Joyce's Point of view
Hindi mawala sa isipan ko ang nangyari, fresh pa rin sa isip ko yung mga nangyari. Ayoko na, suko na 'ko.
I want to go on my mom's province, I want to live on that place, I want freedom in short.
The door's knocking..
"Hey baby? Sorry for what I did before, please open the door"
Agad ko itong binuksan, niyakap agad ako ni mama na para bang siya yung nakaramdam.
"M-mommy I saw you on our kitchen earlier but when I went on your room, I saw you again and mahimbing ang tulog mo"
My mom shock. Nagulat siya sa sinabi ko kaya napabitaw siya sa pagyakap sa'kin. She hold my two arms.
"Pumunta ka na kaya sa province ko?"
"Siguro nga mom, nakapag impake na rin ako dito, look!"
Tinuro ko ang bag kung saan naka puwesto iyon. Napangiti siya.
"Oh nice baby, si steve kaya? For sure naka impake na rin 'yon"
"I don't think so, by the way mom, how many days were gonna still there?"
"I think 2 months baby, why?"
Hindi na ako nagsalita pa.
"Don't nervous mababait sila nanay mersy, but don't forget their names okay?"
"Mom, nakailang kuwento ka na kaya sa buhay mo noong bata ka pa, kaya kabisado ko na lahat"
She laughed.
"Si lola mersy at si lolo renald, the sounds like ronald" tugon ko.
"Oh alam mo na gagawin mo don baby? Aalagaan mo lang si--"
"Aalagaan? You said yesterday na babantayan" tumawa 'tong si mama.
"Magkaparehas lang 'yon, spell lang nagkaiba diyos ko!" Sabay tawa ulit and she hug me, randam ko ang init ng katawan ni mama, alam kong nag aalangan siya. "Ops I forgot, hindi lang naman kayo ang nandon magkapatid, andon yung iba mong pinsan"
Napahiyaw ako sa tuwa, really? Matagal na rin kasi kaming 'di nagbabonding! Oh god!!
"Oo anak, andon ang anak ng tita mo gladys, tito Ivan mo atsaka tita linda mo"
"Really mom? OMG excited na 'kong magsama sama kami ulit" tuwang sabi ko.
"Yep pero ito ah, 'wag masydong lalapit sa kuya paulo mo"
Napakunot noo ko, bakit kaya? Hay nako. Anak siya ni tito Ivan.
"Why mom? Mabait naman si kuya paulo ah, siya nga pinakaclose ni steve sa lahat ng pinsan namin dahil ka vibes niya 'yon kahit 22 na si kuya paulo"
"Oh basta, tandaan mo yung mga sinabi ko ah" tumango na lamang ako "magbihis ka na at mauna na kayong dalawa roon dahil bukas pa dadating yung mga pinsan mo"
Lumabas si mama sa kuwarto ko at ako naman ay napaupo sa kama ko.
Nakakapag taka kung ba't kami pinapalayo ni mama kay kuya paulo? Ang bait bait naman ni kuya paulo.
--
"Dad aalis na po kami, busy ka na lang lagi sa work mo" tugon ko.
Napahinto si daddy at tumingin ng diretso sa'kin.
"Sorry anak, pero tara na? Ako maghahatid sainyo sa airport e"
Natuwa ako dahil si dad pala ang mag hahatid sa'min ni steve sa airport. Ibig sabihin naka kuwa agad sila ng ticket papunta roon?
