'There's a missing puzzle piece.. but what is it?'

Lugmok siyang naglakad papunta sa ospital habang nakapamulsa. Hindi na niya pinansin ang pagkabigla ng hepe nang makita ang nayuping hood ng kanilang sasakyan.

"D-Detective Yukishito, you'll have to pay for this damage!"

Nico ignored him. Siguradong maghi-hysterical na naman ang Uncle X niya kapag nalaman niya ang tungkol dito. They can just deduct it from his salary for all he cares!

Nang ilang metro na lang ang layo niya sa ospital, natanaw ni Nico ang paglabas ni Dr. Dela Vega mula sa harapan ng gusali. Hindi na siya nagdalawang-isip at nilapitan ito.

"Dr. Dela Vega? I'm Detective Yukishito."

Pagod namang ngumiti sa kanya ang doktor. Kanina pa dapat ito nakauwi, pero dahil sa banta ng arsonist, kinailangan pa nitong maghintay ng go signal kay Inspector Ortega.

"Ah, oo. Ikaw 'yong may hawak ng kaso ng Robinhood Arsonist.. nasabi na sa'kin kanina ni inspector." The heart surgeon sighed, "Natatakot pa rin ako, hijo. I have a thirteen year old daughter, and my wife's at her parent's funeral in the province. H-Hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling..."

Hindi na nito kailangan pang ituloy ang sasabihin. Detective Nico handed him his calling card. "Just in case something suspicious happens, contact me right away. We'll catch that bastard arsonist."

"Salamat, Detective Yukishito."

At nagpaalam na ang doktor na kailangan na niyang umuwi. Walang-ganang pinanood ni Nico ang pagsakay nito sa kanyang kotse. He watched as the sleek black car drove off into the main road. Kasabay nito, nagsi-alisan na rin ang mga police vehicles sa pangunguna ni Inspector Ortega.

Napabuntong-hininga na lang si Nico at naupo sa tapat ng ospital. He sat alone on the stone steps and buried his face in his hands.

'I can't believe I messed up.'

Hindi dumating ang arsonist. Anong mali sa mga deductions niya? Posible kayang hindi si Dr. Dela Vega ang target ni Robinhood Arsonist?

"Sino bang nagsabing madaling maging detective?" Nico muttered to himself and shook his head in dismay.

"Hindi naman talaga madaling maging detective. Pero kung may dedikasyon ka talaga sa trabaho mo, hindi mo na maiisip 'yong hirap."

Mula sa gilid ng kanyang mga mata, napansin niyang umupo sa kanyang tabi ang isang nurse. Nang lingunin niya ito, agad niya itong namukhaan. The last time he saw her, she was either as pale as a ghost, on the verge of death, or on a hospital bed.

"Ikaw yung muntik nang mapatay ni Cassio noon, 'di ba?"

She smiled shyly, "Ah, o-opo.. Minnesota Gervacio. Sorry, feeling close ako. I-I just thought you might need this."

To Nico's surprise, Minnesota handed her a cup of coffee. Masyado nang pagod si Nico para tumanggi o magkumento, kaya tinanggap na lang niya ito. Baka makatulong pa ito sa sakit ng ulo niya. Walang imik siyang humigop ng kape at tumitig sa kawalan. Nakaupo pa rin sa kanyang tabi ang nurse na mukhang nahihiya pa rin sa presensiya niya.

Finally, Minnesota spoke again.

"Hindi niyo nahuli ang arsonist?"

'Is it that obvious?'

Imbes na sagutin ang kanyamg tanong---dahil hanggang ngayon, nahihirapan pa rin siyang tanggapin ang katotohanang pumalpak siya---marahang tumango si Nico. It's a good thing Minnesota didn't mind his lack of verbal response.

"Nasaan pala si Detective Nova?"

"She's... busy."

"Hindi na naman kayo nagkasundo?"

"...."

Kalaunan, ngumiti na lang ang dalaga at tumingin sa kalangitan.

"When you saved me from the Heartless Killer before, I knew I could count on you.. both of you, Detective Yukishito. Kung hindi dahil sa inyo ni Detective Nova, malamang baka dumagdag na ako sa bilang ng mga napatay ni Heartless Killer. Alam kong medyo cliché ito, pero 'two heads are better than one', right?"

Napatingin si Nico kay Minnesota. Pero bago pa man siya makapagsalita, naglalakad na siya papalayo, bitbit ang bag nito. Huminga nang malalim ang detective at humigop muli ng mainit na kape. His nerves calmed down a bit.

'And maybe she's right.'

Kasabay nito, biglang tumunog ang notification tone ng cellphone ni Nico. Nang mabasa niya ang text message, he managed a small smile.

"Speaking of the devil.."

---

✔ 02 | Flames Of Madness [Soon To Be Published Under PSICOM]Where stories live. Discover now