Pagkatapos namin kumain nauna na akong bumalik sa classroom namin, ayoko kasing makita si Jerome at Cristina. Tsk, kailangan mong mag-move on Hazel!

Marahan akong napahawak sa labi ko, naalala ko bigla yung nangyari kagabi. HAYS!

"Hazel!"

Napahinto ako sa paglakad, kilala ko yung boses na 'yon, si Jerome yun!

Naglakad na ako ng mabilis.

"Hazel wait!"- pumunta sya sa harap ko.

Tumingin naman ako sa paligid, wala si Cristina. Tumingin ako sa kanya.

"Ano ba?!"- naiirita ako eh, naiirita ako dahil ayoko na syang makita, kasi marupok ako eh!

"Pag-usapan natin ang nang-yari kagabi."

Medyo nagulat ako sa sinabi nya.

"P-Pwede ba?! Ayoko ng pag-usapan ang mga walang kwentang bagay."- i said

Parang nabigla sya, napapalunok na naman ako.

"Don't worry, alam kong aksidente lang ang nangyari at hindi mo 'yon sinasadya."- sabi ko pa.

"Oo. Yung una aksidente! Pero yung hinalikan kita that's not accident!"

Napatigil ako sa sinabi nya at tumingin ulit sa paligid. Ano ba Jerome?! Nakit ka ganyan?!

"Nagwo-worry ka ba dahil baka marinig tayo ni Cristina?"

Tumingin ako sa kanya.

"Please stop this?! Wala naman mapupuntahan 'tong usapan natin eh!"- iiwas na sana ako pero pinigilan nya ko.

"I know you liked me."- he said

Nagulat ako sa sinabi nya, p-paano nya nalaman?

"Kahit hindi mo sabihin, nararamdaman ko."- pagpatuloy nya pa.

Tinanggal ko yung kamay nya wirst ko at humarap sa kanya.

"Gusto? Bakit naman ako magkakagusto sa'yo? First of all hindi ko type ang mga kagaya mo, second hindi ako nagkakagusto sa mga kalaban ko sa campus na 'to. At pangatlo mas lalong hindi naman ako magkakagusto sa mga lalaking malapit ng ikasal."

Natahimik sya sa sinabi ko. Pagkasabi ko nun umalis na ako sa harap nya. Nag-blurd na ng tuluyan ang mga mata ko at tumulo agad ang luha sa pisnge ko.

Ang sakit!

Ang sakit ng mga binibitawan kong salita. Kahit hindi totoo kailangan kong sabihin sa kanya 'yon. Ramdam ko na eh, ramdam ko na iisa lang ang nararamdaman namin para sa isat-isa. Pero hindi na pwede eh, hindi pwedeng iwanan ni Jerome si Cristina. Napaka-bait ni Cristina at sobrang mahal nya si Jerome.

_____________________________


(GARNETT POV)

"Ano bang gagawin natin dito?"- hinihila nya ako papalabas.

"Bibili."

"Ng alin?"

"Gusto ko ng kwek-kwek."- he said

"What? Kakakain mo lang ha?"

"I'm still fvcking hungry."- kinurot ko yung labi nya.

"Sinabing don't say bad words eh."

He rolled his eyes. Tss!

Bumili na sya agad ng kwek-kwek sabay kain agad. Nakatingin lang ako sa kanya.

Love GeniusWhere stories live. Discover now