Secret 1

11.2K 108 28
                                    

Para sa kaibigan kong si Eunice na binigyan ako ng maagang Christmas gift. Yay. I love you friend. Basahin ko pa bigay mong libro! — Neen

Guys, simula nong March 2, 2015 naging rank 1 ang Secretly Dating! at yan ay dahil sa suporta niyo sa storyang to! Maraming salamat po at sana suportahan niyo palagi para palaging rank #1 ang mga secrets ni ARYEN huehuehue!  God bless po sa inyong lahat at sanay marami kayong natutunan sa storyang to. Yun lang po. K bye.

______________

 "HI ARYEN. Papunta na ako sa Tadakuma."

Namilog ang mga mata ko nang mabasa ang text ni David. Naku! Wrong timing naman, oh. I check the time on my wristwatch and it's already five-forty, tapos nandito pa ako sa mall! Oh my gosh. May usapan kasi kami ni David na magkikita sa Tadakuma Restaurant at 6:00PM. Hindi ko naman akalain na maaga pala siyang dadating! I mean, dah, karamihan ata sa mga Pinoy ay laging late sa usapan. Hmnn, aminin! Kagaya ko ngayon.

Ang totoo nyan, hindi naman ako yong tipong laging late. Ako yong tipong nagagalit kapag nale-late! Okay lang sa akin na ako ang maunang dumating. Okay lang sa akin na ako ang maghintay, kahit ilang oras pa yan. Basta naman siguraduhin lang na dadating talaga. Hindi naman ako martyr na maghihintay lang sa wala. Teka, ba't ba ako napunta dyan? Anyway, hindi ako sanay na AKO ang hinihintay! Before the scheduled time kasi ako always. Wag kang umangal, ganyan talaga.

Eh ang nangyari, itong kaibigan kong si David, hindi ako inorient na nagbagong-buhay na pala siya. Aba, first time yata niya today na hindi siya late! Pwede ko na siyang bigyan ng jacket, you know! Haha. Wait, hindi ito ang tamang oras para tumawa ako. Male-late na ako sa usapan, my gosh! Tinapang gulay naman, oo. Chillax, expression ko lang yan.

"Hanapin mo na lang yong Tadakuma. Hintayin mo ako doon. Baka mauna ka pa." Reply ko naman sa text ni David. Sana okay ang trapik paglabas ko sa mall! Lagot talaga ako pag ganun.

"May pupuntahan ka pa ba after dito, Aryen?" Tanong sa akin ni kuya Grey. Bakas ang pag-aalala sa mga mata niya nang mag-angat ako ng mukha. Si kuya Griyego o Grey (para sossy daw pakinggan) ang dahilan kung bakit for the first time in forever ay male-late sa usapan si Aryen Dela Cerna. Oo, ako po si Aryen ano ka ba.

"Opo, kuya. May kikitain kasi akong kaibigan." Sabi ko sa kanya. Smile lang, para wagas. Si kuya Grey ay isa sa mga taong tinitingala ko as spiritual leader sa aming simbahan. Born again Christian nga pala ako. Single for the past six years, thank you, thank you.

Twenty-three years old na ako pero minsan asal teenager pa rin kung tingnan. Personality ko na kasi ang pagiging feeling young. Si kuya Grey naman ay matanda sa akin ng dalawang taon. Hindi ko siya kapatid sa dugo pero magkapatid na rin kung ituring namin ang isa't isa.

Secret crush ko si kuya Grey. Ever since the day I received the salvation of our Lord and Savior, Jesus Christ, hinahangaan ko na si kuya Grey. Dalawang taon na rin ang nakalipas simula nang ma-born again ako. Pag born again Christian ka hindi naman ibig sabihin na bawal nang magcrush-crush. Tao rin naman ako at marunong humanga sa opposite sex. Yun nga lang, dapat you know how to control and discipline yourself. In short, wag kang flirt!

Bawal munang magboyfie-boyfie. Hindi naman sa pinagbabawal ng pastor namin. Pero hindi talaga nirerecommend na mag-engage sa isang relationship kung hindi marriage ang main goal. In other words, kung gusto mong magdate-date, siguraduhin mong kasalan talaga ang punta. But before that, magpa-mature ka muna sa faith mo in the Lord. Yun lang naman yun. Isa pa, hindi biro ang pag-aasawa!

"Sinong kaibigan? Kilala ko?" Tanong ni kuya Grey. Oo, kuya Grey, kilalang-kilala mo pero hindi ko muna sasabihin dahil baka lagyan mo ng malisya. Hindi naman sa wala akong tiwala kay kuya Grey, pero ayoko lang malaman niya dahil baka akalain niya na crush ko si David. Eh siya lang naman ang ultimate crush ko at wala ng iba! Hindi niya nga lang alam. At wala akong balak na ipaalam sa kanya. Awkward kaya.

Secretly Dating!Where stories live. Discover now