Si Alicia naman natigilan din sa sudden confession ni Kenji with his apologizing confession.

"YIIIEEEEHHH! Alliyah bes! Mag-on na mga babies natin"

Nagulat naman kaming tatlo nila Alicia at Kenji nang magsalita ang mom ko. Hawak ni Hannah ang remote na ikinatingin ko nang masama sa kanya.

Aba't pagsamantalang tinawagan sila mom?!

Ang sama tuloy ng tingin sa akin ni dad. Argh.

"Nako... Inaasahan ko na kasala na kayo bukas"

"Ha?! Agad-agad dad?!" sambit namin ni Hannah. Loko si dad, kasala agad... Jusko di pa kami tapos sa pag-aaral. HIGHSCHOOL PA LANG KAMI!

"So... Can I court you?" baling ko kay Alicia at hinawakan nang mahigpit ang kamay niya. Natigilan pa siya sa sinabi ko saka siya tumawa na ikinatigil ko.

"Gusto mo pa rin ba akong ligawan? Akala ko girlfriend na agad eh.... Hahahaha! Wag mo na akong ligawan" sabi niya na parang di ko pa rin na-gets. Wag siya ligawan? Eh paano ko den siya magiging gf? "Low gets ka pa rin ba?"

"Eh ano ba ibig mong sabihin"

"Hayst... After all na tinuro ko.... Sabi ko, wag mo na ako ligawam kasi sinasagot na kita" nakangiting sabi niya at naghiyawan naman ang buong tao sa kwarto niya.

Pati sila mom and dad na on-call naghiyawan sa Jeju.

Niyakap ko si Alicia at napangiti. This is rhe best day of my life.

"Hep! Pero ayusin mo muna yong pagpapanggap mo kay Kristine"

"Ah yon ba? Simple" sabi ko at nilabas ang phone ko. Hindi ko ite-text si Kristine. Hinila ko si Alicia at hinalikan siya sa pisngi na ikinamula niya at pinindot ko ang camera kaya nakuhanan kami na nakahalik ako sa pisngi niya.

Namumula siya sa pic at natigilan pa habang ako ay nakapikit ang mata na nakahalik sa pisngi niya.

"Ipo-post ko toh bukas... Wag ngayon kasi baka bukas susugod si Kristine dito" sabi ko. Nagtaka pa sila mom pero tinulungan naman ako nila Christian at Thristan na pinaniwalaan naman nila.

Pero di pa kami tapos.

"Well young man, sino naman yung sinasabi mo na nagugustuhan mo?" ani Tita Shaniah sa call. Natigilan naman si Kenji sa sinabi ng mom niya at sumulpot naman si Tito Kestrel na nakangisi. Aba patay toh.

PID 2: That Day I Fall For YouWhere stories live. Discover now