Chapter 7

70 7 0
                                    

DISCLAIMER: PHOTOS ARE NOT MINE, TWEETS ARE EDITED AND THE PLOT IS PURELY FICTIONAL. ALL LITERARY WORKS ARE MINE. PLAGIARISM IS A CRIME!

Chapter 7 : Oh shoot

"AND then? Anong nangyari?" halos sabay-sabay na tanong nina Ate Dani, Ate Shani, Mara at Yani. Nakavideo call kasi kami at syempre, ang topic ay 'yong nagyari kanina.

Kung paano nila nalaman ay hindi ko alam. But I have a guess, it's ate Dani. Hindi malabong ikwento sa kanya ni Tita Doc ang mga pangyayari kanina. Agad ko tuloy naalala ang senaryo na iyon sa labas ng clinic.

"Justin.." halos pabulong na ang pagtawag ko sa kanyang iyon sa sobrang kaba ko. Hindi na nga ako makahinga ng maayos sa sobrang nerbyos, eh!

Narinig ko ang mga hakbang niya palapit sa akin, hanggang sa naramdaman na ang ang mga malalalim niyang hininga sa may gilid ko. Buti na lang at medyo tago itong clinic ni Tita Doc.

He let out another deep sigh. "Nana.." One word. Just one word and he made me feel nostalgic. He reminded me of the good old days, back when I was still in pre-school. He reminded me of how I felt for him. He made me feel that again.

Parang may kung anong tumalon sa puso ko nang marealize ko na naalala niya ako. Kilala niya ako, damn it! Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot dahil doon.

Should I be happy because after all this time, I actually have a chance? Or should I be sad because I have the chance but he is way too impossible?

"Tintin." Pinigilan ko ang paggaralgal ng aking boses pero hindi ko mapigilan. Tears started to form in the corners of my eyes. Kahit hirap ay sinubukan ko pa ring harapin siya.

Parang nadurog ang puso ko nang makita ang ang inosente niyang mukha. Gulat siyang nakatingin sa akin, bahagyang nakanganga na parang hindi niya inaasahan ang mga pangyayari.

Lalo pang nanikip ang dibdib ko nang may isang patak ng luhang tumulo sa kanyang pisngi.

Is this even real or is fate playing with me again? Akala ko ba hindi niya ako kilala? Diba hindi niya ako pinapansin? No, panaginip lang 'to. This is too impossible. Gisingin niyo na ako kasi hindi na ako naniniwala sa-

"Nana.. Ako 'to." Tuluyan nang pumatak ang mga luha ko. No matter how much I tried to convince myself that this isn't real, siya naman ang nagpapatunay na totoo 'to. Damn it, this is for real!

The First Poem (StoryBook19 Series #1)Where stories live. Discover now