"Anong ginagawa nyo dito?"

Nanlaki naman ang mata ko at agad napalingon. Nandito pala si Raven, lumapit sya sa amin.

"Oh Hi Raven, we're here because kakain kami ng fiance ko."- sabay hawak ni Cristina sa braso ni Jerome.

Napangise naman bigla si Raven.

"Saan nyo gusto kumain? Dito nalang o sa private room?"- he ask

"Dito nalang."- Jerome answered

"No, mag private room nalang tayo honey."- Cristina said

Ay honey yern?

"Bakit sa private room pa?"- inis na tanong ni Jerome.

"Para makapag-solo naman tayo right?"- Cristina said

Napa-tss si Jerome, hays kawawa naman si Cristina naka-pout na.

"Pumayag kana pare."- Raven said

Tumingin ng masama si Jerome kay Raven, natawa naman si Raven.

"S-Sige, kung ayaw mo sa private edi dito nalang."- malungkot na sabi ni Cristina.

Naramdaman ko naman yung kamay ni Raven sa waist ko kaya napatingin ako sa kanya bigla.

"Tara iwan muna natin sila."- bulong nya sa akin tapos hinila na nya ako palayo kila Jerome at Cristina.

Pagdating namin sa kitchen humiwalay ako sa kanya.

"Saan ka pumunta kanina?"- i ask

"Sa office."

"Anong ginawa mo?"

"May pinatapos si Daddy sa akin kaya ayun."

"Ah."- yun nalang sinabi ko.

Ngumiti naman sya ng kakaiba.

"Oh bakit?"- tanong ko

"Siguro namiss mo agad ako no?"- tanong nya with matching taas-taas pa ng dalawang kilay nya.

I smirk.

"Magkasama lang tayo kanina kaya bakit kita mamimiss?"

Sumimangot naman sya.

"Ang kj mo kainis ka."- he said and rolled his eyes, hala sya?

After that nagpalit narin sya ng damit tapos sya na yung humingi ng order nung dalawa.

Pagkatapos nun ulit nandito kami ngayon nakaupo kaming dalawa habang pinapanuod yung dalawa na kumakain.

"Bakit kaya ang sungit ni Jerome? Ang bait naman ni Cristina ha."- i said

"Mabait talaga si Cristina plus maganda pa at mayaman. Pero kapag hindi mo gusto ang isang tao, hindi mo sya gusto."

Tumingin ako kay Raven, seryoso lang syang nakasandal sa upuan habang naka-cross arms.

Hindi naman na ako sumagot at tinignan nalang ulit yung dalawa.

Ibig sabihin, hindi gusto ni Jerome si Cristina?

"Kung hindi gusto ni Jerome si Cristina, ibig bang sabihin nun may iba syang gusto?"- i ask

"Wait."- napatingin naman ako kay Raven na napatuwid ang upo habang nanlalaki ang dalawang mata sa akin.

"Problema mo?"

"Don't tell me crush mo si Jerome?!"

Hala sya?!

"Baliw hindi no."

Hindi naman na sya nagsalita.

"Pero yun nga, may iba ba syang gusto?"- tanong ko ulit

Love GeniusWhere stories live. Discover now