Chapter 5

73 7 1
                                    

DISCLAIMER: PHOTOS ARE NOT MINE, TWEETS ARE EDITED AND THE PLOT IS PURELY FICTIONAL. ALL LITERARY WORKS ARE MINE. PLAGIARISM IS A CRIME!

Chapter 5 : SB19's Justin de Dios?!

"REINA? She hang up?" Hindi ko namalayan ang pagdating nila ate Shani. Inabot niya sa sakin ang isang fresh buko na may straw.

Sumimsim muna ako ng kaunti. Ah, so fresh. "Oo eh, may gagawin daw siya." Nagkibit balikat ako.

"Sayang, magpapaalam pa naman sana ako, pauwi na kasi ako, eh." Tumayo na siya kaya naman sumunod ako sa kanya. Nakita ko sa may likuran ko 'yong Josh na kausap niya at isang lalaking nakasuot ng mask na medyo moreno at may katangkaran.

I suddenly remembered how Mara's eyes drifted at my back habang nagsasalita siya. Hindi kaya itong lalaking ito ang tinitingnan niya? Pero sino naman itong lalaking ito at nakilala niya?

Naramdaman ko ang mahinang pagtapik sa aking braso. "Earth to Reina! Aalis na raw si ate Shani." Si ate Dani pala. May hawak siyang red cup na may lamang kung ano.

"Bye, ate Shani!" Pagpapaalam ko. Hinatid namin siya roon sa may dalawang lalaki sa may bandang likuran ko kanina.

"Sayang naman, hindi ka nakapagpaalam kay Mara bago ka umalis." Pailing-iling na wika ni Yani pagkarating namin sa kinaroroonan ng dalawang lalaki.

Agad na nangunot ang noo ng kasama ni Josh at pinanliitan kami ng mata, pero agad namang nagsalita si ate Shani para iwaglit ang namumuong tensyon.

"Well, paano? Una na kami? Pakitanong na lang si Mara kung anong nangyari, at kung sumagot ulit, sabihin niyong nakauwi na ako. Chat chat na lang." Nakipagbeso siya sa akin at kumaway habang hila-hila ang dalawang lalaki palayo.

Silence ate our group as we watch ate Shani and the guys go. "So.." Yani was the first one to break the silence. "What really happened back there? Bakit bigla na lang pinatay ni Mara 'yong call?"

Marahan akong umiling. "Hindi ko talaga alam. Pinag-uusapan lang namin 'yong dapat siyang maghanap ng lalaki na madadala siya sa Maynila. Sabi niya wala siyang oras sa mga lalaki, tapos bigla na lang siyang nagpaalam."

"Hindi kaya dahil iyon sa tanong mo? Dahil doon sa pinag-uusapan niyo?" Tanong naman ni ate Dani.

Umiling ulit ako. "Nope. Hindi naman siya ganoon kababaw para mapikon ng ganoon kabilis. But I think I have an idea." Nagtaas sila ng kilay kaya huminga ako ng malalim. "There's someone at my back na tiningnan niya sa kalagitnaan ng pagsasalita niya. Napansin ko kasi na pagtingin niya sa likod ko, bigla na lang siyang nagpaalam."

Ang kaninang mukha na kanina ay nag-aalala ay napalitan ng pagtataka. Malamang ay iniisip din nila ang kung ano mang iniisip ko.

"May hindi sinasabi sa atin si Mara?" nangingiting tanong ni Yani. Sinubukan niya itong pigilan pero hindi niya magawa.

The First Poem (StoryBook19 Series #1)Where stories live. Discover now