"May naisip ka na bang salihan na org?" tanong ni Naia nang makarating kami sa huli naming klase ngayong araw. Walang seating arrangement dito kaya nakaupo siya sa tabi ko.
I don't know how I managed to survive the past hours. Kadalasan ay tulala ako at iniisip ang sinabi ni Noah. Hindi pa nakatulong na katabi ko siya sa lahat ng klase na iyon. Ngayon lang na huling subject lang ako nakahinga mg maluwag.
I looked at Naia. I wanted to ask questions about last night. She was there when I passed out. Actually, kinamusta niya nga ako kanina nang matapos ang unang subject namin. Pero pagkatapos 'noon ay wala na siyang sinabi.
Hindi ko tuloy alam kung maniniwala ako sa sinabi ni Noah. I mean, kung talagang nangyari 'yun, bakit hindi sinabi ni Naia sa akin? It was a big thing kaya alam kong hindi iyon palalampasin ni Naia or ng kahit na sino man.
Pero kung hindi totoo 'yun, ano yung pasa sa panga ni Noah? He doesn't look like someone who creates fuss. Isa pa, galit siya kanina. I doubt he's bluffing.
Or baka naman ako talaga ang problema. Hindi ako mapakali kasi hindi ko matanggap?
"Hey, you okay?" Naia snapped. Mabilis akong natauhan at napakurap-kurap. I spaced out again. "May hangover ka pa ata eh." natatawang dagdag nito.
Umiling ako at tumingin sa kaibigan. "Ano ulit 'yon?" I asked, referring to the one she was talking about.
"I asked you kung may naisipan ka na bang salihan na org?" ulit na tanong nito. Agad naman akong sumagot.
"Wala pa eh. Gusto ko sanang mag-focus muna sa units ko."
It's true. I haven't thought of joining any clubs. According to some, it's good to have at least one organization. You will be able to meet new people and have friends. Pero dahil hindi naman iyon ang focus ko sa ngayon, hindi ko masyadong inintindi iyon.
Maybe I'll join next year or kung makakapag-adjust na sa bagong environment, baka next term ay maisipan ko na.
"Oh! Ako kasi, plano ko sanang sumali sa Dance Troupe." ani Naia at pumalumbaba. My eyes narrowed at her.
"You dance?" medyo gulat kong tanong.
Ngumiti si Naia at tumango. "Bukod sa Architecture, dancing is also my passion."
"Then you should go for it. If you have both the talent and the passion, then you'll surely make it." I smiled at her.
"You think so? Balita ko kasi mahirap daw makapasok doon."
"Try mo pa din. Ikaw pa ba?"
Tumawa si Naia. "Okay, magre-ready na ako ng audition piece ko mamaya."
I was about to wish her luck when the whole room suddenly became noisy. Sabay kaming napatingin sa nagkukumpulan naming mga block mates na lalaki. Maingay na nagtawanan ang mga ito.
"Sshh." saway ng isa kong block mate na babae.
That stopped the boys from laughing. My eyes narrowed at Noah who's part of the group. Parang hari itong nakaupo sa gitna at napapalibutan ng mga block mates namin na lalaki. Tingin ko ay sa kanya nagsimula ang tawanan.
Kagaya ni Zach, marami na rin agad naging kaibigan si Noah. Halos lahat ng lalaki kong block mates ay kasundo nito. May iilan ding babae. I guess, it's easier for boys to finds friends.
Noah was laughing when his eyes found mine. Hindi ko alam kung paano niya nahanap ang mga mata ko sa kabila ng mga atensyong nakapaligid sa kanya. But then again, he caught me staring at him! Nagtaas ito ng kilay habang nakaawang pa din ang labi.
I pressed my lips and looked away. Something about his stare made me uncomfortable. Para bang hindi rin ito makapaniwala na nakatingin ako sa kanya kanina.
YOU ARE READING
Between The Lines
RomanceAtalia Livienne Saavedra had eyes only for her bestfriend, Zachary Drake Sarmiento. She couldn't imagine herself looking at someone else the way she looks at Zach. Until...
