Secretly 19

586 19 2
                                    

"Attorney Clarice? Anong ginagawa mo dyan?" Halos mapatalon ako sa gulat ng marinig ang boses ni Attorney Diaz sa'king likuran. "Are you waiting for someone?"

Kasalukuyan kasi akong nakatayo sa likod ng dingding na konektado sa pintuan ng aming office building. Ang totoo niyan, wala akong hinihintay. Pinagtataguan, OO!

Nasa harap kasi ng building si Miguel, tahimik na nakasandal sa kanyang Hilux na sasakyan. He texted me earlier na susunduin niya ako at maghihintay siya sa labas.

Hindi ito ang unang pagkakataon na susunduin niya ako. In fact, ever since I took Harry's case ay palagi na niya akong hinahatid-sundo. Pero hindi ko naman nilalagyan ng malisya noon, kasi tinuturing ko lang naman siyang nakababatang kapatid. At alam kong concern lang siya sa'kin kasi ako ang tumutulong sa kanya at kay Harry.

Yun lang yun...noon.

Pero ibang usapan na kasi ang NGAYON!

I'm not sure yet, pero simula kaninang umaga na magkasama kami sa condo ni Harry ay hindi na ako mapakali. Kanina sa opisina, lagi kong naiisip ang mukha ni Miguel at lagi kong tinatanong sa sarili ko kung in love nga ba ako sa kanya o hindi.

Hindi ko nga alam kung gusto ko ba siya or not. Kung papipiliin ako kung sino sa dalawa ang mas matimbang, si Miguel o ang law, mas matimbang pa rin ang law. Mas gusto ko ang batas.

Pero sa tingin ko matagal na talaga akong hindi na-inlove...dahil hindi ko rin masabi kung tama ba ang pagkumpara ko kay Miguel sa batas.

Argh, whatever.

"Attorney Diaz, uuwi ka na ba? May dala ka bang sasakyan?" Tanong ko sa kanya at tinaasan lang ako ng kilay sa pagtataka.

"Oo, meron. Bakit mo naman naitanong?"

"Pwedeng makisabay?"

"Huh? Di ba may tagasundo ka?"

Oh, shoot. Pati mga ka-opisina ko napapansin na rin ang madalas na paghatid-sundo ni Miguel sa'kin.

"Hindi ko siya tagasundo, Torney!" Hmnn, defensive ka, Clarice. Defensive! OHMEEGEE. This is so not me.

"Clarice!" Tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan ng marinig ang tawag ni Miguel mula sa labas. Nakita niya ako? Naku naman!

"Sus, ikaw talaga Attorney. Yun oh, tinatawag ka na ng kapatid mo." Nakangiting sagot ni Attorney Diaz at para akong naging zombie sa kinatatayuan.

Ano daw?

Kapatid?

"Buti ka pa nga, may volunteer driver ka kapag busy. Eh ako? Naku, yung husband ko nga ni hindi ko nakikita dahil sa sobrang busy. Sige Torney, mauna na ako. Sa kanya ka na sumabay."

"Hindi ko siya kapatid." Mahina kong sabi pero nakaalis na si Attorney Diaz. Napakababaw ng rason pero naapektuhan ako sa sinabi niya. Hindi ko kasi alam kung matutuwa ba ako or not. Napagkamalan ba namang kapatid ko si Miguel?

Well, hindi ko naman masisisi si Attorney Diaz. Alam niyang may kapatid kaming lalake ni Aryen. Si Edgar, yung nakababata naming kapatid. Malay ba niya kung ano ang hitsura ni Edgar di ba?

Medyo malayo si Miguel mula sa'min at dahil sira ang mga mata ni Attorney Diaz, alam kong hindi niya namukhaan si Miguel as the previous Beloved member. Well, matagal-tagal din namang nawala sa entertainment world si Miguel. Kaya normal lang na may mga taong hindi na nakakakilala sa kanya.

Hay naku, ewan. Hindi naman yun ang importante ngayon, kundi si Miguel mismo! Bakit niya ba ako sinusundo? Dahil sa kanya hindi ako nakapag-concentrate sa kaso ni Harry kanina.

Secretly Dating!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon