CHAPTER 2: Klay

3 3 0
                                    


Klayden's POV

Madaling araw na pero nandito parin ako sa bubungan ng bahay naming. Tsk!

Siguro nagtataka kayo ano?

Ganto kasi yan.

FLASHBACK

Buti naman maaga akong makakatulog ngayon!

Riiiiing.....riiiinng.....rinnnggg...

Ay anu bay an?! Gulat kong sabi.

Klay, Nak ano yan? Sagutin mo na sige dali. Sabi ni Nanay.

O pre? Bat ka napatawag? Tanong ko pagkakita kong si Mark pala ang tumatawag. Bestfriend ko mula pagkabata.

Klaaaayyy.......Pre....*singhot* singhot* preee.....shi Rachell preeee..nyakipag..wawaya...nwifhblbvw sabi ng nasa kabilang linya. Ano daw???

Ano? Alam mo pre ala akong maintindihan! Paki ulit! Medyo napapalakas na ang boses ko kasi naman niririnig kong umiiyak sya. Pffft umiiyak ang loko hahaha.

Shi Rachel pre...mag aabhafnvie....yan ulit ang sabi. Jusko! Nawala antok ko! Tsk.

Sandali nga pre. Di talaga kita maintindihan. Nandyan ka na ba sa bahay nyo? Tara, usap tayo. Alam mo namang di ako sanay na umiiyak ka e, haha. Nakakapagtaka lang kasi kilala itong playboy sa amin e. hahaha pero mabait naman ito at kahit papaano may, kauntiiiiiing respeto pa. haha. Pero mula nung nakilala nya si Rachel, nagbago sya grabe! Tignan mo nga naman ang pag ibig o! kayang kaya ka talaga nyang baguhin!

Pumayag naman syang magkausap muna kami. Ala din ang mga magulang nya sa bahay nila ngayon. Oo nga pala. Magtkaabi lang ang bahay namin haha. Magkadikit nga ang bubungan namin e.

Nay, labas muna ho ako. Kukunin ko nalang itong susi para di na kaya maistorbo mamaya. Mag uusap lang po kami ni Mark. Broken hearted po e hahaha. Paalam ko kay nanay at pumayag naman sya kasi alam nya naman kung saan ako pupunta.

Bumangon na ako mula sa pagkakahiga at hinanap ang tsinelas. Sa sobrang pagmamadali ko ay magkaibang pares pala ang nakuha ko. Tsk! Hayaan mo na nga! Gabi naman haha.

Pero bago tuluyang lumabas, pumasok ako sa maliit naming tindahan. yung salas kasi namin ay ginawang maliit na tindahan nina nanay kaya naman kapag lalabas ka ay mapapadaan ka talaga.

Dahan dahan akong kumuha ng mga pagkain. Hehe. Baka magutom kami e.

Mr Chips, dalawang coke, chicharon, dragon sid, aaatttt syempre ang paborito kong Chippy. Gustong gusto ko talaga itong Mr chips at Chippy hahahaa.

Matapos nun ay dahan dahan na akong tumaas sa may bubungan gamit ang hagdan ni tatay.

Nakita ko naman na nakaupo na si Mark sa may bandang bubungan nila kaya lumapit ako ngunit dahan dahan lang ang mga hakbang at baka pagkamalan akong aswang! Jusko napakagwapo ko naman ata para maging aswang!

O pre, kanina ka pa? pasensya nap-------naputol ang aking sasabihin ng bigla nya akong yakapin.

At dahan dahang napatitig sya sa aking mukha. Naramdaman kong bigla bumilis ang tibok ng aking puso. Matagal kaming nagtitigan hanggang sa unti unting lumapit ang mala anghel nyang mukha sa akin. Paunti ng paunting nawawala ang pagitan namin sa isa't isa...hanggang sa......

.

.

.

.

.

Biro lang. hahaha walang ganung nangyari. Basta napayakap sya sakin. Ramdam kong talagang nasaktan sya.

Pre ano ba nangyari? Tanong ko nung medyo tumahan na sya.

Si Rachel pre, *singhot*singhot* na-nakipagbreak na sya sakin sabi nya at napayuko at pilit na pinipigilan ang mga luhang babagsak uli.

Di ako nakapagsalita agad. Nagulat din ako. Di ko alam kung bat nakipaghiwalay si Rachel. Mahal na mahal nila ang isa't-isa. Lagi ko nga silang tinutukso kung kalian sila magpapakasal e.

Ba-bakit daw pre? Diba mahal na mahal nyo ang isa't-isa? Tanong ko. Di sya agad sumagot at parang gusto kong bawiin ang aking tanong.

Mag-aabroad sya Klay. Sagot nya habang nakatingin sa malayo

Ha? E bata pa yun e! di pa ata pwede e! protesta ko. Mag Oofw na si Rachel?

Hindi pre, ganto pupunta muna sya sa tyahin nya sa probinsya, yung taga Canda? At saka sya dadalhin dun. Paliwanag nya. A okay, so pag aaralin sya doon. Swerteng nilalang naman nun!

....umm...tuloy mo pre.. nakikinig ako... sabi ko. Napabuntong hininga sya bago nagpatuloy.

Sabi nya sa akin babalik din sya. Pero sa ngayon, gusto nya munang makipaghiwalay dahil sabi na rin ng tyahin nya. Para daw di sya mahirapang mag adjust dun. Pero pre! Bat naman kailangang ganun! Di ko inaasahan ito e! di ko to napaghandaan! Sabi nya habang bumabagsak ulit ang mga luha. Kinuha ko yung Chippy at dahan dahang binuksan.

Pre, Chippy? Sabi ko, napatingin sya sa hawak ko saka napangiti at nakikain na din.

Nag usap pa kami at natigil naman sya sa pag-iyak pero alam kong nandun pa din yung sakit.

Pinauna ko na syang bumaba. Humiga muna ako sa may bubong. Tinignan ko ang oras. 3:12am na pala. Ala na akong antok e haha. Buti nalang di naulan.

END OF FLASHBACK

Nakatingin lang ako sa itaas nang maramdaman ko ang unti unting lakas ng hangin.

Napakapresko naman sabi ko sa sarili ko. Umupo muli ako habang nag eenjoy sa hangin nang bigla muli itong lumakas at nailipad ang supot ng chichirya.
oi Chippy! Sabi ko ng bigla nalang itong matangay ng hangin.

Hay! Tsk! Bawal pa namang magkalat dito sa barangay namin at magmumulta! Di bale na, napalakas naman ang hangin at siguradong malayo mapupuntahan nun. Haha goodluck Chippy!!!

Sa di kalayuan ay nakita ko ang Royal Hills Subdivision. Puro mayayaman nakatira dun. Sana naman ay di napadpad si Chippy dun at baka mamaya ipaimbestiga pa nila! Tsk.

Kung nagtataka kayo bakit may katabi kaming subdivision, ganto yan.

Itong lupang tinatayuan ng ilang kabahayan dito sa amin ay donasyon ng mayayamang negosyanteng nakatira sa Royal Hills at kasali na ang lupang kinatatayuan ng aming bahay. Balita ko'y madami naman din daw kasing mababait na nakatira doon lalo na yung pamilya ng Alegre at Lopez.

Sa katunayan, nakakuha nga ako ng scholarship mula sa Alegre Foundation e! kaya sa darating na pasukan, dun ako mag aaral sa isang mamahalin at sikat na school! Yung HANS University. Nung nalaman ko nga yun ay nagdalawang isip pa ako! Syempre naman! Magiging kaklse ko ay mga anak ng senador, artista, negosyante o diba??? Sabagay negosyante din naman magulang ko a! may tindahan kami! Haha

Maya maya'y pinikit ko na ang aking mga mata at natulog kahit alam kong madaling araw na. sus parang di nyo naman ginagawa yun!


FALL. FALLING. FALLENWhere stories live. Discover now