Click!

Soon, the door to the records room of the Eastwood Fire Department opened. Agad na itinulak ng janitor ang dala-dala niyang cart at isinara ang pinto nang tuluyan na siyang makapasok sa loob.

Mabilis niyang kinapa ang lightswitch. The moment the lights flickered on, Detective Briannova Carlos took off her cap and let her long pink hair fall on her shoulders. Napabuntong-hininga siya. "Gosh! Akala ko talaga makakahalata silang hindi araw ng basura ngayon."

Kasabay nito, biglang bumukas ang malaking drum at lumabas mula roon si Atty. Lelouch San Andres. Pinagpag niya ang damit at ngumisi sa dalaga, "I guess those magazine editors weren't kidding when they called you the 'Mistress of Disguise'."

"You have no idea."

She had to be careful. Maging ang kanyang cellphone, kanina pa nakapatay. She wouldn't want someone interrupting her, would she?

"It's awkard talking to you when you look like an old man, sweetheart." Pinipigilang matawa ni Lelouch.

Umirap na lang ang dalaga.

Nova walked towards a nearby file cabinet and started scanning through its contents. Ginaya siya ng binata at sinimulan na ring maghanap sa records na nakasilid sa iba pang mga drawer. Kasalukuyang sinisilip ni Nova ang taon ng mga files nang biglang nagsalita ang abogado.

"As much as I want to spend time with you, but shouldn't your emotionless partner be helping us?"

Kamuntikan nang mabitawan ni Nova ang hawak niyang folder. Huminga siya nang malalim at kalmadong sumagot, "Detective Yukishito is busy with the ambush. Kasama niya sina Inspector Ortega at ang Eastwood police para hulihin ang Robinhood Arsonist."

Sa gilid ng kanyang mga mata, napansin ni Nova ang pagkunot ng noo ni Lelouch. "Bakit hindi ka sumama sa kanila? It's your case---"

"It's Nico's case. Kaya na niya 'yon."

At hindi na muling umimik pa si Nova. Naramdaman rin siguro ni Lelouch na ayaw na niyang pag-usapan pa ang tungkol doon, kaya hindi na siya nagtanong. Nova's sharp eyes focused on the task at hand. Kung tutuusin, bale-wala na itong ginagawa niya. Kung mahuhuli nga nina Detective Nico ang Robinhood Arsonist ngayong gabi, ibig sabihin lang nito ay hindi na kailangan pang ungkatin ni Nova ang kanyang nakaraan. It will be a "case closed" and they could all go home and get a good night's sleep.

But something is still nagging at the back of her head. Iba ang sinasabi ng kanyang instincts.

'Pero ano naman ang koneksyon ng nangyaring sunog 14 years ago kay Robinhood Arsonist?'

Finally, Nova saw what she was looking for.

Agad niyang ipinatong sa isang desk ang folder at tinitigan ang mga larawang kuha noong naganap ang sunog. Napangiwi pa ang dalaga nang makita ang sunog na katawan ng dati nilang kapitbahay na arsonist. Ngayon lang niya napag-alamang Arnold Cabrera pala ang pangalan nito.

She silently cursed under her breath when she noticed something...

"Dying position."

"What do you mean?" Lumapit si Lelouch at nakitingin na rin sa litrato. Nanginginig na itinuro ni Nova ang bangkay. Naaalala niya ang sinabi ni Nico tungkol dito.

"Ang unang indikasyon kung aksidente ba o hindi ang isang sunog ay ang 'dying position' ng nasunog na bangkay ng biktima. Kung sinadya niya ang sunog para magpakamatay siya, dapat nakaupo lang siya sa isang tabi o nakahiga nang nakalapat ang likod sa sahig. If he really started the fire to commit suicide and burn himself alive, dapat hindi ganito ang position niya nang mamatay siya!"

The burned corpse was crawling out towards the locked window.

Para bang sinusubukan niyang tumakas sa nasusunog na apartment.

Ang ibig sabihin lang nito ay hindi niya ginustong mamatay---at posibleng hindi siya ang may gawa ng apoy na 'yon.

Someone else burned the apartment.

'Mukhang may valid reason si Nico para magalit sa Eastwood police.. hindi nila napansin ang detalyeng 'to!' then again, fourteen years ago, there were no competent detectives to assist the police. Ngayon lang naglipana ang mga detective agencies tulad ng SHADOW at DEATH. Huminga nang malalim si Nova.

This case is crazier than it seems.

Lalo na noong binasa ni Atty. Lelouch ang history ni Arnold Cabrera at itinuro sa kanya ang isang mahalagang impormasyon..

"It looks like Mr. Cabrera adopted a kid, Nova. Nakalagay dito na may inampon siyang bata sa Genesis orphanage, ilang buwan lang bago masunog ang apartment niya. Ang pangalan ng batang inampon niya ay 'Macky'."

---

✔ 02 | Flames Of Madness [Soon To Be Published Under PSICOM]Where stories live. Discover now