CHAPTER ONE : Math Teacher

374 15 0
  • Dedicado a III - Phoebe
                                        

     "PARA kayong mga latang maiingay! Alam niyo kung bakit? Kasi ang lata,  'pag maingay, WALANG LAMAN!

"Hindi na kayo nahiya. Subukan niyo kayang pakinggan ang paligid! Hindi ba't kayo ang namumukod tanging maingay?"

Iyon ang pambungad na sinabi sa amin ni Ma'am Loxar. Sa umpisa pa lang, hindi ko na talaga gusto si Ma'am Loxar. Siya ang aming Mathematics teacher.

Kilala siya bilang isang very short-tempered na guro pero sobrang galing magturo. Ayaw ko talaga kay Ma'am Loxar, pero hindi ko sukat akalain na mag-su-suicide siya.

Kamamatay pa lang ng asawa ni Ma'am. Marahil ay hindi niya siguro kinaya ang stress kaya naisipan nitong magpakamatay na lang.

AT LEAST YUN ANG HINALA NAMIN.

"Be, narinig mo na ba ang nangyari kay Ma'am Loxar?" narinig kong pang-uusisa ng isa kong kaklase sa kanyang kaibigan.

"Oo, pero hindi naman natin pwedeng sisihin si Ma'am. Kung ako ang mawalan ng sobrang importante sa akin, siguro gano'n din ang magagawa ko." tugon naman ng isa.

Napahinga ng malalim ang kaklase ko sa sinabi ng kanyang kaibigan, "Ito naman, 'wag ganun, be!" anito habang nakapatong ang kanyang kamay sa braso ng kanyang kaibigan.

Napuno kaagad ng balita ang room namin tungkol sa nangyari kay Ma'am.

Ako nga pala si Fred Tuazon. Isa lang ako sa napakaraming mga estudyante na gustong makasama sa top. Alam kong hindi ako ganoong katalino pero alam kong hindi si Ma'am Loxar ang tipo ng gurong magpapakamatay!

May problema rito. Kailangan ko malaman kung ano ba talaga ang nangyari sa aming guro.

- Itutuloy -

World of Deceit (DISCONTINUED)Onde histórias criam vida. Descubra agora