Kabanata 1

130 34 0
                                    

MUNDO NG AMBROGIO
Kaharian ng Vlademort

Third POV

May isang makapangyarihang dyosang papasok sa kaharian ng Voldemort upang ipahayag ang isang mensahe mula sa buwan.

"Magandang gabi mahal na haring Alessandro. " nakayukong bati ng dyosa ng buwan sa hari.

"Ano ang maipanglilingkod ko sa isang magandang dyosa ng buwan na nasa aking harapan? " saad ng hari sa seryosong tono.

"Narito ako upang ihatid sa inyo ang isang balita galing sa makapangyarihang dyos ng buwan. " Nakayukod parin ito sa hari bilang pagrespeto dito.

"Maari mo bang isaad kung anong balita ito at tungkol saan?" Nakakunot nuong tanong ng hari sa dyosa na nasa kanyang harapan.

"I-ito po ay tungkol sa iyong tagapagmana ng trono." Napahinto ito na parang nag-aanlingan na sad nito sa Hari.

"Sige ituloy mo." Ani ng hari

"Hindi ko alam masisiyahan kayo tungkol sa balitang ito ngunit ang iyong unang anak ay itinakda sa isang babae na naninirahan sa mundo ng mga tao."

"Ibig mo bang sabihin dyosa ng buwan ay isang tao nakatakda sa kokoronahang prinsipe?" Seryosong tanong nito na parang hindi magugustuhan ang anumang masasagot ng dyosa sa kanya.

"Ang totoo ay hindi ito ang sinabi sa akin kataas-taasang dyos ng buwan. Ang tanging nakalagay lamang sa propesiya ng buwan ay ang babaeng nakatakda sa iyong anak magdadala ng kapayapaan sa mundo ng mga immortal. Ang babaeng ito ay magiging makapangyarihang lamang sa oras na kung tatanggapin niya na isa siyang babae na itinikda para sa iyong unang anak."

"Kung gayon nasa mundo ng mga tao ang babaeng iyon ngayon?" tanong ng hari na parang naginhawaan ngunit nasa awra parin nito kaunting pagtutol dahil sa propesiya.

Hindi ito ang unang sandali na itinakda ang bampira sa isang tao. Dahil may nakilala ang siyang isang babaeng bampira na nakalabas ng lagusan patungo sa mundo ng mga tao at doon natagpuan ang lalaking nakatakda dito.

Dahil sa pagmamahalan ng isang tao at bampira ay nagalit ang karamihan sa lahi nila sa babaeng bampira na iyon.

Ang babaeng bampira ay ipinatapon sa mundo ng mga tao kasama ang mahal nito. Ang babaeng iyon ay mananatiling bampira ngunit tatanda lamang ito sa mga tao na walang kamatayan.

Ang tanging makakapatay lamang sa isang bampira ay ang kulay pilak na matalim na bagay na itatarak sa puso ng mga ito.

"Hindi pa ito ipinanganak sa mundo ng mga tao dahil sa ipinagbubuntis pa lamang ang nanay nito." sambit ng dyosa at biglang napapukaw sa atensyon ng hari na tela malalim ang iniisip.

"Maari bang sabihin mo sa akin kung sino ang nagdadala sa ina ng bata na nakatakda sa aking anak?"

"Uh- Ang totoo niyan mahal na ha-". Naputol ang sasabihin ng dyosa ng biglang may nakita siyang isang sinaryo kung saan may isang babaeng bampira na umiiyak sa harap ng hari. Napahawak siya bigla sa ulo niya dahil sa mabilis na mga sinaryo nakita niya.

Mabilis lumapit ang isang kawal sa ng maramdaman nitong matutumba ang dyosa sa harap ng hari.

Napatayo ang hari. "Anong nangyari dyosa ng buwan? Ayos lang ba ang lagay mo?" Nang tangkang lumapit hari ngunit sumenyas lamang ang dyosa na maayos lang siya. At itinayo ng kawal ng mahimasmasan ito.

"A-ang t-totoo niyan mahal na hari ay nakita ko na kung sino ang babaeng magdadala sa babaeng itinakda ng iyong anak." Nahihirapang sambit ng dyosa.

"Sino iyon?!" Hindi mapakaling tanong ng hari.

The Evil's Biteजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें