Kabanata 16

23 3 0
                                    

Sister

Hawak-hawak ni Sebastian ang aking kamay nang papasok na kami sa kastilyo, hanggang sa huminto na kami nang makasalubong namin ang kaniyang ina, si Elora at tatlong tagapagsilbi.

Yumuko naman ako at binati ang reyna pero si Sebastian ay hindi man lang pinansin ang ina. Hinarang naman siya ng reyna nang mapansing aalis ito.

"What are you doing? I warned you already, Sebastian! Alam mong hindi mo pwedeng makita ang iyong pakakasalan hanggang hindi pa oras ng kasal!" Malamig at matigas na sabi ng kaniyang ina.

"Wala akong pakialam." Sagot nito sa ina.

Hawak parin ni Sebastian ang aking kamay. Ramdam kong hihilahin niya ako paalis nang sinubukan kong kalasin ang pagkakahawak nito, pero hindi ko magawa dahil mahigpit ang pagkakahawak nito.

Hinarangan ito ng reyna ng akmang dederetso ito patungo sa aking silid. Itinaas naman nito ang pagkakahawak mula sa aking kamay patungo sa aking pulso.

"Elora, ikaw na ang magiya kay Zahra sa luob." Utos nito kay Elora at bumaling sa unang prinsipe. "Bitawan mo na si Zahra, Sebastian. " Malamig na utos ng kanyang ina.

Ngunit hindi parin niya ako binitawan. Unti-unting humihigpit ang pagkakahawak nito sa akin. "Sebastian, bitawan mo na ako. Masakit na 'yong pagkakahawak mo."

Unti-unting lumuwag ang pagkakahawak nito sa aking pulso at binalingan ako. "I'm sorry."

Ibinaba niya ang kanyang tingin sa aking pulsuhan na namumula ng kaunti. Hinaplos niya iyon

Ramdam kong ang lambing at banayad sa pagkakahaplos nito na siyang naghatid ng paru-paro sa aking tiyan at puso.

"Sumunod ka na sa iyong ina. Ayos lang naman ako. Nandyan naman si Elora." Napabaling ako kay Elora na nakatayo sa aking gilid.

Napabuntong hininga ata, akala ko ay tututol siya ngunit lumapit ito sa akin at hinalikan ako sa aking nuo. "Rose.." Rinig ko mula sa isang pamilyar na boses sa aking isipan kaya naitulak ko si Sebastian.

"Are you alright?" Tumango ako.

"O-Oo, ayos lang ako. Sumunod ka na sa iyong ina." Hinaplos ko ang braso ito at mahinang itinulak patungo sa kanyang ina.

"Pasensya na po, Kamahalan." Hinging paumanhin ko sa Reyna.

"Hindi mo kailangang huminga ng pasensya sa akin, Zahra. Alam kong may katigasan ng ulo talaga ang aking mga anak." Napangiti naman ako ng hilahin ng Reyna ang kaniyang unang anak.
Habang papaalis na sila ay iginiya naman ako ni Elora papasok sa silid.

Nang tuluyan na akong makapasok sa kwarto ay nakita ko ang isang puting kasuotan na nakalagay sa kama. Lumapit ako sa kama at kinuha iyon. Ito na yata ang susuotin para sa sermonyas ng kasal mamayang kabilugan ng buwan.

Napahawak ako sa aking dibdib ng biglang bumigat ang aking pakiramdam. Nilagay ko pabalik ang damit pangkasal sa kama. Bakit parang may malaking bahagi sa akin na hindi nais tumuloy sa kasal.

Napasinghap naman ako ng biglang may malamig na kamay ang humawak sa aking pulsuhan. Napabaling naman ako sa humawak. Si Elora iyon.

"Alam kung hindi mo ginusto ang mga nangyayaring ito. Sundin mo kung anong nais mo at kung ano sa tingin mo ay tama." Napakunot nuo naman ako sa sinabi nito.

"Zahra, huwag kang maging sunod-sunuran sa kagustuhan ng Hari at Reyna. Alam kong may maraming katangian ka na namana mula kay Aurora. Alam kong kagaya ka rin niya na hindi basta-basta nagtitiwala." She caressed my hair. "Magkamukha kayo ni Aurora no'ng ito nasa kabataan pa lamang siya."

"Magkakilala po kayo ng Lola ko? Magkaibigan po kayo?" Ngumiti ito sa akin. Iyon ang unang beses na makita kong ngumiti si Elora. Simula nung nakarating ako rito ay walang emosyon at may pagkamasugit ang awra nito.
"Higit pa sa kaibigan. Magkapatid kami." Nagulat ako sa sinabi niya.

Kaya pala ng unang beses kong makita ito ay masasabi kong may kahawig ito. Magkahawig sila ni Lola.

"Magkapatid po kayo? Bakit nakarating ang Lola ko sa mundo ng mga tao kung ganun?" Naguguluhan kong tanong.
"Itinakwil ng Hari ng Vlademort si Aurora dahil ayaw nitong magpakasal sa kapatid ng Hari na Si Thaddeus. Tumakas ang si Aurora sa mismong kasal nila, kabilugan ng buwand din." Kwento nito sa akin.

"Bakit po tinakasan ng aking lola ang kapatid ni Haring Alessandro?"

"Dahil hindi sila ang tutoong itinadhana para sa isa't isa. Ang iyong lola ay itinadhana sa isang tao. At si Thaddeus ay walang babaeng nakatadhana para sa kanya, he doesn't have a mate, to be exact he is unmated vampire. Kaya ayaw kong mangyari iyon sa iyo, wala kang kamalay-malay sa mundong ito." Mahigpit nitong hinawakan ang aking kamay.

"Kung ganun, bakit po kayo naninilbihan sa mga Vlademort kung kadugo mo ang itinakwil nila? Hindi ba nila alam?"

Umiling naman ito sa tanong ko. " Alam nila. Malungkot mang isipin ngunit isa ako sa tumakwil sa iyong lola. Bata pa ako nun at hindi ko pa gaanong naintindihan ang ginawa niya. Nasaktan lang ako ng makita ko siyang sumusuway sa utos ng aming magulang. Mas pinili niyang itakwil siya ng aming pamilya at mapunta sa mundo ng mga tao. Pero ngayon nalaman ko na ginamit lang pala siya ng mga Domenico."

"Nasaan na po ngayon si Thaddeus?"

"Umalis ito ng palasyo simula nung itinakwil ng Vlademort ang iyong lola. Hindi ko alam kung nasaang parte ito ng Vlademort o mundo ng Ambrogio. Ang Alam ko ay maraming sekretong lugar ang mga Domenico na sila lamang ang nakakaalam. Kaya habang maaga pa, ang mapapayo ko sayo ay tumukas ka bago ang kabilugan ng buwan." May kinuha ito sa bulsa ng kanyang kasuotan at nilagay iyon sa aking kamay.

Isang maliit na bote na naglalaman ng asul na likido. "Ano po ito?"

"Drink that, it only has an effect for up to three hours but I'm sure you're far from that palace. You'll become invisible and no vampire will notice the smell of your blood when you drink it."

"Pero paano po ako makakalabas ng palasyo?"

"Ako ang bahala. Sundan mo lang ako hanggang palabas ng kastilyo, pagkatapos mong inumin ang elixir ay hindi ka na makikita ng kahit sino.

Pagkalabas mo ng kastilyo ay ang kuneho na ang bahalang gumiya sa iyo palabas." Napakunot nuo ako ng marinig ang huling sinabi nito.

"Kilala niyo po si Bucky?!" Napalakas ang boses na tanong ko.

"Shh." Nilapat nito ang hintuturo sa kanyang labi.

"Kilala niyo po si Bucky?"
Tumango ito at sakto namang may kumatok sa pintuan.

Tumungon naman si Elora sa pintuan at napaupo naman ako sa paanan ng kama. Katabi ng damit pangkasal. My grandmother was not here. I want to see her, so I should escape. That's my final decision.

The Evil's BiteOù les histoires vivent. Découvrez maintenant