Chapter 9: Do you like me?

34K 484 19
                                        

DEDICATED TO: angelica1427

Minsan oo, minsan hindi
Minsan tama, minsan mali
Umaabante, umaatras
Kilos mong namimintas

Kung tunay nga ang pag-ibig mo
Kaya mo bang isigaw
Iparating sa mundo

Tumingin sa 'king mata
Magtapat ng nadarama
Di gustong ika'y mawala
Dahil handa akong ibigin ka
Kung maging tayo
Sa 'yo lang ang puso ko

Walang ibang tatanggapin
Ikaw at ikaw pa rin
May gulo ba sa 'yong isipan
Itugma sa nararamdaman
Kung tunay nga ang pag-ibig mo

Tumingin sa 'king mata
Magtapat ng nadarama
Di gustong ika'y mawala
Dahil handa akong ibigin ka
Kung maging tayo

Kailangan ba kitang iwasan
Sa twing lalapit may paalam
Ibang anyo sa karamihan
Iba rin pag tayo
Iba rin pag tayo lang... ahhh...

Tumingin sa 'king mata
Magtapat ng nadarama
Di gustong ikaw'y mawala
Dahil handa akong ibigin ka

Kung maging tayo (Kung maging tayo)
Kung maging tayo (Kung maging tayo)

Kung maging tayo
Sa 'yo na ang puso ko..

Nakatitig lang si Sebastian sa natutulog ngayong si Joey, nasa likod ang upuan niya dahil ayaw tumabi sa kanya ni Joey kaya ang katabi niya ngayon ay ibang babae.

He is three seats apart from Joey, pero kitang-kita niya ito na natutumba sa katabi nitong lalake, he should be the one by her side! Hindi yung lalakeng di niya kilala.

Nakasakay sila sa isang eroplano, gusto niya nga sa helicopter na lang sumakay pero ayaw ni Joey. Hindi pa raw kasi siya nakakasakay sa ganoon. Kaya natatakot siya.

Hindi na nakapagtimpi si Sebastian at tumayo na siya, lumakad siya papalapit sa upuan ni Joey.

"Mister, can we exchange seats? She is my girlfriend and we are on fight, I hope we can fix it."

Bulong niya sa katabi nitong lalake, si Joey ay tulog kaya di nito nadinig ang pinagsasabi ni Sebastian.

"Oh. I am sorry about that."

Agad namang tumayo ang lalake at umupo na sa katabi ni Joey si Sebastian, napangiti na lang siya ng masdan niya ang mukha nito. May kung anong bagay na kumikiliti sa kanya na parang ansarap sa pakiramdam.

Isinandal niya sa balikat niya ang ulo ni Joey at bahagya itong hinalikan, ewan niya kung bakit. Basta gusto niyang halikan si Joey.

Madaming tao sa paligid, may mga nag-uusap at nagkwe-kwentuhan pero ngayong oras na 'to ang nararamdaman lang ni Sebastian ay ang kakaibang pakiramdam na gustung-gusto niya, ang tanging nadidinig lang niya ay ang mabilis na tibok ng puso niya, wala ng iba pa.

Pumikit siya ng dahan-dahan at di niya namalayang nakatulog na pala siya.

*****

Jann Virginia Perez

Andito na kami sa hotel na tutuluyan namin, dalawa lang kami ni Monster kasi nga secretary niya ako.

Nang magising ako kanina nakita ko na si Sebastian na ang katabi ko, nakasandal ako sa balikat niya napakakomportable ng tulog ko, nakakainis sabi ko wag siyang tumabi sa akin, pero tumabi pa rin siya.

A Night with the Virgin (Completed)Where stories live. Discover now