22. You're Killing Me

1.9K 99 154
                                    

Luke and Clementine.

Ilang buwan na ba kaming magkaibigan nitong lalaking ito? Nine months? Going ten? Ang tagal na pala diba. Pero sa loob ng panahong iyon ay wala pa akong naaalalang pinagtalunan namin ng sobra. I mean we always argue (a lot!) pero hindi umaabot sa point na pareho kaming nabadtrip, na pareho kaming nagalit kasi halos lahat ng di namin pagkakaintindihan ay parating nauuwi lang sa tawanan. The worst fight that we had was when we were arguing about HIMYM on our living room. And that felt like years ago already! KASI NGA BIRUAN LANG ANG LAHAT NG IYON.

So who could have thought that one fateful day, weeks after our crying session on my couch, ay mauuwi kami dito ni Luciano? I wasn't expecting it... And I know that he also didn't see it coming. But what can I say? Mahirap pala pag halos marami kayong pagkakatulad ng kaibigan mo, at first it was cute kasi magkatulad kayong mag-isip but it can also be very vital lalo na pag dumating na kayo sa crucial part ng pagkakaibigan niyo which is very... very challenging, ang magpataasan ng pride!

Ako alam ko na sa sarili ko na sing taas ng Mt. Everest ang pride ko (I'm definitely not proud of it) but I can't do anything about it. It comes with me and it will always be. Kaya nga pinaka-nagtataka ako na ang isang Luke Mariano... Ang taong parati kong pinagmamalaki dahil sa selflessness na tinataglay niya ay may tinatago palang pride sa katawan niya.

Maaga akong papasok ngayon sa paaralan because I have to meet up with a classmate. Nanghiram kasi siya ng notes sakin last week at ilang beses ko na itong kinukulit na isauli na sa akin, mahirap pa naman itong hagilapin dahil irreg student ito at halos isang beses sa isang linggo lang kami nagkikita. Mabuti na nga lang at nakapag-reply na ito sakin kahapon at sinabi niyang makipagkita ako sakaniya sa main gate ng school para mabigay na niya sakin yung notes ko. Honestly, I was kind of pissed.

It was the first time na nagmagandang-loob akong magpahiram ng notes, tas yun pa ang makukuha kong sukli? Wala parin kasi akong mga kaibigan sa kasalukuyan kong block at ganun din siya kaya naisip kong tulungan ito since irreg student nga ito, malamang ay mahirap sakaniyang magbalanse ng oras. But hah. Jokes on you, Clementine Rivera kasi ikaw lang din yung kawawa. Mabuti nalang talaga at maibabalik na sakin yung notebook kong iyon ngayon.

Malayo-layo ang lalakarin ko ngayon mula apartment dahil nga sa main gate kami magkikita nung babaeng yun. I even forgot her name yung last name niya lang ang alam ko, magkasunod kami sa attendance kaya alam kong siya si Ramos. Ni hindi nga naka-save yung number niya sa phone ko eh! Hindi ko parin talaga alam kung bakit ako biglang sinaniban ng mabuting espiritu nung araw na yun.

"Rivera!"

Agad akong napalingon sa waiting shed at nakita si Ramos na nakatayo dun. As usual ay hindi na naman niya suot ang proper uniform at dala-dala niya lang ang maliit na backpack habang winawagayway sa ere ang Green Apple notebook ko. I rolled my eyes as I crossed the street. Agad ko itong nilapitan at tipid na nginisihan. "Long time no see." Walang gana kong bati. Hindi na ako naghintay pa at agad na binawi ang notebook sakaniya.

Mukhang pinaglihi naman ito sa kamanhiran kasi hindi man lang nakaramdam sa na naiinis na ako kaya mas lalo lang akong nainis dahil dito.

"Alis na ako. May minor subject pa ako. Thanks!" She smiled widely before entering the main gate na parang wala siyang nagawang kasalanan sa akin.

I groaned.

Wala na din naman akong magawa. It was my fault, ako din naman yung nagpahiram ng notes sadyang di lang talaga marunong tumanaw ng utang na loob si Ramos.

I fished my phone from my pocket to check the time. Good, isang oras pa bago ang first class ko kaya napagpasyahan kong dito nalang pumasok sa main gate. Andito na naman ako diba?

To Meet In The Middle (Meet Series 1)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें