CHAPTER 4: THAT RED CAR

1 1 0
                                    


Klay's POV

Kakatapos kong maligo. Sasamahan ko ang nanay ko ngayon na mamili ng mga paninda. May tricycle kami at ako ang magmamaneho. Naks! Maneho! Akala mo kotse e haha.

Nak, halika ka na at baka madami nang tao mamaya. Tatanghaliin tayo neto. Sabi ni mama na nakalabas na. excited ata -_-

Opo nay. Eto na po. Sigaw ko habang sinusuklay ang buhok ko. Nagspray na ako ng pabango sabay tingin ulit sa salamin at kindat.

Naks ampogi naman ng lalaking eto! Sabi ko sa salamin. Bat ba? Pogi naman talaga ako haha.

Agad ko ng kinuha ang susi at lumabas na. naroon na si nanay sa loob ng tricycle. Sumakay na ako at dali daling pinaandar ito.

Habang palabras kami sa kanto, nakita ko ang tiyuhin kong may pagawaan ng hollow blocks.

Bumusina ako at napatingin naman si Tiyo Jaime at sabay kaway. Kapatid sya ni Nanay.

Nung nasa may kalsada kami ay may kasunod kami sa likod na magarbong kotse! Kulay pula at halatang alagang alaga. Siguro galling ito dyan sa Royal Subdivision. Kailan naman kaya ako makakasakay sa ganyan?

Bago pa man tuluyang malipad ang aking isip ay binilisan ko na ang takbo. Nagmamadali si nanay e. mahirap nat baka masisi pa ako kung maubusan nya ng tinda haha.

Matapos ang mahigit 2 oras ay natapos din kaming mamili. Ikinarga ko na ang lahat sa aming munting tricycle at pinaandar ito. Dahan dahan lang ang patakbo ko dahil baka malipad ang mga pinamili ni nanay haha. Nasa 30 minutes din ang biyahe namin dahil doon.

Pagkahinto ay agad na akong nagbuhat ng mga pinamili. Nakapasipag ko talaga J.

O hala nandito na pala kayo, sandali at magbubuhat din ako. Bungad ni tatay na may hawak na martilyo. Siguro may inayos sya sa likod ng bahay. Matapos namin maiayos ang lahat, umupo muna ako at naalala ko si Mark. Bigla akong natawa dahil naalala ko ang itsura ng unggoy na yun kagabi.

Hoy! Anong tinatawa tawa mo dyan Klay? Nababaliw ka na ata? Komento ng nanay ko.

Wala po nay, may naalala lang. sabi ko naman.

Ikaw talaga. O sya ihatid mo nga itong isda na pinabili ng Tiyo Jaime mo. Di na ako sumagot at kinuha na nga ang supot na may isda. Mabigat pala kaya muntik kong nabitawan.

Lumabas ako ng bahay na napatingin kina Mark. Ala na ang motor nya sa labas. Siguro ay may pinuntahan. Naglakad na ako papunta kay Tiyo Jaime.

Tiyo, yung pinabili nyo pong isda o. sabi ko nung Makita ko sya.

Ay salamat naman iho. Nakapabait naman neto! Sabi nya

At gwapo pa! dagdag ko kaya natawa sya. Biglang tumunog ang selpon nya.

Ay sandal lang iho... O hello? Ha? Hindi makakapasok si Berting? Nako naman, sinong magdedeliver nitong mga hollow blocks? Dyan pa naman sa Royal Village e nakakahiya naman kung pag antayin natin. O siya sige, maghahanap ako dito. Rinig ko sa usapan nila.

Tiyo, may problema po ba? Klay malamang meron, narinig mo diba? Hay nakooo!

Yung si Berting e hindi pala makakapasok. Walang magdedeliver ng hollow block e. paliwanag ni Tiyo.

San po ba tiyo? Ako.

Diyan lang naman sa Royal Village. Sabi nya

Ako nalang po tiyo! Sabi ko

Sigurado k aba iho? tiyo

Opo! Ako na bahala. ako

O sige sige. Sasamahan ka naman ni Jun. Jun! halika na, si Klayden nalang magmamaneho. Tawag ni tiyo kay kuya Jun.

Tumulong na akong maikarga yung mga hollow block sa maliit na elf ni tiyo. Maya maya pa ay sumakay na kami ni Kuya Jun.

Nagkukwentuhan lang kami sa biyahe. Naks kala mo malayo hahaha.

Noong nasa may gate na kami agad lumapit yung isang gwardya.

Ano pong sadyo nyo boss? Tanong nya.

Magdedeliver po sana ng hollow blocks. Sagot ko

Heto po yung address. Dagdag ni kuya Jun sabay abot ng maliit na papel.

Sige po saglit lang. bumalik si kuya guard sa post nila at may kinausap na isa pa na may tinawagan naman sa telepono.

Bumalik uli yung isang guard.

Mga boss, pwedeng bumaba muna kayo sandali? Mag iinspect lang ho. Sumunod naman kami at tinignan nila saglit lang loob ng elf.

Pasensya na sa abala mga boss a? may reklamo kasi yung mga tagarito na mukhang may nakakapasok ata na taga labas dahil kagabi ay may kalat raw na napunta sa isang bahay gayung araw araw namang malinis at bawal magkalat ang mga tagarito. Paliwanag ni guard. Aba naman kaOA -_- para kalat lang may masamang tao na agad? Sabat ng isip ko

Ano pong ibig nyong sabihing kalat ser. Usisa ni Kuya Jun.

May balat raw kasi ng chichirya na nalipad gayung madaling araw na at wala na dapat gumagala rito maliban kung importante. At alam na alam ng mga tagarito na bawal magkalat kaya suspetsya nila'y tagalabas ang nagkalat nun. Paliwanag uli ni manong guard.

Pero wait...ba-balat ng chichirya? 0_0...di naman siguro sakin galing yun diba???

Bago pa ako huliin dahil sa salang hindi ko naman ginusto, bumalik na ako sa elf. Pinapasok din naman kami agad.

Pagpasok ko mismong village.........wooooowwww!!!! Napakalalaking bahay! Magandang mga mansion! Magagarang sasakyan! Wow! Sa labas palang ng bahay alam mong milyonaryo ang may ari. At may park pa silang malawak! May mga bata akong nakitang naglalaro. Jusko! Sa amin sa plaza ka lang makakalaro ng ganyan at kung minsan pa ay papagalitan ka ng kagawad kung masyado daw maingay -_-.

Dito dito sa kantong ito o! alam mo pa yun kasi nagdeliver kami nung isang buwan din doon. Sabi ni kuya Jun kaya naman niliko ko sa may kanan habang tinitignan yung mga bahay ng biglang...

Peeeeeeeeeeeeeeepppp!!!!!!!!

May kotseng biglang bumusina kaya agad akong napapreno. Nakita ko yung pulang kotse na kamukha nung nakita ko kanina. Agad na din namang umalis yung kotse.

Jusko! Ano bay an? Kasalanan ko ba? Taking tanong ko kasi sa pagkakaalam ko nasa tamang daan ako. At nagsignal din naman bago ako kumanan a.

Yaan mo na! basta di natin nagasgasan yung kotse! Baka mamaya'y habangbuhay kong bayaran yung kaunting gasgas nun! Mukhang mamahalin pa naman kotseng yun. Sabi ni kuya Jun kaya tumuloy nalang kami.

O dito na! iyang kulay gray ang geyt! Sabi ni kuya Jun. sa wakas!

Agad ko namang ginilid yung sasakyan namin. Bumaba na si Kuya Jun at may nakausap na babae. Katulong siguro.

Klay like na. ilagay nalang daw natin dito sa may harap nila! Sabi ni kuya Jun.

Agad na akong kumuha ng hollow blocks at paglagpas ko ng gate nila, mas nakita ko kung gaano kalaki itong bahay na ito! Wow! Tapos may mga kotseng nakaparada sa harap. Mayroon kagaya nung pulang kotse kanina pero kulay yellow naman yung andito. Sa may garden namin nilagay yung mga buhat namin.

Naku salamat ha? Sabi ni ate na katulong siguro kay kuya Jun. nagchismisan pa sila saglit nang may biglang nagdoorbell kaya napatigil ang dalawa.

Ay iha ikaw pala! Sige pasok ka sabi ni ate. Dali dali namang pumasok yung babaeng nagdoorbell. Napatingin ako at................ 0_0

Artista ata yung dumaan! Grabe! Napakagandang nilalang naman! Pero syang kabilis naman nyang dumaan. Magtrabaho nalang kaya ako kay Tiyo Jun baka sakaling utusan nya uli ako dito at Makita ko uli yung babae hehe.

Hoy Klayden! Tara na! kanina pa kita tinatawag! Bulyaw sakin ni Kuya Jun. napakamot nalang ako sa batok at sana di narinig ni ms beautiful na sinisigawan ako ni Kuya Jun. nakakahiya *_*

FALL. FALLING. FALLENWhere stories live. Discover now