Stay Home, #ReadTogether

23.8K 707 66
                                    


Hello Wattpadders,

Magkakasama tayong humaharap ngayon sa isang pandaigdigang hamon sa ating kalusugan, COVID-19, na nakaaapekto sa milyon-milyong tao -- ang ilan ay mas malubha ang dinaranas kaysa sa iba. Mula sa advice ng the World Health Organization , lahat ng mga indibidwal sa mga apektadong bansa ay hinihikayat na isagawa ang social distancing, at ang iba pang hakbang, upang maiwasan ang patuloy na paglaganap ng virus.

Dito sa Wattpad, hinihikayat at pinaaalalahanan namin ang 80-milyong bumubuo sa ating community ng mga mambabasa at manunulat na manatili sa kani-kanilang tahanan at maging ligtas laban sa COVID-19. Sinusubok tayo ng panahong ito at ang bawat isa ay isinasaayos ang anumang posibleng kaharapin natin sa mga susunod pang linggo (o buwan).

Hindi natin alam kung ano pa ang mangyayari, ngunit ang aming commitment sa iyo at ang aming misyong mag-entertain at ipagbuklod ang buong mundo sa pamamagitan ng mga kuwento ay hindi magbabago. Sinisiguro namin sa iyo na mananatili ang Wattpad bilang isang natatanging lugar na makapagkokonekta sa mga mambabasa at manunulat saan mang panig ng mundo, mula sa ating tahanan.

Kaugnay nito, ang aming hangarin ay hindi ang mawalan ng pakialam sa kinahaharap natin ngayon, kundi, higit na mabigyan ng pansin, sa kabila ng ating pagkakalayo, ang mga kuwentong makapagbibigay sa atin ng ginhawa, aliw, at pakiramdam na hindi tayo nag-iisa. Nalaman namin mula sa ating community na naghahanap ka ng kaayusan, suporta at pampalakas ng loob habang ibinabagay mo ang iyong sarili sa mga pagbabago sa mga normal mong ginagawa.

Iniimbitahan ka namin sa #ReadTogether sa Wattpad, bilang isang lugar kung saan maaari kang panandaliang makatakas sa mga alalahanin at makahanap ng ginhawa sa iba't ibang mundo sa mga kuwento. Hangad naming mahanap mo ang ginhawa, community at mga rason upang maging positibo habang ikaw ay lumalaban, mula sa iyong tahanan.

Sa mga darating na linggo, magpapakilala kami ng mga bagong paraan kung paano ka makatutuklas at maaaliw sa iba-ibang kuwento sa ating platform, makapag-explore ng mga bagong mundo, at maka-konekta nang virtually sa ibang miyembro ng ating community.

Please stay safe.

All the best,

Ang Wattpad Team.

#ReadTogether #HomeTogether

Note:

Dahil bawat araw ay may bagong impormasyon tungkol sa COVID-19, mahalagang ugaliin nating ihiwalay ang fact mula sa fiction. Upang malaman ang pinakabago at lehitimong mga impormasyon, maaari mong bisitahin ang World Health Organization at ang Centers for Disease Control.

Alam naming ang pagiging online sa ganitong panahon ay maaaring maging kapaki-pakinabang, o makadulot ng pagkalito, kaya narito ang ilang mga mapagkukunan ng impormasyon: Counseling and Prevention Resources and Wattpad Safety Portal: Taking Care of Yourself na makatutulong sa iyo.



News and UpdatesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon