Dumating ang professor namin kaya nagsipag-ayos na ang mga block mate ko. Ang katabi kong si Naia ay hinarap na sa board ang upuan niyang kanina ay nakaharap sa akin. Mr. Perez started to discuss.
The class ended earlier than the usual time. Thirty minutes lang atang nagturo si Mr. Perez at dinismiss na kami.
Nakahinga ako nang maluwag nang makitang wala pa si Zach sa harap ng classroom namin. Advantage din talaga na pinalabas kami ng maaga, at least hindi sila magpapang-abot ni Noah.
Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ng pantalon ko at tinext si Zach para sabihing tapos na ang klase ko. He told me to wait in a coffee shop nearby. Maaga pa kasi at nasa klase pa siya.
Niyaya ko si Naia doon pero tumanggi ito. Aniya'y may kailangan pa daw siyang puntahan. Tumango ako at nagpaalam na sa kaibigan.
Pumunta ako sa coffee shop na sinasabi ni Zach. Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang ay inatake na ng bango ng kape ang ilong ko. I inhaled deeply and smiled.
As someone who loves coffee so much, the whole place for sure gave me a relaxing feeling. Nakalimutan ko ang hangover na kanina ko pa iniinda. I should thank Zach for picking this place for me.
Umorder ako ng kape at pumwesto sa isang bakanteng lamesa malapit sa pintuan. Pinili ko ang pwesto na 'to para mabilis akong makita ni Zach.
I took a sip on my coffee as I roamed my eyes around. Maraming kapwa ko estudyante sa loob. May mga nakukwentuhan at may mga nag-aaral. I even saw one of my block mates. Kumaway ito sa akin kaya kumaway din ako. Pagkatapos ay inabala ko ang sarili ko sa pagchecheck ng mga social media accounts ko.
Naia added me on facebook. Mabilis ko siyang in-accept. May iilan din akong block mates na nag-add at in-accept ko din.
I was busy scrolling through my facebook's news feed when the bell on the coffee shop's door rang, hudyat na may pumasok.
Nag-angat ako ng tingin sa pag-aakalang si Zach na iyon ngunit agad akong natigilan nang makitang si Paris iyon.
She walked gracefully towards the counter. Maraming mata ang napatingin sa kanya, including mine. Of course, it's Paris Hillary de Silva we're talking about. The hottest and the most beautiful student in DLSU. Attention is like a magnet to her. Kahit saan siya pumunta ay nakakakuha niya ito.
I gulped and looked at my coffee. Sumimsim ako doon bago muling tumingin kay Paris. Kasalukuyan na itong umoorder sa counter.
She was tapping her fingers on the metal top of the counter while patiently for her order. Luminga ito sa paligid at mabilis na nahanap ang mga mata ko. Nagkatinginan kami. Akala ko iiwas agad siya ngunit nagulat ako nang ngitian ako nito.
She probably knows me.
I don't want to be rude so I equaled her smile. Mabilis din itong bumaling sa counter nang tawagin ang pangalan nito. Kinuha nito ang inorder na frappe at nagpasalamat. Akala ko magse-stay pa siya dito sa coffee shop ngunit mali ako. Tinahak nito ang daan palabas.
The bell rang again. Natigilan ako nang makita kung sino ang pumasok.
Paris was the first one Zach saw when he entered the coffee shop. Sakto kasing palabas si Paris habang papasok naman si Zach. Hindi na ako nagulat nang makitang ngumiti si Zach dito. He even muttered something that made Paris laugh. Pagkatapos ay tumabi ito para bigyan ng daan si Paris.
He roamed his eyes around. Napalunok naman ako at mabilis na nag-iwas ng tingin. Just like what I expected, nakita agad ako nito.
"Hey," he greeted.
Binaba ko ang tasa na may kape at bumaling sa kanya. I smiled and acted cool. I seriously deserve an award for this.
"Hi!"
Nilapag ni Zach ang backpack niya sa upuan na nasa harapan ko at umupo doon. "Sorry for making you wait. Ang tagal kaming dinismiss eh."
"Ayos lang. Hindi naman ako ganoon katagal naghintay." I said matter of factly.
Bumaba ang tingin niya sa kape ko. "Is that good?" he asked, referring to the coffee.
"Yup! You should taste it." giit ko at inilapit sa kanya ang tasa.
Kinuha niya naman ito at sumimsim doon.
Hindi siya kagaya ko na mahilig sa kape kaya medyo mapili siya sa mga ito. He only drinks creamy coffee. Ganoon ang inorder ko ngayon kaya confident akong ipatikim iyon kanya.
"Wow, this is good." he said. Amusement was evident in his eyes. Muli itong sumimsim sa tasa bago ibinalik sa akin.
I smiled, glad that I pleased him. "I know right,"
"Anyways, how's your day? Hindi ka ba ulit sinumpong ng hangover?" pag-iiba niya.
Mabilis akong umiling. "I told you! The medicine you gave was effective." pagsisinungaling kong muli.
Ayaw kong malaman niya na buong araw akong binulabog ng hangover ko at baka hindi niya na ako payagang uminom sa susunod. Mahirap na.
And speaking of hangover...
"I heard what happened last night." pagsisimula ko.
Kanina ko pa siya gustong makausap tungkol dito. Alam kong siya lang makakapagpaalis sa mga bumabagabag sa isipan ko.
Bahagyang natigilan si Zach sa sinabi ko. He licked his lower lip and leaned on the backrest of the chair. Kinuha ko ang pagkakataong iyon para magpatuloy.
"Is it true that you punched Noah?" I finally asked.
Zach's eyes narrowed at me. Ako yung nagtanong pero bakit parang siya ang naghahanap ang sagot sa mga mata ko?
"Yeah," he answered. "I thought he was messing with you."
Hindi ako nakapagsalita. Now that the truth is right in front of me, I suddenly felt guilty. Not only for Zach but also for Noah.
"I'm sorry." Zach said when he noticed my silence. Akala niya siguro ay nagalit ako dahil sa ginawa niya.
Mabilis akong umiling. "No, ako dapat ang mag-sorry. Hindi dapat ako nagpakalasing ng ganun. Napaaway ka pa tuloy."
"Ayos lang. Wag mo nang isipin 'yun." marahang giit nito.
Napayuko ako. Funny how he easily forgives me and lets me get away from everything. Kahit kailan hindi siya nagalit sa akin. Now, I don't know if that's a good thing or not.
"Ubusin mo na yang kape mo para makauwi na tayo."
Parang bata akong tumango ako at sinunod ang sinabi niya.
YOU ARE READING
Between The Lines
RomanceAtalia Livienne Saavedra had eyes only for her bestfriend, Zachary Drake Sarmiento. She couldn't imagine herself looking at someone else the way she looks at Zach. Until...
Chapter 5
Start from the beginning
