Ang Aparador

54 2 0
                                    

Nakita niya ang kanyang sarili na inaayos ang mga aklat sa aparador na malaki, sa bahay na kanyang napuntahan, maingat raw niyang isinasalansan ang mga ito ayon sa pagkakasunud-sunod niya ng titik at laki nito. Maingat raw ang kanyang paggawa dahil ayaw niyang makita o marinig  ni Mang Daniel. At nang matapos na niya itong isalansan ay bigla na lamang bumukas ang aparador at may makipot na hagdang pababa siyang nakita, parang kasya lamang ang isang tao dito, bababa na sana siya ng makarinig siya ng mga yabag kaya ang ginawa niya ay nagtago siya.

Umakyat pala si Mang Daniel, gaya ng dati sa hapon 4:00. Nagtago raw siya at hinintay itong makababa. Mabuti na lamang at hindi napansin ang aklat nakaayos. Nang umalis na ito , ay ginulo niyang muli at sabay na umalis. At bigla ay nagising na naman siya. Naguguluhan na naman siya, akala niya ay tapos na ang panaginip niyang ito. Pero bakit ipinagpatuloy ng kanyang panaginip ang pangyayari sa kanyang buhay ng araw na iyon. Nag-isip siya ng malalim at hindi na siya nakatulog hanggang umaga. Ano ang kanyang gagagwin ?

Kinabukasan sa almusal ay napansin ng kanyang ina ang kanyang pangangalumata. Tinanong niya ito kung bakit hindi nakatulog nang mahimbing. Kung nanaginip na naman ba siya. Sa lahat ng ito ay iling lamang ang lahat ng kanyang isinagot. Sinabi niya lang sa kanyang ina na huwag itong mag-alala sa kanya, ngunit ang sabi ng kanyang ina ay malapit na ang eksaminasyon, baka siya bumagsak kung magpapabaya siya sa kanyang kalusugan.

Muli, noong hapon ay magkakasama  iyang lahat magbabarkada, inilahad niyang lahat ang kanyang mga karanasan na nangyari lamang kahapon, medyo parang naniwala naman ang mga ito, ngunit may duda pa rin, paano nga naman magkakatutoo ang isang panaginip na nadugtungan sa totoong buhay.

"Kung gusto ninyo, sumama kayo sa akin ngayon para makita ninyo ang bahay na tinutukoy ko at nang maniwala  kayo." Pagpapaliwanag ni Henry.

"Henry, hindi naman sa ayaw ka naming paniwalaan pero, sabi ng siyensiya ang mga iyan kathang isip lamang at walang mga katotohanan," sabi ni Tzi-Tzi.

"Pwede ba kung iyan lang ulit ang ating pag-uusapan, Bong samahan mo naman akong bumili ng merienda," sabi ni Kim.

"Hay naku umandar na nanaman ang katawan ng payatot na ito. Pagbibiro ni Ruth.

"Hi! ano ang pinag-uusapan ninyo, pwedeng sumali?" singit ni Maria. "Ngiii," sambit ng mga lalaki.

"Anong ginagawa mo rito"? Tanong ni Henry, "Kailan ka nagkaroon ng karapatang tanungin kami ha?

"Sorry na hindi ko naman alam talaga na magagalit kayo sa nagawa ko   kaya nag-sosorry na nga ang tao, gusto ko lang maging kabarkada ninyo pero ang sungit ninyo." Ngunit walang gustong pumansin sa kanya.

"Sa akin okay lang iyan, tutal ay hindi naman ako masyadong naapektuhan sa ginawa mo. Pero sana naman ay umayos ka na sa susunod," wika ni Susan.

"Kung okay sa iyo, sa amin ay hindi pa, mahirap atang isama sa barkada iyan, at isa pa kalilipat lamang niyan sa ating paaralan. Bakit tayo pa ang gusto niyang maging kagrupo? Samantalang marami naman diyan at isa pa solid na tayo noon pa di ba? Hindi tayo dapat mahaluan, ngayon pa naman na Grade 10 na tayo". Sabi ni Lloyd.

"Maria sorry ha, gusto ka man naming maging kaibigan eh! Hindi maaari dahil ayaw naming maging magkakagalit, alam ko masakit kung hindi ka man naming tanggapin bilang kabarkada iyon ay dahil napag-usapan na namin na kami na lang ang talagang magiging mga magkakaibigan kahit na kailan pa," pahabol na sabi ni Tzi Tzi.

"At isa pa Maria, hindi ka ba naaalanagn sa amin, kasi nga matagal na kaming magkakaibigan kung sasama ka sa amin at hindi mo kami lahat ka-vibes pangit din di ba?" Sabi ni Bess.

"Hayaan mo at pag-uusapan muna namin sa kongreso kung pwede kang maging kaibigan o kabarkada namin, tapos ay sasabihan ka na lamang namin upang makasama ka sa aming mga lakad, okay ba sa iyo," sa may kaartehang pananalita pa ni Ruth.

Umalis na lamang ng malungkot si Maria, nais niya talagang ma-in sa barkada ngunit talagang hindi nagustuhan ng mga ito ang unang ginawa niya upang pansinin siya bilang kabarkada, Sumama ba naman bigla sa isang lakad na hindi naman siya kasama at nabuko pa ang lakad dahil sa kanya, sino kaya ang hindi maaaburido noon?

Nakabalik na sila Bong at Kim, tuwang-tuwa si Bong dahil nakita niya at nakausap pa ang crush niyang si Ina. Matagal na rin niyang nais diskartehan ito, ngunit lagi na lamang ay nagpapahatid sa kanya si Ruth at dahil kabarkada niya ito ay hindi niya matanggihan.

"O, ano gusto ninyo bang puntahan natin, para naman sabihin ninyong tama ang mga sinasabi ko?" Paghahamon ni Henry.

Nalungkot si Maria, gusto niya talagang maging kabarkada ang mga ito. Pinayuhan siya ni Teacher J na huwag sumuko kung gusto niyang maging kaibigan ang grupong ito dahil sadyang mababait kaya lang minsan mga mang-aasar din. Umalis na lamang siya.

"Sige, puntahan nga natin. " Sagot ng lahat. 

Escuela De San Agusteen - Teacher JWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu