Ang Awang sa Sahig

38 1 0
                                    

Sa tindi ng pagod, nakatulog nang husto si Henry. Nakita niya sa kanyang panaginip ang kanilang kalagayan. Patuloy daw na inaayos nila JP at Tzi Tzi ang mga aklat nang siya ay makisamang ayusin ito. Para daw bumukas ang pinto dito sa  ilalim ay kailangang ayusin nila nang pabaliktad ang mga aklat ayon sa laki at pati ang paalpabeto nito. Ngunit kulang daw ng isang aklat kung kaya hindi nila ito mabuo. Bumagsak ang isang aklat sa mas malalim na parte ng underground at kailangang kunin pa nila ito at kung papaano ay...

"Henry, gising lumilindol." Yugyog sa kanya ni Bess, ang lahat naman ay gising na at nahihintatakutan dahil sa paglindol.

Habang sa itaas ay lalong nag-alala ang mga magulang  nila dahil sa nangyaring paglindol. Mabuti na lamang at hindi masyadong malakas ang intensity nito.

Tumayo ang lahat at sumiksik sa isang lugar na medyo tingin nila ay safe. Takot na takot ang mga kababaihan lalo na si Kim. Hindi tuloy alam ng mga kalalakihan ang kanilang gagawin. Natakot man din sila ay hindi nila dapat ipakita sa mga babae dahil lalo lamang magiging masama ang epekto nito.

Nanalangin muli sila sa pangunguna ni Jose. pagkatapos noon ay tumugil naman sa paglindol. Nagpasalamat silang lahat dahil walang pagguhong naganap. Nasa ilalaim pa naman sila, baka lalo lamang lumala ang kanilang sitwasyo kung maaapektuhan ang hagdan na dadaanan nila sa pag-akyat.

Nanahimik sandali.

Ngunit biglang nagkaroon ng after shock! Ngunit sandali rin lang.

"Sabi ko na nga ba, mamamatay tayong lahat dito, at ikaw Henry ang may kasalanan ng lahat, kung hindi mo ipinilit sa amin ang mga panaginip mo hindi sana tayo aabot sa ganito." Paghihisterya ni Susan. "Hindi na tayo makakalabas dito, hindi na," sigaw pa nito.

"Sandali, huwag ka namang ganyan Susan, alalahanin mo na gusto nating lumakad na lahat, at eto ang ginusto nating lakad, kaya huwag mong sisihin si Henry. Hindi ka na nga nakakatulong  para matahimik ang loob ng niya , para malaman niya ang sususnod na gagawin niya, tapos ganyan ka pa?' Sagot ni Bess.

"At isa pa, kahapon ka pa eh! Sana hindi ka na lamang sumama kung ganyan din lang ang magiging pagsasalita mo. Inaamin ko namang ako ang nang-aya, pero sumama kayo, tandaan ninyo sumama kayo. " Sigaw ni Henry.

"Payag ka ba no'n John sinisigawan ako ni Henry. Ipagtanggol mo naman ako, wala ba akong halaga sa iyo? " panunulsol ni Susan.

"Henry, tama na". Pag-awat ni John.

"Iyon lang, John sinigawan ako. Kung hindi mo ako kayang ipagtanggol, ako ang susuntok dyan." Pagmamalaki ni Susan.

"Iyon lang ba?" Sagot ni John. Ngunit halatang napipika na si John.

"Oo nga naman, babae iyan bakit mo sinisigawan?" Pagsasalita uli ni John na nagtitimpi kung kanino ay hindi alam.

"Ano John, nagpapadala ka sa sulsol ni Susan, eh talaga namang kahapon pa iyan naninisi, pwede ba mag-isip ka naman. Huwag kang sunod ng sunod kay Susan, under ka ba? Ikaw ang lalaki, ano ba?" Pagsasalita  ni Henry.

Sukat sa narinig ay nagpintig ang tenga ni John at bigla niyang nasuntok si Henry. Gumanti naman si Henry at nag-away na sila.

Natigilan ang lahat dahil sa ang dalawang ito ang magkadikit. Suntok dito, suntok doon. Ayaw nilang papigil.

Sinubukang pigilan ni Bong ngunit ayaw atang paawat ng dalawa.

"Ayan, tingnan mo ang ginawa mo, pinag-away mo silang dalawa. Akala mo reyna ka." Pagsigaw ni Bess kay Susan." Pagsagot ni Susan.

"Bakit? Totoo naman ah! Feeling hero iyan si Henry, akala niya lahat alam niya. Ano ngayon palpak tayo! pagsagot ni Susan.

Biglang sinampal ni Bess si Susan "Sobra ka na ang babaw mo?.

Pinigilan naman ng mga kasamang babae sila Susan at Bess. Galit na galit si Susan dahil gusto niyang magantihan si Bess pero hindi na niya ito maabot dahil sa pinaghiwalay sila.

Samanatala patuloy sa pagbabakbakan ang dalawa at patuloy silang inaawat ni Bong, ngunit ayaw nilang paawat, kung kaya ang inawa na lamang ni Bong ay nakisama sa suntukan ng dalawa hanggang parang nagrarambulan na sila. Hindi alam ni Lloyd, Jose at JP ang gagawin upang mapigilan ang tatlong machong nagrarambulan. Ang mga kababaihan naman ay sumisigaw na lamang ng "TAMA na".

Hanggang sa isang pagbalya nila ay natamaan ang aparador ng aklat at bumagsak ang isang aklat na malapit sa may awang ng lupa. Nakita ito ni Henry at sumigaw. "JP, ang aklat kunin mo!"

Ikinabigla ng lahat, tinalon man ni JP ang aklat ngunit nagkaroon muli ng after shock at tuluyan itong nahulog sa ilalaim. Doon lamang natigil ang kanilang pag-aaway.

Nagsigawan silang lahat, samatala dahil pa rin sa after shock ng lindol ay isang malaking kasangkapan naman ang handang mabuway kay Lloyd. Nakita ito ni Maria. Tinawag ni Maria ang pangalan ni Lloyd at itinulak ito kasama siya ngunit sa lakas ng pagbagsak ay natamaan din ang kaliwang paa ni Maria.

Nasindak ang lahat at nagulat pa si Lloyd. Sinaklolohan nila agad si Maria.

Nagsimula na namang umiyak si Kim, dahil masyado nang nagiging komplikado ang mga bagay. Ngunit pinalakas ni Bess ang loob nito. Ayon dito walang mangyayaring mabuti maghapon mang umiyak silang lahat. Pinayuhan niya itong lakasan ang kanyang loob kung gusto pang lumabas nang buhay sa underground na ito.

Naiwang nakatulala naman si Ruth na nilapitan ni Bong upang mapayapa ito.

Inayos muna nila ang kalagayan ni Maria pagkatapso ay nag-usap sila upang harapin ang panibagong suliranin. Ang aklat na bumagsak. Lahat kinalimutan muna ang away. Humingi ng pasensiya si Bess kay Susan at gayon din ito. Lalong lumalabo ang kanilang pag-asa. 

Escuela De San Agusteen - Teacher JWhere stories live. Discover now