong ang kilay nito at samahan pa ng pagkunot ng noo nito.


Bigla nitong binitawan ang hawak na ballpen at marahas na bumuga ng hangin. "I told you to just stay at home." Malamig nitong sambit na nakatutok parin ang mata sa dokumento.

"Okay lang ako dito. Alam mo namang mas gusto kong kasama ka eh." nahihiyang sabi ko, noon sobrang nasusuka ako sa sarili kong panay ang pabebe pero kinasanayan ko naglaon. Nawawala lang talaga pagiging mahinhin ko pag naiirita o nagagalit.


Hindi na ito sumagot at pinagpatuloy ang ginagawa at ibig kong matawa dahil halata ritong hindi sanay na may nakatitig rito. Kanina pa salubong ang kilay nito at asiwang asiwa sa presensya ko.



"Quit staring." di napigilan nitong reklamo.


"Ang gwapo mo kase baby kaya ang sarap mong pagmasdan." panglalambing ko rito. Mas sumama naman ang mukha nito sa narinig.


"Steff, igawa mo ko ng kape." Utos niya sa secretary.


"Ako nang gagawa ng kape mo." presenta ko at agad na tumalikod. Naabutan ko ang secretary nitong pagawa na sana ng kape nito.


"Ako na." ngumiti ako rito. Tumango naman ito at nagbigay daan. Maganda rin ang secretary nito pero hindi ko makitaan ng selos ito dahil wala naman itong pinapakitang paghanga sa asawa ko.


"Heto na." buong sigla kong saad sabay lapag ng kape nito. Napasimangot ako dahil hindi talaga nito maalis ang mata sa papeles, nanatili lang akong nakatayo sa gilid habang hinihintay siyang tignan ako o magpasalamat.

Kinuha nito ang kape at agad na hinigop iyon para maibuga lang rin.
"Fuck!" mura nito at napatayong binuga ang kape. Nabasa ang polo nito sa bandang dibdib.

Kung bakit ba naman kasi basta nalang isinusubo eh mainit pa. Buti nalang hindi nabasa ang mga papeles dahil sa sahig niya binuga ang kape.

Agad kong kinuha ang panya sa bag na nasa sofa at pinunasan ang bibig nito pababa sa leeg.
"Ano ba kasing nasa isip mo at basta mo nalang sinubo! Alam mo namang mainit." sermon ko rito at walang tigil na pinunasan ang polo nito.

TAMING THADDIUS NORDIN (COMPLETED)✓Where stories live. Discover now