22. You're Killing Me

Start from the beginning
                                    

Gaya nga ng parati kong sinasabi ay hindi ako dito parating dumadaan kasi malayo nga ito sa building na ginagamit namin. I took the televator, pumasok na naman sa isipan ko yung gabing nalasing ako. Luke sent me a picture the day after na pareho kaming dumaan dito pauwi. I'm still clueless sa kung paano kami napunta sa school at kung bakit ganun na ang itsura ko sa litrato. I also don't wanna ask, every time kasi na ino-open up ko yung topic ay tanging ngisi lang ang sagot ni Luke sakin sabay sabi ng "wala". WALA, MY ASS. HEH!

Habang nagmu-muni-muni ako sa walkway patungong uni hospital ay bigla kong naalala si Luke. Isang linggo na rin itong dito nagd-duty. Wala na akong gaanong balita sakaniya dahil nga ay masiyado na itong abala... both on his thesis and his internship. Ni hindi ko nga alam kung andito ba siya ngayon o mamaya pa yung shift niya. But nevermind about him, marami din akong pinagkakaabalahan kagaya nalang ng final presentation namin for a major subject this sem.

Yes, that's right! Kakasimula palang ng sem ay may pa-final presentation eme na yung isang prof namin. And you know what's worst? I was assigned to be a leader of a group kasi nga Sir Tony spoke highly of me. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako aabutin ng kilig sa pagpu-puri ng Sir Tony, mukhang habang patagal nang patagal ay mas lalo akong nahihirapan dahil dito. Pero wala na akong magawa, andito na eh. Aarte pa ba ako?

Napag-desisyunan kong dumaan muna sa isang convenience store malapit sa hospital. As usual, ay mga medical professionals and interns ang laman neto kesa sa mga university students pero hindi naman ito exclusive sakanila kaya't pwede parin kami dun.

Anong oras na ba?

Mag-aalas dose na rin pala. And the last thing that I ate was Lilith's banana pancakes earlier this morning. Himala nga at nagkasabay pa kaming kumain ng breakfast ng isang yun bago ito naunang pumasok. I wasn't really hungry but I think ay kailangan ding magkalaman ng tiyan ko lalong-lalo na't three hours ang lecture sa major subject na papasukan ko ngayong araw.

I decided to order chicken nuggets and a slurpee. Hindi talaga ako fan ng ready-made foods na nabibili sa convenient stores kasi feeling ko ay kumakain lang ako ng plastic pero may mga times naman na masarap yung lasa ng mga pagkaing yun... Lalo na kung gutom na gutom na ako, wala nang plastic plastic dun. LAHAT AY PAGKAIN NA.

I settled on the farthest table, kung saan malapit sa basurahan para wala nang tumabi sa akin. Ayoko kasi yung may nakikipag-share sa upuan ko kasi ang awkward ko talaga sa mga taong hindi ko kilala. To pass time, I also chose to browse my phone. Wala naman masiyadong balita... Or that's what I thought.

Kasi biglang nahagip ng isang post sa confession page ng school namin ang atensyon ko. Remember that page? Yung kahit na napaka-pointless nang pinagpo-post dun ay di ko parin magawang ma-unfollow dahil naaliw ako dun for unknown reasons. Well today is definitely another story because I'm not amused at all.

Written in all caps was this confession:

HI. HINDI AKO STUDENT NG SCHOOL NA ITO BUT I JUST WANNA CONFESS SOMETHING. DUMAAN AKO SA UNI HOSPITAL NIYO DAHIL DITO NAGT-TRABAHO ANG MOM KO AS A NURSE NANG MAY NAKITA AKONG SOBRANG POGING INTERN NA NAKATAMBAY SA CONVENIENCE STORE MALAPIT SA HOSPITAL. MAG-ISA LANG SIYANG KUMAKAIN DUN SO I ASKED IF I COULD JOIN HIM. SOBRANG GWAPO NIYA! AND ANG CUTE PA PAG NGUMINGITI SIYA KASI MAS LALONG NANLILIIT YUNG MGA MATA NIYA. HINDI KO MABASA YUNG NAMEPLATE NIYA KASI NATATAKPAN NUNG STRAP NG BAG NIYA BUT I KNEW NA MT STUDENT SIYA DAHIL SA ID LANYARD NITO. SOBRANG BAIT NIYA AT ANG SAYA PANG KAUSAP, HE DEFINITELY KNOWS HOW TO KEEP A CONVERSATION GOING. ANG POLITE PA NIYA NUNG NAG-PAPAALAM SIYANG KAILANGAN NA NIYANG BUMALIK SA LOOB NG LAB. I TOLD HIM IF HE'S UP TO HANGING OUT AND HE SMILED AND NODDED, SO I ASSUMED THAT IT'S A YES. KUNG MAY NAKAKAKILALA SAKANIYA, CAN YOU PLEASE TAG HIM? I'M FAYE ALMENDRAS.

To Meet In The Middle (Meet Series 1)Where stories live. Discover now