✨1.10 :Intense✨

Začít od začátku
                                    

Tensyon.

Kaba.

Takot.

"Reed, hindi lang siya kung sino-sinong lalaki. Sabi niya sa akin, kababata niya raw tayo. He's a friend! At wala kang karapatan para suntukin siya! Ano bang problema mo?"

Nagulat na lang ako nang biglang hawakan ni Jedidiah ang kamay ko at hinigit ako para mas mapalapit sa kanya. Dang, Jed. Wrong move. Hindi ko alam kung bakit pero may pakiramdam akong mas lalong mag-iinit ang ulo ni kuya.

"Jed, bitawan mo ako." Bulong ko sa katabi ko. Pero hindi niya ako pinansin at nagbabato din ng mga matatalim na tingin doon sa isa.

"Jedidiah..."

My god. Ano ba namang itong mga lalaking 'to! Naghahanap ba talaga silang dalawa ng away?!

Mukhang hindi ko na kailangang maghintay nang matagal para lang makita ang reaksyon ng kuya ko sa ginawang 'yon ni Jed dahil sa dalawang mabibilis na pag-apak ay mayabang niyang inilagay ang sarili niya sa gitna naming dalawa ni Jed at itinulak ang kaibigan ko papalayo sa akin.

"You're holding the hand of what's mine. Do you really want to die?"

Sa gitna ng tensyong nangyayari ay parang may gyerang namuo sa loob ko kung ano nga ba ang dapat na maramdaman sa sinabi niya. Minsan kasi, may mga sinasabi at ginagawa si Reed na nakakainis pero hindi mo magawa dahil tinutunaw niya lagi ang lahat sa'yo. At shit! Ang unfair no'n!

"Lagi mo na lang 'yan sinasabi, pare. Bakit hindi mo matuloy? Tutal pag nakulong ka, ayos lang naman 'di ba? Sanay ka naman na."

Hindi pa nga nagsi-sink in sa akin ang sinabi ni Jed nang bigla na lang siyang kwelyuhan ng kuya ko. Napasugod tuloy ako bigla sa gitna nilang dalawa at hinigit ang braso ng kapatid ko. Shit! "Tama na, ano ba. Lika na, uwi na tayo." I need to get him away from Jed! Ugh! Focus, Savannah! Dalian mo at ilayo 'yang kapatid mo kay Jed at baka ano pang magawa niyan! At isa pa itong si Jed! Hindi pa rin nawawala ang mayabang na ngisi sa mukha niya! Ano bang plano niya? I-provoke si Reed?!

"Sa'yo siya? Kailan pa? Ang huling pagkakatanda ko ay sa akin siya."

Napahinto ako sa paghihila kay Reed at napatingin kay Jed. Hindi siya sa akin makatingin. Tinatawanan niya kaming dalawa ni kuya. Anong pinagsasabi niya?

"What?!" Nang hindi nila akong pinansing dalawa ay umiling na lang ako. Bahala sila. Wala akong maintindihan sa mga pinagsasabi nila. Ang alam ko lang ay kailangan ko nang mapilit itong si Reed na bumalik na sa kotse at umuwi na. Baka kung hindi ko pa maagapan ito ay baka magsuntukan na lang sila bigla bigla.

I didn't have any idea kung bakit sila nagkakaganito but the intense feeling na nararamdaman ko sa kanilang dalawa, na para bang sobrang laki ng galit nila sa isa't isa ay sapat na para matakot ako sa mga pwede nilang gawin kung hindi ako papagitna.

"Reed, halika na nga. Jed, salamat sa alok mo. But I think we need to go home, sige sa susunod na lang. Sorry ulit."

Narinig kong huminga nang malalim si Reed at matigas na nagsalita. "What did you say?" Akala ko ako ang kausap niya kaya naman halos tumalon ang puso ko sa nerbyos nang mapatingin ako sa kanya. "S-sabi ko uwi na tayo," tahimik kong bulong. Pero, hindi niya ako pinansin at tumagos ang tingin niya kay Jed.

"Narinig mo ang sinabi ko, pare. Kung natatandaan pa ni Savannah ang lahat, siya mismo ang magsasabi sa'yo na kasalanan mo ang lahat kung bakit kami naghiwalay. Hindi naging sa'yo ang kapatid mo kahit kalian, pare. 'Wag mong angkinin ang hindi mo pag-aari."

VINCENT (Book 1 of 2) ↠ Amor Vincit Omnia (PUBLISHED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat