Paano kapag nakipag-ugnayan sa akin ang Publisher?

664 12 0
                                    

Paano kapag nakipag-ugnayan sa akin ang Publisher?

    Habang ang mga manunulat ay nagkakaroon ng mga magagandang komento sa kanilang mga kuwento, maraming literary agents at publishing houses ang nakapapansin ng mga kuwentong ibinabahagi nila sa Wattpad. Ang guide na ito ay maaaring makatulong sa manunulat kung sakaling mayroong makipag-ugnayan sa kanila sa Wattpad.

    Palagi naming hinihikayat ang mga manunulat na gumawa ng kinakailangang pananaliksik kapag may isang taong nakipag-ugnayan sa kanila, na nagsasabing ang mga ito ay agent, editor o publisher. Makipag-usap sa mga dati at kasalukuyang kliyente at siguruhing nabasa nang maigi ang lahat bago pumirma ng kung anuman.

Mga Tips sa Pananaliksik ng Publisher o Agent

1. Bisitahin ang Industry Insider sa Wattpad. I-post ang inyong mga tanong at ang ating Wattpad community members ay makatutulong sa pagpapayo tungkol sa mga legal na usapin na may kinalaman sa mga publishing houses, kung paano makahanap ng agent at iba pang mahahalagang tanong na may kinalaman dito.

2. Maraming mga Wattpad authors na nakakuha ng professional publishing deals, gaya nina Anna Todd (@imaginator1D) at Natasha Preston (@NatashaPreston) ang tumanggap ng mga deals na makapagbibigay pa rin sa kanila ng kakayahang mapanatili ang buong akda sa Wattpad. Mayroong mga benepisyo sa pagpapanatili ng buong akda sa Wattpad, kahit na mayroon pang book deal, kaya mahalagang mapag-usapan din ito ng manunulat at ng mga mga possible publishers. Kung may kailangang tulong, makipag-ugnayan lamang sa Wattpad employee na maaaring magpaliwanag sa mga publishers kung bakit dapat manatili sa Wattpad ang iyong akda.

3. Magsagawa ng Internet search ng mga publishing house/agency at tingnan kung may mga lalabas na kahina-hinalang impormasyon tungkol sa kanila.

4. Bisitahin ang opisyal na site ng publishing house o literary agent. Karamihan sa mga propesyunal na literary agents at lahat ng mga publishing houses ay dapat mayroong websites na mabibisita at masasaliksik ng mga manunulat.

5.Tignan kung ang agent/house ay mayroong kaugnayan o partnerships sa mga malalaking kompanya (hal. Amazon). Kung mayroon, tawagan o i-email ang kanilang partners at itanong kung may kumpiyansa ba silang irekomenda ang agent/house.

6. Maging maingat kung sakaling may magbigay ng paunang bayad o mag-alok ng incentives gaya ng advanced royalties o pangakong magiging 'mayaman' kung ibibigay mo sa kanila ang iyong mga akda.

7. Siguruhing naintindihan nang mabuti ang proseso ng agent o ng publishing house at ang kanilang terms of agreement. Kasama na, ngunit hindi limitado rito, ang copyright, mga karapatan sa pamamahagi, atbp. Kung kinakailangan, manghingi ng legal na payo. Magbasa lagi nang maging bukas sa mga karapatang kailangang panatilihin at kung ano ang ibinibigay mo sa publisher.

8. Huwag matakot magtanong nang marami. Kung ang publisher ay credible at may magandang interes sa pakikipagtrabaho sa iyo, wala dapat silang problemang sa pagsagot ng lahat ng iyong katanungan.

9. Kung may nakipag-ugnayan na ang pananaw ay hindi pareho ng iyo o nagbibigay ng hindi makatarungang alok, huwag ma-pressure na pumirma ng kahit ano. Intindihin na maraming publishers at agents ang gumagamit ng Wattpad para makahanap ng mga bagong talento. Do not sell yourself short.

10. Huwag mag-alinlangang kontakin kami kung hindi ka sigurado sa kredibilidad ng publishing agent o house. Kaya naming kumpirmahin kung ito (kung ang publisher o agent) ay legal at kayang makipagtrabaho sa iyo sa marketing ng iyong Wattpad story sa mga mambabasa.

News and UpdatesWhere stories live. Discover now