Secretly 18

542 23 3
                                    

When I love someone, the fear of losing him is also included, as if a package. That's how it is to me.

"Sorry, ma'am, pero hindi po talaga pwede. Hindi po kami namimigay ng records, unless may permiso galing sa korte o polisya. Company policy po, ma'am eh." Pinagpawisang sagot ng technical staff, Adrian ata ang name, yun kasi ang tawag sa kanya ni Miguel pagpasok namin sa loob ng CCTV room.

Tiningnan ko si Miguel na nakatayo sa gilid ko, ang mga mata ko'y nagbabadya ng tulong mula sa kanya. Mukhang hindi ko madadaan sa simpleng pabor ang isang 'to. Kanina ko pa kasi sila kinukulit tungkol sa original files ng CCTV.

Nakuha naman ni Miguel ang nais kong iparating, pero ang hindi ko inexpect ay hilain niya ako papunta sa kanyang likuran. Nasa likod na niya ako ngayon at hinarap ang staff na kinakausap ko kanina. Napangiti ako bigla. Ewan ko. I just feel like he's protecting me for no apparent reason.

Nang mapansin kong napatagal ang ngiti ko sa labi, bigla akong kinilabutan. Erase, erase! Hay naku, Clarice, kung anu-ano ang iniisip mo!

"Adrian, baka pwedeng sumilip lang? July 5th lang naman ang kailangan naming makita." Sabi ni Miguel. Sumisilip ako sa gilid ni Miguel upang tingnan ang reaksyon ni Adrian, pero mukhang pinagpawisan pa siya lalo sa sinabi nito. Bakit kaya?

"Bro, alam mo namang strict ang rules dito. Mapapagalitan kami kapag nalaman ng taas." Napakamot si Adrian at sinulyapan ang kasama niyang staff, na umiling naman ng pasekreto.

Nagmamatigas talaga sila ha. Well, bawal naman talaga itong ginagawa namin. Pero sayang kasi ang pagkakataon. Nandito na kami eh.

Naiintindihan kong hindi nila ipapakita ang raw files hanggat walang permit, wrong timing lang talaga at hindi ko yun dinala ngayon. Pipigilan ko na sana si Miguel, at sasabihing bumalik nalang kami next time dala ang permit, pero nagpatuloy pa rin siya sa pagsasalita.

"Look, bro, buhay ni Harry ang nakasalalay dito. Alam mo naman siguro ang nangyari di ba?"

Biglang natigilan si Adrian. Muli niyang tiningnan ang kasamahang staff, sabay sabi, "Alam namin, Miguel. At alam din naming si Harry nga ang pumatay kay Elaine."

Nakita ko ang biglang pagkuyom ng mga kamao ni Miguel, at ewan ko kung anong pumasok sa kukuti ko dahil bigla ko nalang hinawakan ang dalawa niyang braso, na para bang pinipigilan siya sa kumakawalang emosyon.

"What? I can't believe you're saying this in front of me, Adrian. And you call yourself Harry's friends?" Pigil hiningang sumbat ni Miguel. Mukhang magbabasag siya ng mukha sa tono ng boses niya. Ba't ba kasi mainitin ang ulo nito?

"We're friends, Miguel. And we're very sorry sa nangyari kay Harry. But there's-"

"That's the point! Magkaibigan kayo kaya dapat alam mo ring hindi magagawa ni Harry ang pumatay ng tao, lalo na si Elaine! The nerve, Adrian, this is Harry we're talking about!"

HHhhkisdHiccup!

Sa lakas ng boses ni Miguel ay napasinok ako sa kanyang likuran, kaya naman silang tatlo ay napalingon sa'kin. Hiccup!

My gosh, akala ko nawala nato kanina? Ba't bumalik? Nakakahiya, Clarice!

"Sorry." Nahihiya kong sabi sabay takip sa'king bibig. Pero hindi pa rin nawawala ang pagsinok ko, kaya naman hinila ko na ang braso ni Miguel, sabay sabi, "B-bumalik na lang tayo next time. Kasalanan ko dahil hindi ko dinala ang permit."

Narinig ko ang malakas niyang buntong-hininga. Tapos pinatawan niya ng matatalim na titig si Adrian pati na yung tahimik niyang kasamahan.

Hinawi ni Miguel ang kamay kong nakahawak sa kanyang braso, yun pala ay para siya mismo ang humawak sa kamay ko. Really, Miguel, really?

Secretly Dating!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon