Chapter 2

83 8 1
                                    

DISCLAIMER: PHOTOS ARE NOT MINE, TWEETS ARE EDITED AND THE PLOT IS PURELY FICTIONAL. ALL LITERARY WORKS ARE MINE. PLAGIARISM IS A CRIME!

Chapter 2 : Nana

"GOOD afternoon, Ms. Legarda. My name is Julian." Julian? Magalang siyang ngumiti atsaka nakipagkamay muli. Mr. Julian is in his formal attire. Saan kaya siya nagt-trabaho? Is he an applicant? "I'm from Sun Life. A financial advisor."

Oh. "May kailangan po ba kayo from the company? Or may ipapahatid po ba kayo sa CEO?" I asked politely. Weird. Usually kasi kapag about business ay si Mama ang hinahanap nila.

"No, no. Ikaw ang ipinunta ko rito." Napataas naman ang kilay ko sa kanyang sinabi. What does this man want from me?

Nanatili akong nakatingin sa kanya, hindi nagsasalita, kaya naman ay umubo siya ng bahagya at tumungo sa kanyang dalang mga folder. Nang may mailabas siyang envelope ay ibinaling niya ulit ang tingin sa akin.

"You see, I have this crazy brother of mine. " He started at iwinagayway ang envelope sa harap ko. "I don't know if he's busy or he's lazy... Or he's too shy to give you this himself."

Nang iabot niya sakin ang envelope ay agad ko itong sinuri. "What's this? An application letter?"

"I have no idea, miss. Klinaro niya sa akin na huwag na huwag ko raw buksan ito. He just gave me an address and your name." Bahagya siyang tumawa. "Do you know my brother?"

Hindi ako makapagsalita. Ni hindi ko nga ineexpect na may darating na sulat para sa akin, eh! "Uhm.. maybe? I'm not sure. Baka malaman ko once I saw what's inside."

"Well, hindi na ako makikialam sa business niyo ng kapatid ko. I'm running late for my work, nakiusap lang siya na ihatid ko ito rito." Ngumiti siya at nagsimula nang maglakad. "Bye, Ms. Legarda."

"Thank you po and sorry sa abala." Paalam ko atsaka pinanood ang kanyang paglabas.

Matapos noon ay dumiretso na ako sa 9th floor, kung nasaan ang working area namin. Isiningit ko muna ang envelope sa aking journal at nagpalamon muna sa trabaho.

WHEN the clock striked 8:45 PM ay nagpasya na akong umuwi. For 8 hours ay anim na chapter na ang aking na-edit. I decided na 50 chapters are enough for a get-to-know-me-well book kaya naman sinimulan ko nang i-edit. Alam kong ie-edit pa 'to pagkalampas kay papa pero tsineck ko na rin muna ang mga typos, grammar at content. Better safe than sorry.

"Looks like you're almost done, ate Reina ah!" Nginitian ko si Kallie na isang OJT sa aming company. "I'm sure your fans will be delighted to know if your book will get approved!"

"Nakaka-pressure naman 'yon, Kallie." I giggled as I fix my things. "What if hindi niyo magustuhan ang content? What if corny? What if-"

"Aish! You're so full of what-ifs ate." Sumimangot siya ng bahagya. "As fans, we should learn to be contented with what you have published kasi alam naman ng lahat na passion mo 'yan. Hayaan mo ang mga mambabash sayo, use their criticism to be better in writing. This your first time so 'wag silang magexpect ng sobrang perfect na release!" Lumapad ang ngiti ko dahil sa sinabi niya. She acts like she's more mature than me and I love that part of her.

The First Poem (StoryBook19 Series #1)Where stories live. Discover now